Chapter 38

187 3 0
                                    

Chapter 38

I, who will forget


CAM SOLA

Nagising na lang ako na nandito ako sa clinic. Di ko alam kung paano ako napunta dito pero ang huli kong naaalala ay kasama ko si Aldrin.

Kasama ko si Aldrin at yakap niya ako habang umiiyak ako...

Napaupo ako ng di oras sa may kama at napahawak sa gilid ng ulo ko.

Ang sakit ng ulo ko.

Bakit ulo ko ang sumasakit? Bakit hindi puso? Hindi na siguro kinaya ng puso ko kaya sinsalo ngayon ng utak ko.

"Gising ka na pala." Napatingin ako sa lalaking nakatayo di kalayuan sa may kurtina na naghaharang sa mga kama dito.

Anong ginagawa niya dito?

"What happened?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. I'm shaking because he's looking at me seriously.

"You passed out. Dinala ka ni Aldrin dito then he went in the gym to practice for the game later."

Bakit ako hinimatay? May sakit na ba ako? Maingat naman ako palagi sa pagkain uh?

At si Aldrin nasa gym para sa practice? Eh bakit siya nandito?

"Magaling na ko so I don't need to practice. And I'm here para bantayan ka sabi ni Aldrin eh."

Napatingin ako bigla sa kanya. Seryoso ba siya? Nakatingin lang siya ng seryoso pero nakangiti siya ng bahagya.

"Uh t-thanks." Sabi ko at ngumiti lang sa kanya. Sa wakas, ngumiti din siya pero yung mata niya may bahid ng pag-aalala.

Namamalik-mata lang ba ako na nag-aalala ka sa akin?

"Get some rest, masyado kang napagod kakaiyak."

Dapat ba akong makasiguro na hindi ikaw si Lucas? Totoo kaya na yun ang pangalan mo? Kaano-ano mo si Lucas?

"Luke?" tumingin siya sa akin. "A-ano real name mo?" Nagulat ako nang nanlaki mata niya pero bumalik din sa normal at ngumiti siya ng malapad.

"I'm Luke Robert Uy." Ngumiti siya ulit sa akin at nag-bow pa sign ng pagpapakilala.

Luke Robert Uy

Sino ka? Kaano-ano mo si Lucas? Di ko matanong sa kanya dahil natatakot ako sa sasabihin niya.

"You're thinking too much again. Get some rest now. Babantayan kita."

Pumunta siya sa harap ko, at hinawakan niya ang ulo ko na humiga sa kama. Para naman akong bata niyan.

"Pikit." Napikit ako bigla. Ramdam ko kasi ang autoridad sa boses niya eh. Kahit ngayon lang, susunod ako. "Good girl, sweet dreams."

ALDRIN HEUSSO

Nandito kami ngayon sa practice ng basketball. Actually inutusan ako ni Luke na i-train muna ang mga team mates ko.

At kapalit, pinagbantay ko siya kay Cam.

Wala naman masama kung siya ang utusan kong magbantay kay Cam. At isa pa, magkaibigan naman silang dalawa.

At mabait naman siguro si Luke kahit na limitado ang nalalaman ko sa kanya.

"Again guys!!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Pumila sila ulit sa magkabilang ring at nag-shoot sila.

"After this, maglalaro tayo."

Iniwan ko muna sila doon sa may court. Mamaya pa naman kasi ang laban namin.

Dumaan muna ako sa clinic para makasiguradong walang ginagawa si Luke na masama.

DowntimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon