CHAPTER 37: Lord Kaz'rel

329 40 0
                                    

Kael's POV

Kael's Consciousness in an unknown place.

"Sa paligid? Anong meron?"

Bahagyang napatagilid ang aking ulo dahil sa pagtataka at kawalan ng kaalaman tungkol sa nangyayari. Kung iba na siguro titingin sa estado ko ngayon, panigurado hindi maintindihang ekspresyon ng aking mukha ang kaniyang makikita.

Huli ko lang na natatandaan may malalim akong sugat sa dibdib pagkatapos tinulungan pa ako ni Nathalia bago ako mawalan ng malay. Siguro sa oras na ito ginagamot nalang ako nina Kye at hinihintay ng buong squad na magising, pero 'di ko din alam kaya 'siguro.'

'Baka' din inililibing na ako ng mga 'yun. Pero sana naman hindi, kasi 'di pa ako patay.

"Bakit, anong meron sa paligid? Pwede mo bang sabihin." Magalang at maayos kong saad kay Maria. Magpakaginoo muna tayo sa ngayon sa pagutos, para maayos ang dating at pakikitungo ko sa kanya.

"Nagkakagulo at Giyera." Malamig niyang sagot.

Seryoso? Nagulat ako sa sinabi niya at bigla akong nakaramdam ng pangamba at takot para sa squadmates ko.

"Ano! Paano 'to, pa'no ko sila matutulungan?" Gulat kong wika.

"..."

Walang imik o anumang tugon ang narinig ko sa kanya matapos kong mabitaw ng mga salita.

Akala ko ba may sasabihin ang pusang ito ta's mukhang wala pa siyang balak tumugon o magasasalita. Meron nga siyang binanggit pero tatlong letra lang naman 'yon. Anong malalaman ko sa paligid kung 'yun lang naman ang maririnig ko! Sige. Kalma lang, magisip ka nalang din paraan Kael.

Huminga ako ng malalim saka muling nasalita. "Maria. Anong meron? Alam kong nakikita mo ang nangyayari ngayon, pwede mo ba ipaliwanag? Kailangan natin sila tulungan, paano ako makakabalik sa dati!"

"Digmaan, mas mabuti kung hahayaan nalang natin sila-"

"Anong hahayaan! Kaibigan natin ang mga nasa peligro, isa pa nasa'tin ang malakas na pwersa, kailangan nila tayo." Malakas kong sambit na may halong konting galit at pagkadismaya.

Agad akong lumapit kay Maria at nagmakaawa. "May paraan ba para bumalik ang diwa ko sa aking katawan?"

"..."

"Hindi ko alam pati wala akong maisip na paraan, at ayaw kong tulungan ang mga taong iyon." Seryoso niyang wika.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo!" Galit kong bulyaw sa kaniya.

Sa nararamdam ko ngayon parang maging siya gusto kong saktan, kahit na alaga o kakampi ko siya sa buhay at sa lahat ng oras.

Pero mali pa rin na bumuo ako ng galit sa kanya, siya na ang promoprotekta sa akin kasama si Scub. Wala akong karapatan para gawan siya ng masama.

'Di bale na, kung ayaw niya ako nalang ang iisip ng paraan. Muli akong huminga ako ng malalim saka muling nagwika.

"Patawad sa nasabi ko." Sambit ko at agad din siyang tumitig sa'kin matapos kong humingi ng paumanhin.

"Naiintindihan ko, pero kung gusto mong tulungan ko sila, gagawin ko, hindi ko pwedeng suwayin ka." Wika niya hanggang sa mapangiti ako sa galak matapos marinig ang kaniyang pagsangayon.

"Sabi ko na nga ba tutulungan mo ako!" Masaya kong wika kasabay ng pagyakap ko sa kanya at sa maramdaman kong bahaya siyang nagulat, pero 'di na mahalaga 'yon.

Tumugon siya sa aking yakap. Kahit iba ang anyo niya ngayon, gano'n pa din ang pakikitungo niya, sadya talaga siyang malambing.

"Ang kaso lang hindi mo ako makokontrol sa labanan, may posibilidad na madali akong magapi." Pabulong niyang dagdag sa kanyang sinabi.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon