CHAPTER 63: The Unsafe Member

352 25 0
                                    

Kael's POV

Eh? Seryoso?

Hindi ako makapaniwala matapos kong marinig ang pagpapakilala niya. Ito na 'yung sinasabi ko sa sarili ko kung bakit ako nagaalinlangan magsalita ng tapos.

"Seryoso ikaw ang Sky Guardian? Ikaw si Ionia?" Mahina kong tanong rito, na may paggalang syempre. At sa tinggin ko hindi naman niya masyadong narinig.

<Appraisal Skill> Tingnan nga natin…

------------------------------------------

Name: Ionia

Age: ????

Gender: Female

Race: ????

Job: ?????

HP: ????? / ?????

MP: ????? / ?????

Affinity: [Air]

Title: Sky Guardian, Goddess of Trust

------------------------------------------

Huh? Ba't gano'n wala akong mabasang impormasyon sa status n'ya.

"Gano'n na nga." Aniya sa naghahamong tono. Matapos niyang magsalita ay naglaho siya na parang isang hangin, nawala at ilang saglit ay nakaramdam ako ng malamig na pakiramdam sa aking likod na para bang may yumakap sa'kin.

Pagkaraan lang din no'n ay may dalawang kamay na bumungad sa'king mukha, nakaharap ang palad nito at unti-unting nabubuo sa aking paningin ang mga bagay mula sa kalawakan. Maliliit lang ang mga detalye nito, parang mga puting imahe lang ng mga planeta, bulalakaw at mga bituin na mga tuldok lang.

"Ipapakita ko sa'yo Kael ang ganda ng kalawakan at kalangitan. Ako ang may kapangyarihan at tagapamahala ng mga bituin, araw at buwan…" Hayag ng isang babae sa malambing na tono na masisiguro kong boses ito ng nagsasabing siya si Ionia. Korni ah, napakaluma.

Habang nagbibigkas siya ng mga salita nagbago ang tingin ko sa buong paligid, dumilim ito pero kasabay ko ring nasisilayan ang maliliit na liwanag na kumikislap kung saan-saan na may iba't ibang kulay at lakas ng pagliwanag.

Sa kabuuan, bigla akong napunta sa dimensyon ng sansanikob na hindi ko alam kung pa'no nangyari. Nakalutang ako lang ako rito at walang tinatapakang bagay, tanaw ko ang iba't ibang planeta sa malayo at malapit, bituin, bulalakaw at ilan pang bagay na nagliliwanag tulad ng araw o nebula. Paanong nangyari 'to, parang panaginip lang…

Hawak ko parin sina Maria at Scub at pakiramdam ko maging silang dalawa hindi rin makapinawala sa nagyayari ngayon kagaya ko.

Lubha akong namangha sa aking nakikita, dahil pantasya lang 'to para sa akin pero ngayon… ramdam ko ang pagiging totoo. Walang ingay akong naririnig dito, maayos akong nakakahinga at mabuti ang pakiramdam ko habang nasa labas ng tunay na mundo.

Isa pa, hindi masakit sa mata ang makita ang araw habang tinititigan. Kahit na sobrang liwanag nito na halos hindi ko na mailarawan ang aktwal nitong itsura ay hindi 'yon dahilan upang lumabo o mawalan ako ng paningin kahit na titigan ko 'to ng matagal o kahit kailan ko gusto.

Gano'n pa man sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa subalit para akong paralisado dahil hindi ko maramdaman ang mga bahagi ng aking katawan. 'Yun nga lang, hindi ko magagawang makaalis sa aking pwesto o maikilos ang aking kamay man lang. May kondisyon din pala ang nararnasan ko ngayon, akala ko buong-buo ko na makakatamasa ng pagkamangha. Malas, akala ko din malilibot ko 'to.

Pero ayos lang, mukhang isang beses lang naman sa buhay ko mangyayari 'to , kaya tatanggapin ko nalang kung ano ang hinihinging kondisyon dito.

"Hoy Kael!" Rinig kong tawag sa'kin ng isang lalaki na may baritonong boses. "Lutang ka na naman…" Dagdag nito.

Reincarnated as a Beast TamerWhere stories live. Discover now