Chapter 32

234 3 0
                                    

Chapter 32

Judgments


CAM SOLA

Pahanggang ngayon, nakahiga pa rin ako sa kama ko. I don't feel like getting up.

I'm still thinking what happened yesterday.

It was a disaster date for me and Aldrin.

Nung hinatid niya ako hanggang bahay, hindi na siya nagsalita pa nun. Niyakap niya lang ako at hinalikan sa noo bago siya umalis nun.

Nagi-guilty ba ako sa ginawa ko sa kanya? Sa tingin ko, para sa akin hindi. I warned him in the first place.

O sadyang tanga lang ako at hindi ko siya makuhang mahalin?

Ugh! Nakakainis naman 'to! Ano bang pinasok mong gulo? Okay ka na dati na walang kasama eh.

Tumayo na lang ako at nagpalit ng damit. Di na lang ako papasok para naman ma-relax ako.

Pagbaba ko, may narinig akong kalansing ng kutsara't tinidor. May nakikikain na naman ba sa amin?

Paano kung si Aldrin 'to? Ayokong makita siya ngayon, sobrang sariwa pa ang pananakit ko sa kanya.

Aakyat na sana ako nung may humawak ng kamay ko. Parang nakukuryente ako sa kamay niya kaya nagpumiglas ako at bumitaw.

Hindi ko siya hinarap at naglakad na ulit papanik pero nung nasa gitna na ako ng hagdan, napatigil ako.

"Cam..." humarap ako at tumambad sa akin ang mukha ni Luke. Anong ginagawa niya rito?

"The breakfast is ready. Di ka ba kakain?" sabi niya ulit. Nakatingin lang ako sa kanya.

"And let's talk..." sabi niya ulit at tumalikod na ulit pabalik ng dining area.

Anong pag-uusapan namin? Teka?! Bakit naman ang seryoso niya?

Habang nasa dining area kami, walang nagsasalita miski isa sa amin. Akala ko ba mag-uusapa kami? At tungkol saan naman?

"About..." buti naman at naisipan na niyang magsalita. Akala ko, trip na naman ako nito.

"About you and Aldrin..." I didn't expect na kaming dalawa pala ang topic dito. Anong tungkol sa amin?

"What?" I said while giving him a cold stare.

"Are you guys dating?" I can feel he is angry but he us keeping himself to calm.

Anong dating? Ginagago mo ba ako?

"Dating? Big word! Bigger word? No!" Tumayo na ako, nawalan na ako ng gana kumain.

Pupuntahan ka dito para lang itanong kung nagde-date kaming dalawa? Ano bang pakulo niya.

"Hahaha! Buti naman. Alam ko naman na loyal ka kay Lucas." Sabi nito habang nakangiti sa akin. Ngiti ng nang-aasar.

Di naman ako maasar, naaasar ako sa nakapangit niyang mukha dahil mukha siyang aso. Loyal naman kasi talaga ako kay Lucas.

Naisipan ko na lang pumasok ng school dahil boring naman sa bahay at idagdag mo pa ang asungot na lalaking yun na namemerwisyo na naman.

Habang naglalakad kami sa hallway, hindi magkamayaw ang bulungan ng lahat at lahat as in lahat ay nakatingin sa amin.

Sa amin ba o kay Luke lang? Todo sila kung makatingin kay Luke, akala mo walang suot na damit. Yung iba parang hihimatayin pa.

Seryoso lang siyang naglalakad at ako naman, medyo nakatungo lang kasi puro pamatay na tingin ang binibigay nila sa akin.

DowntimeWhere stories live. Discover now