Chapter 41

202 3 0
                                    

Chapter 41

Scheme


CAM SOLA

Ang ganda naman ng pasalubong nila sa akin. Ganito ba nila ako kamahal?

Pangalawang beses pa lang nilang bumalik dito, di man lang nila pinakita sa akin na na-miss nila ako?

Like I care pa di ba?

"So ganung lalaki pala gusto mo?" Ayan ang bungad sa akin ni daddy.

"Pinagtanggol niya lang ako. Mali ba yun?"

"Maling-mali?! Di basagan ng ulo ang solusyon sa lahat."

"Ano na lang sasabihin ng mga tao? Artista pa man din ang fiance mo?!"

That's what I've been expecting pagdating pa lang nila dito...

A fucking fix marriage.

"Bakit huh? Ang pagsampal niyo ba sa akin solusyon para tumino ako?! And what the hell?! Fiance?! Nahihibang na kayo!!"

"It's settled. Wala ka nang magagawa." Mahinahon na sabi ni daddy.

"Wala? Isa akong sikat na model at kayang-kaya ko kayong talikuran gaya ng ginawa niyo noon."

"Pinagmamalaki mo yun? Di mo alam ang kaya naming gawin." Sabi ni mommy sa akin. Akala mo matatakot mo ako.

"And besides, isang sabi lang namin... you're done." Gatong pa sa akin ni daddy.

"Fine! I won't leave but don't ever fix me to a fucking marriage?! Di ako natatakot sabihin lahat ng baho niyo!"

Ayoko lang talaga muna umalis dito dahil marami pa akong bagay na dapat ayusin.

Kung tutuusin, sanay naman ako sa hirap at di ako natatakot kung babalik man ako sa ganung buhay.

Money doesn't really matter to me.

As long as nakakakain ako tatlong beses sa isang araw, okay na okay na ako dun.

"Cam, it's for your own good. We chose the right path for you."

"Tsaka na ako tatawa kapag nasa party na. Kung wala na kayong sasabihin, isara niyo na lang gate."

Umakyat na ako sa taas at hindi na sila hinintay na sumagot baka kung saan-saan pa mapunta.

Dapat pala hindi ako matakot sa sinasabi nila dahil sa huli, sila pa rin ang mabibigo.

---

Kinaumagahan, umalis na kaagad ako. Kakapal kasing dito pa makitulog at makikain sa pamamahay ko.

Oo, bahay ko. Umalis na ako sa dati naming bahay para naman mapag-isa talaga ako. Ewan ko kung paano nila nalaman bahay ko.

Medyo maliit lang 'to sa bahay namin. At least, tahimik na ako doon.

Pagdating ko ng school, puro sila bati sa akin ng 'good morning' which nakakapanibago.

Eto naman ang kinakatakot ko ngayon, malaman nila ang totoong pagkatao ko.

"Good morning Ms. Cam Sola." Napalingon ako sa nagsalita. Pati ba naman siya?

"I have no time for you." Paalis na sana ako nung hawakan niya ang kamay ko.

"Tss. Puberty... anyway, I didn't expect na ang ikaw pala talaga ang anak ng mga Sola. Why did you lied to us?"

"It's none of your business. Pwede ba, lubayan mo ako."

DowntimeWhere stories live. Discover now