Chapter 53

141 5 0
                                    

Chapter 53

Falling in, falling out


Author's Note: This is just a point of view of Lucas. I'm just giving a short preview of what happened to Lucas and Cam/Ada.

LUCAS ROBERT UY

10 years ago...

Mabilis kaming nakarating sa church na sinasabi ni Ada kanina. Kitang-kita ko ang pagiging luma nito dahil gawa ito sa bato na may mga lumot nang nakakapit.

"Why do you have to go with me?" Rinig kong sabi niya habang naglalakad sa may gate na nakasara. She is just holding the gate waiting for me to response.

"I... I just want to explore your world, I want to enter in your life." Nung sumagot ako, she just smirked and opened the gates.

Sinalubong kami kaagad ng isang dalagang babae. Kung sa itsura niya, mga nasa 20s na siya.

"Magandang hapon, Ada. Himala at late ka nakarating ngayon." Bati sa kanya nung babae. Napalingon siya sa direksyon ko at ngumiti. "Mukhang may kasama ka."

"Ate Rea, sorry kasi nanggaling pa kami sa kanila. Siya nga pala, siya si Lucas, kaibigan ko." Medyo nasaktan ako na kaibigan niya lang ako. Pero nabuhayan ako ulit dahil dyan lagi nag-uumpisa ang relasyon, sa pagkakaibigan. Tama tama!

"Bakit ka nakangiti dyan? Baliw." Nabalik ako sa katinuan nung narinig ko siyang nagsalita at napatingin ako sa direksyon niya. Nakatingin pala silang dalawa sa akin.

"Hehe. Hello po ate Rea." Nahihiyang pahayag ko kay ate Rea at ngumiti siya muli sa akin habang si Ada, inirapan lang ako.

Bakit parang kanina ang bait niya sa akin pero ngayong nasa ibang lugar na kami, ang sungit na niya?

Di ko tuloy malaman kung paraan niya lang 'to para di ko malaman totoo niyang nararamdaman sa akin o sadyang ayaw niya lang talaga ako.

I sighed in defeat at sumunod sa kanila nung pumasok sila.

Nang makarating kami sa loob, natigil lahat ng tayo sa ginagawa nila at napatingin sa direksyon namin... mali pala, sa direksyon ko pala. Ano bang meron?

Lumapit ang isang matandang babae kay Ada at ngumiti ito habang sumusulyap sa akin.

"Magandang hapon hija. Mukhang huli ka na sa aktibidad kanina. At di ko akalain na may kaibigan ka palang tulad niya."

"Tita, friendly naman siya e. Selfish lang. Mga bata, siya nga pala si Lucas." Pagkabanggit palang ni Ada ng pangalan ko, nagtakbuhan na ang mga bata sa akin at pinagyayakap ako.

Alam kong gwapo ako pero di ko akalain na pati mga batang lalaki, naaakit sa kagwapuhan ko.

"Kyaaa! Sabi ko na nga ba e!"

"Siya nga! Siya nga!"

"Lucas Uy! Siya nga 'to di ako nagkakamali."

"Siya yung sikat na artista at model! Hihi!"

Sunod-sunod sa sabi ng mga bata sa akin. Kaya pala manghang-mangha sila nung makita nila ako. Di ko alam na alam pala nila na isa akong artista.

"Sabi ko na nga artista 'to e. Kaya pala namumukhaan kita." Masiglang sabi rin ni ate Rea na nakaupo sa sulok habang nagtitimpla ng juice.

"Tss. Attention-seeker." Nabaling ang tingin ko sa babaeng ubod ng sungit at ang sama ng pakikitungo sa akin. Di ko pala napansin na nandito pala siya, masyado akong nadala sa mga bata.

DowntimeWhere stories live. Discover now