CHAPTER 45: Duo with the Gunlinger

239 30 4
                                    

Kael's POV

Swadia Continent, Ruins of the Sacred Knights.

"Hoy!! Lumabas na kayo mga pangit na kalansay, tanda n'yo pa ba ako! Mga kaibigan, magpakita kayo... magpatayan ulit tayo!"

"Anong pingsasabi mo? Kaibigan?!" Nagtatakang tanong sa'kin ni Vella. "Isinama mo ba ako para pumatay ng mga halimaw sa luagr na 'to?"

"Gano'n na nga, mas marami sila sa lugar na 'yon. Kaya halika, 'wag kang matakot ako bahala sa'yo." Sambit ko habang hinihila siya papunta sa lugar na tinutukoy ko.

Aalis din naman kami agad, hintayin ko lang lumabas ang ilan sa mga armadong kalansay at pumatay ng ilan.

Habang naglalakad palapit sa kalagitnaan ng bayan. Ramdam ko ang pagtataka ni Vella sa mga kinikilos ko.

Ano ba ang ikinapapangamba niya, hindi naman siya mapapahamak sa'kin, isa pa mas malakas na ako sa kanila kumpara dati, kaya sigurado akong mapoprotektahan ko ang aming mga sarili.

"Mabuti pa bumalik na tayo." Mahina niyang sambit.

"Sandali nakikita ko na ang itim na bahay." Wika ko.

"Anong meron sa itim na bahay?" Tanong niya.

"Lapitan mo, dito lang ako sa likod mo, 'wag ka matakot."

"Hindi ako natatakot, pero sa tingin ko 'wag nalang siguro. Baka patibong pa ang bagay na 'yan."

"Ikaw bahala, may baril ka diba? Patamaan mo nalang kung ayaw mong lapitan." Utos ko.

*Bang*

"Tapos na, anong nangyari?"

Maging ako napatigil at napasipol dahil sa bilis ng pagputok n'ya ng kanyang baril. Kasasabi ko lang nagawa n'ya kaagad. Ang galing naman ng batang 'to. Ito nga ba ang unang beses kong makita ko siya gumamit ng baril n'ya.

"Galing mo naman." Papuri ko. "Tingnan mo lang ang bahay na 'yan at magiging buhangin 'yan." At 'yon na nga ang nagyari matapos kong magsalita.

"Opps ilag." Sambit ko matapos bumungad ang isang kalansay na aktong tatagain si Vella. Dagli kong iniwas s'ya dahilan para matanggal ang sumbrerong suot-suot pa niya noong una.

Agad ko na ding binunot ang aking dagger mula sa lalagyan nito sa'king sinturon. Kagaya ng dati, umiilaw ang gitnang bahagi nito sa t'wing nahahawakan ko, siguro dahil na rin sa mahikang taglay nito.

Kaagad ko ding ginamit ito upang ipangputol ng ulo ng nasabing kalaban. Walang kahirap-hirap kong naihiwalay ang bungo nito kanyang katawan. Mahina lang ang ginawa ko at pinatama ko lang pero dagliang nakahiwa.

'Di ko aakalaing ganito na ito magiging katalas pero gayon pa man, mukhang unti-unti ko nang nakakabisa ang paggamit nito.

Pinaglaruan ko pa ng mabuti ang nasabing sandata at siniyasat kung anong kaya nitong gawin. Nang sa gayon ay mas maging bihasa ako at makilala kung paano ito gamitin.

Pinaikot-ikot ko ito sa'king kamay saka ibinato sa malayo kung saan may ilang pasugod na kalansay.

Lumipad ito isang diretso sa daanan at saktong tumama sa bungo ng dalawang magkasunod na kalansay dahilan upang masira at tumagos ito sa kanila. At sa huli, tumusok ang aking punyal sa isang bahay na nasa tapat ko, tatlong metro lang ang layo.

"Vella ikaw na muna bahala sa mga 'yan, magiingat ka kunin ko lang sanadata ko." Sambit ko sa kanya.

Napahinga siya ng malalim at agad na inihanda ang pares ng kanyang baril at sinunod ang sinabi ko. Habang ako tumakbo patungo sa kinaroroonan ng aking punyal kahit na may ilang kalansay na humaharang at sinusubukan akong atakihin.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now