'Ahh-ehhh-ihh-ohh-uhhh ang sakitt!'
Habang kinukuskos ko nang kamay ko ang katawan ko may naalala ako.
'Isang araw lang naman siguro ako nakatulog, noh? Hindi korin alam ang oras. Pero nandito pa naman ako sa lugar ng mga demonyo. Naalala ko si Mr. Chen. Bakit kaya nagalit 'yung dragon ball na'yun? Ang alam ko nalagay ko naman 'yung recorder at tracking device. Psh, iba talaga yung dragon ball na'yun. Kasama pa kaya ako sa Demogorgons? Wala naman kasing binibigay na impormasyon 'yung dragon ball na'yun, eh. Sinasanay lang nila ako, ayun lang.'
Natawa nalang ako ng malamig ng maalala ko'yung flying vase nya.
'HAHA! Demonyong dragon ball nayun, psh.'
Natapos na'kong maglinis at sinuot ko 'yung damit ko kahit basa. Nahimasmasan narin ako kahit papaano dahil nalinis kona'yung katawan ko. Uminom narin ako ng tubig sa gripo.
'Arte paba ako?'
Iika-ika akong lumabas sa Cr na walang pinto.
'Kapag lumabas ako sa kwartong to ano kaya 'yung dadatnan ko? Kinakabahan ako ah. Paano kapag lumabas ako tapus hindi nila ako payagang umuwi? Ano kaya ginagawa ng dragon ball nayun? Ano yun magpapanggap akong okay lang kapag nakipag usap sakanya?'
Nang matapos akong magmuni muni ay dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Hindi naman kagaya ng inaasahan ko ang nakita ko sa labas.
'Tingin sa kaliwa, clear. Tingin sa kanan, clear. Tingin sa, psh ano ba!'
Dahan dahan akong lumabas at bumungad sa'kin ang kadiliman ng paligid.
'Nasaan naman kaya ako? Ang naalala kolang nung may malay pako ay hindi naman nila ako dito pinahirapan.'
Pagkalabas ko ay walang diretyong hallway na bumungad sakin kundi kaliwa't kanan na hallway.
'Ano bang lugar to? Saan nanaman kaya ako dinala ng mga demonyong yon? Para naman akong nasa Slendrina na laro sa lugar na'to. Ngayon lang din ako napunta dito. Saan kaya ako dadaan? Mini mini mymemo, psh mali pa. Sa kanan nalang kaya? Oo sa kanan nalang tutal medyo maliwanag 'yung daan sa hallway sa kanan.'
Nag stealth walking ako kahit na iniinda ko'yung mga latay ko sa katawan na namamaga.
'Wala bang katapusang hallway to? Psh. Alam mo'yung pakiramdam na matagal kanang wala? 'Yung matagal kanang naliligaw? Kaya hindi na'ko natatakot sa sitwasyon na ganito, kasi mas sa sarili konga eh matagal na'kong nawawala at hindi ko alam yung tatahakin kong lugar pabalik. Sa madaling salita naliligaw at walang direksyon.'
**Sigh! Sighhh!**
'Tama na'yung kaartehan ko dahil mas lalo akong walang mapapala dito.'
[{v___v}]
'Baka talaga sa kaliwa 'yung daan?'
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang may nakita akong pakaliwang daan. Titignan ko nalang kung may daan dito. Kung wala edi sa kaliwa.
'Bakit pa kailangang mamili kung pwede naman sa dalawa? Parang buhay ko lang yan. Sa buhay ko bakit kailangan ko lang maramdaman na matakot? Kung pwede naman sa dalawa. Ang maging matakot at matapang. Bakit ako mag papa apekto sa isa lang? Hayystt! Eto nanaman ako!'
p→___→q
P←___←q
Lumiko ako doon at nagpahinga na muna. Kung makakalabas pa ako ng buhay dito ay kailangan ko munang ayusin ang sarili ko at ang itsura ng mukha ko. Mukha pa naman akong nangangasim dahil sa sakit ng katawan ko.
YOU ARE READING
'Til The Perfect Day
RandomKahit kailan ay hindi naging pantay ang buhay ng mga tao. Nasa iisang mundo pero ang iba'y naguguluhan, nalilito, masakit pero 'yan ang totoo. Sa hirap ng buhay minsan gusto monalang sumuko, pero sila? hindi nagpaapekto. Sila 'yung taong pin...
~♥~ Flashbacks (7) ~♥~
Start from the beginning
