Chapter 49

194 3 0
                                    

Chapter 49

Hypothesis


CAM SOLA

Author's Note: This is the continuation of Chapter 44. 


Pahanggang ngayon, di pa rin ako makatulog kahit madaling araw na.

Akala ko galit sa akin kanina si kuya dahil kasama ko na naman si Lucas.

Speaking of him... something is really strange in him na hindi ko maipaliwanag, parang may mali.

"Manong 20 fishball nga po." Naglagay naman kaagad si manong ng fishballs sa lalagyan. Sarap naman!

"Manong ako din po, 20 fishballs." Napatingin ako sa isang bagong dati na lalaki.

Mukhang may lahi ang isang 'to dahil parang blonde yung buhok niya although may black part pa rin.

Sa tikas niya, isa siyang hot model na palagi mong nakikita sa isang magazines.

"Miss, do you know staring is rude?" Napatingin siya sa akin kahit na naka-shades siya. Napaiwas kaagad ako ng tingin.

"Excuse me, are you pertaining to me? Sorry, di kita type."

"Obvious much? Wala akong sinabing type mo ko, nandun ka kaagad. Haha!"

"Ang hangin naman dito." Paalis na sana ako nung hawakan niya ang.kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama kaya napabitaw kaagad siya.

"Sino ngayon ang may type sa atin ngayon? Di porket gwapo ka, akala mo makukuha mo na lahat."

Binaba niya ang shades niya at tumambad sa akin ang isang cerulean blue eyes...

Don't say...

"Long time no see... my princess." Ngumiti siya sa akin ng sobrang lapad.

Di ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko pero mas nauna nang mag-respond ang mga mata ko...

Bigla na lang tumulo ang mga luha ko...

Is it really true na siya ang nasa harap ko?

"Masyado ba akong gwapo at iniiyakan na din ako?" I smirked at him pero di ko pa rin maiwasan ang di maiyak sa nakikita ko.

Nabitawan ko ang fishball na hawak ko at unti-unting lumapit sa kanya... hinawakan ko ang palad niya hanggang sa leeg at pisngi niya.

"Totoo ka ba?" Tanging tanong na nasabi ko. Di pa rin ako makapaniwala siya na mismo ang nasa harap ko.

"I'm basically true and breathing... I miss you, my princess." Niyakap niya ako bigla at sa gulat ko, di ko alam kung anong gagawin ko.

Sa huli, niyakap ko rin siya pabalik.

All I feel is damn happiness.

"Say your name..." pakiusap ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Bakit ganun?

When we were young, he placed my head on his beating heart.

At first, di ako naniniwala na mabilis tibok ng puso niya para sa akin. Akala ko mga corny jokes niya lang yun pero...

Nung unang lumapat ang mukha ko sa dibdib niya, all I heard and felt was 'dub dub dub dub' over and over again.

Now, I heard and felt a normal heartbeat which very unusual to me.

DowntimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora