Chapter 15

341 4 0
                                    

Chapter 15

Opening Act


CAM SOLA

First Day of Foundation Week

Undecided pa rin ako sa kung ano ang susuotin ko ngayong araw. Foundation week na kasi ngayon at busy lahat ng mga estudyante sa pagpapasaya sa school. First day ngayon at opening ng foundation week kaya kailangan kong magmadali kung ano ba ang susuotin ko.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapili kung ano ba talaga? Cam Sola or Lois Ender?

Eto ang mahirap sa sitwasyon ko, may tig-isa akong lalaki sa bawat katauhan nila at di ko rin maisip kung sino ang uunahin ko? Ang best friend ko o ang pinaglalaruan ko?

Kung tutuusin, mas mahalaga pa rin talaga si Aldrin kaysa sa manyak na si Luke.

What am I thinking? Why I'm still confused on choosing to those two? Pwede namang di na ako pumunta sa school dahil alam kong magiging boring na naman dun.

At galit pa rin sa akin ang mga estudyante dun dahil sa ginawa ko kay Cal.

Pero wala pa rin nakakasigurado na ako nga ang gumawa dahil wala pa rin silang ebidensya. Siguro ako ang tinuturo nilang prime suspect.

Tsss. Who cares di ba? Bahala silang mag-aksaya ng panahon nila sa akin.

"Di ka pa ba tapos?" What the fuck? Anong ginagawa ni Aldrin dito?

"Sino ka para pumunta sa bahay namin?"

"Best friend slash manliligaw mo."

"Tss. Manliligaw? Patawa ka? Di ako pumapayag na manligaw ka, best friend ka lang."

"Whatever, liligawan pa rin kita. Bilisan mo na!"

"Wag mo akong madaliin, kung inip ka na lumayas ka na!!"

Sinuot ko na lang ang black tank top ko with my black micro skirt and yung binili kong black high heels. Pero mukhang di ako natutuwa sa suot kasi si Cam Sola nga pala ako. Kailan pa ako nagsuot ng ganito?

Pinalitan ko na lang ang tank top ko ng loose shirt para naman ma-maintain ko pa rin ang pagiging hindi fashionista ng onti. Kinuha ko na din yung skateboard ko na may nakalagay na 'cold bitch'. Medyo matagal na sa akin 'to since tawagin nila akong ganun.

Naglagay akong black eyeliner at kinuha ko din yung headphones ko.

Pagbaba ko galing kwarto, dumiretso muna ako sa dining area para mag-almusal at di ko inaasahan na nandito pa pala ang best friend kong mainipin.

He is staring at me.

"What?" Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Buong oras ng pagkain ko, nakatingin lang siya sa akin. Tinapos niya kaagad ang pagkain niya at tinitigan na lang ako.

Mukhang sinulit na niya ang pagtitig sa akin dahil pagdating namin sa school, mga estudyante naman ang tumitingin sa akin. As in titig talaga with matching paglaki ng mata at pagnganga.

Ngayon lang ba kayo nakakita ng maganda nilalang?

Nag-skateboard ako papuntang office ni tito. May sumubok na tapilukin ako pero nakakaiwas kaagad ako. Akala nila siguro di ako marunong ng iba't ibang style ng skateboarding.

"Yow tito!"

"Long time no see, Cam. I see you're prepared."

"Prepared for what?"

DowntimeWhere stories live. Discover now