CHAPTER 60.1: Rhythm of Nigthmare

130 24 0
                                    

Kael's POV

Hm? Parang pamilyar na naman 'tong lugar na 'to sa'kin. Isang malaparaisong kakahuyan? Nakita ko na yata ito dati, 'di ko lang alam kung kailan.

Ano ba 'tong lugar na 'to?

Napakamot nalang ako sa aking ulo habang iniisip ang kinatatayuan ko ngayon, may ideya ako kung saan ito, 'yun nga lang… hindi ko matukoy o mabanggit ang eksaktong pangalan ng lugar kung nasa'n ako ngayon.

Nasa isang malinis at maaliwalas akong kakahuyan. Pero hindi 'yung pankaraniwan na nakikita ko sa paligid na kulay berde ang mga dahon ng puno at halaman pati kayumangi ang kulay ng lupa at kahoy. Kakaiba ito dahil halos lahat ng nakikita ko, dahon, bato at puno aykulay krema o kung hindi man, mga kulay na malapit sa puti, pero pamilyar 'to sa'kin at nasisiguro ko 'yon.

Mababa lang ang mga puno subalit ito ay mayabong at ang ilan sa maliliit na dahon nito ay paisa-isang nanlalaglag, kung tutuusin abot ko ang mga dahon nito. Hindi dahil matangkad na ako, sadyang mababa lang talaga ang puno. May lagaslas ng tubig na napakapayapa pakinggan. Sa kabuuan, para akong nasa isang paraiso na ako lang magisa.

Nilibot ko ang tingin sa paligid sa pagbabakasaling makakatagpo ako ng palatandaan kung nasa'n ako hanggang sa natanawan ko ang ibang nilalang sa ibabaw ng puno.

Hindi pala, may ilang kasama akong ibon dito na nakahapon lang sa sanga. Kung pagmamasdan sila, kahawig ko ang mga ito 'pag nagbabago ako ng anyo, kulay itim nga lang ako at kulay puti naman sila.

Teka… parang nagyari na 'to ah. Napaisip ako ro'n.

...

Hindi, hindi, wala akong matandaan.

Pero kung gano'n itsura ng mga ibon dito, posible kayang tao rin sila na na nagiging ganyan din ang anyo kagaya ko. Ibong may malapad na pakpak at mahabang buntot.

"Ehem."

"Oyy naiintindihan n'yo 'ko!" Sigaw ko at humarap sila sa akin. Walang rumesonde at nagsiliparan lang palayo ang ilan. Mukhang natakot sila. Grabe wala naman akong masamang intensyon.

At ayun, isa nalang nakita kong naiwan at malapit lang siya sa'kin, nasa harap ko lang siya, wala pang limang metro ang layo. Mabuti pa samantalahin ko nang obserbahan 'to.

<Shadow Feathers>

Nagcast ako ng skill at binago ko ang aking anyo upang maging isang nilalang na kagaya nila. Naisip ko na sa ganitong paraan baka hindi na sila matakot.

Lumipad ako palapit sa nagiisang ibong ito ngunit agad din siyang lumipad palayo sa'kin. Hay… pati ba naman ikaw. 'Di bale na susundan ko nalang siya.

Nagpatuloy lang ako sa pagsunod ko sa kanya. Lumilipad siya palapit sa batis o ilog o… kung ano mang anyong tubig 'yon, nasabi ko 'yon dahil sa patuloy kong pagsunod sa kanya ay unti-unting lumalakas ang naririnig kong lagaslas ng tubig.

Hindi ko lang maindihan, bakit habang tinitigan ko ang ibong ito, malakas yung pakiramdam ko na kakilala ko s'ya. Wirdo lang sa'kin, kasi wala naman akong nakikitang ganyan sa normal naming lupain, wala naman akong napapaamo o nakakausap na ganitong uri ng nilalang alinsunod sa natatandaan ko. Ngunit 'di ko din sigurado.

Ang gulo ng nangyayari, wala akong maintidihan. Blanko ng utak ko at pinipilit ko lang makisabay sa bawat pangyayari.

Habang patuloy kami sa paglipad sa himpapawid, dinala niya ako sa tabi ng isang batis na may malinis at malinaw na tubig at kita sa ilalim nito ang maliit na bato at ilang maliliit na isda na lumalangoy.

Humapon siya puno at doon nagsimulang magbago ng anyo. Nagliwanag ng kaunti ang kanyang sarili habang pinapalibutan ito ng mga kulay puting balahibo.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon