Chapter 29

237 5 3
                                    

Chapter 29

His responsibility?


CAM SOLA

Lumipas ang mga linggo na hindi ko nakikita si Aldrin.

Simula nung pagkikita namin sa magulang niya, he never bothered to see me but I'm sure he is okay.

He even texted me that he will be gone for a while for his upcoming projects.

Naiintindihan ko naman na isa siyang artista at hindi malabong di niya mapabayaan ang studies niya kasi he even tried to call me kung anong nangyayari sa school.

Katulad ngayon, hell week na namin next week at I'm so freaking nervous!

Dapat mag-stay in character ako na isa akong scholar ng Brook International School na isang grade conscious.

Sino ba ang makakapag-aral ng maayos?

Nandito na naman sa munting mansyon namin ang lalaking bwisit talaga.

"Hey! You're spacing out again!!" See? Ganito palagi siya, sigaw ng sigaw.

"Shut up. Can't you see I'm studying?!" The nerve of that guy.

"I see... studying is really hard for you eh?"

Pinagsasabi nitong hinayupak na 'to? Di ba siya mag-aaral? Well, wala na akong paki sa kanya.

Business Administration ang course ko, siya naman Civil Engineering.

Kaya pala mahangin.

I sighed.

"Well yeah, GC ako eh."

"Hahaha! Gusto mo ba dumali pag-aaral mo?" Out of the blue tanong niya sa akin.

Ano bang problema nito? Kung may matino siyang sasabihin, sabihin na niya?! Hindi yung puro kaharutan pa siya.

Di ko alam pero bigla na lang niya ako nilapitan at hinawakan ang librong binabasa ko.

He grabbed it and turned it around.

Huh?

What the hell is he doing?

"Studying backwards doesn't make it easy." bored kong sabi sa kanya sabay irap.

Inikot ko ulit yung libro.

Nang-aasar lang 'to eh.

Lumapit siya ulit at inikot yung libro. Ginagago ba ako nito?

"Ano ba?!"

Sinara ko ang libro at hinarap ko siya. Tinitingnan ko siya ng masama.

"OA masyado? Try mo kayang mag-aral na hindi baligtad ang libro." Kalma niyang sabi pero halatang nagpipigil ng tawa.

"Hindi ako baligtad magba--" di ko na natapos ang sinabi ko dahil winagayway na niya ang librong binabasa ko kanina.

What the hell?

Napatungo ako ng di oras.

Nakakahiya naman. Masyado akong nawala sa sarili ko kakaisip sa kalagayan ni Aldrin.

I really miss my best friend.

"Aish! Ako nandito pero si Aldrin iniisip mo?!" napatingin ako kay Luke ng di oras.

Ano? Paano niya nalamang si Aldrin iniisip ko?

"I'm not a psychopath, si Aldrin lang naman may kayang magpangiti sayo ng ganyan."

DowntimeWhere stories live. Discover now