Chapter 1

989 15 6
                                    

Chapter 1

Maltreat


CAM SOLA

"Okay, class dismissed." Hugyat na tapos na ang klase.

Hinintay ko muna na lumabas lahat ng mga kaklase ko bago ako mag-ayos ng gamit. Nandito ako sa sulok ng kwarto, nakaupo lamang habang nakatungo.

Wala naman akong kaibigan eh. Mas mabuti na walang akong iniitndi.

Siguro nga, weird ako sa paningin nila at lubos na kinakatakutan.

Kung titingnan mo 'ko, di mo makikita mukha ko dahil natatakpan 'to ng buhok ko na sobrang straight na umaabot hanggang ibaba ng dibdib ko. Isang mata ko lang ang makikita mo sa akin at isang malaking kilabot sa kanila kung makita nila ang dalawa kong mata.

Sinasabi ng karamihan, na isa akong malamig na bangkay...

Bakit? Dahil sa pagiging cold ko sa kanilang lahat. Bihira silang makita 'kong ngumiti, magsalita o tumingin sa kanila.

Walang nagtatangkang lumapit sa akin dahil sa iba ang kinikilos ko kaysa sa kanila. Mas tinatawag nila ang mga sarili nilang normal at isang tao. 

Sabihin na nating muka silang normal at mukhang tao pero di maaalis sa kanila ang pagiging asal hayop.

Nang ako na lang ang nasa kwarto, dali 'kong inayos ang gamit ko. Tiningnan ko pa ang phone ko kung may text mula sa kanila.


From Bobbi:

Hey! Come and join us. Same place, ok? Reply if you're free. Partyyyyy!!!!


Nagtataka kayo no kung sino si Bobbi? You'll know them soon.

'Di ko na pinansin ang text niya, mamaya ko na lang siguro siya sasagutin. Busy pa 'ko sa pagiging cold dito.

Agad akong lumabas ng room at nadatnan ko ang ibang estudyante na para bang inaabangan nila akong dumaan. Feeling ko tuloy may masama na naman silang binabalak sa akin.

Ganyan sila palagi kapag trip nila ako pahiyain sa lahat. Saksi lagi ang lahat sa kahihiyan ko.

Mukhang napansin nila na napatigil ako sa hallway kaya bigla silang gumalaw na akala mo ay parang walang mangyayari ngunit alam ko na ang style nila. Sinanay nila ako kaya this time, it will be them to be disappointed.

Tumalikod na 'ko at di na doon dumaan. Akala nila maiisahan nila ako.

Tumatalino na ako lalo sa inyo, mga mukhang unggoy.

Nung paliko na ako sa may hagdan, bigla akong may natapakan na lubid.

Oh oh.

Sinabi ko bang tumatalino na 'ko sa kanila? Mukhang na sa kanila pa rin talaga ang huling halakhak.

Naramdaman ko na lang na may kulay pulang likidong unti-unting bumalot sa buong katawan ko. Malamig at ang sticky ng bumabalot sa akin.

Mas lumakas ang tawanan nilang lahat. Naisahan na naman nila ako.

Binigyan ko na naman sila ng palabas na libre.

What can you say? I'm a celebrity to them but in a different and harsh way.

"Akala mo matalino ka? Nice show, girl!" Sabi ng isang babaeng nasa harap ko while crossing her arms.

Nice show pala? Dahil madali akong kausap, mas bibigyan ko sila ng nicer show.

DowntimeWhere stories live. Discover now