Chapter 48

177 3 0
                                    

Chapter 48

No Lucas


THIRD PERSON

Dumating ang isang sasakyan sa isang liblib na lugar kung saan kakaunti at mahahalagang tao lang ang pwedeng makapunta.

Isang mahigpit na seguridad ang nakapalibot sa buong area at kapag may nang-ahas na humakbang sa perimeter ng area, siguradong shoot to kill agad.

Bumaba ang isang lalaki sa sasakyan na tumigil sa isang malaking pinto na may nakaharang na armadong lalaki.

"I'm here for some business meeting with HIM." Diniinan niya ang salitang 'him' na isang hint para sa kanila na dapat siyang papasukin.

Nangangatog na pumasok ang lalaki sa malaking pinto at bawat hallway na madadaanan niya, puro armadong lalaki ang nakabantay.

Nang makita niya ang kanyang pinunta, agad siyang hinarang ng mga maskuladong lalaki at handa nang magpaputok ng baril.

"I'm h-here for master. I-Is he available?" Nauutal niyang sabi. Tiningnan muna siya ng isang lalaki mula ulo hanggang paa at kumatok sa pinto.

"Master, he is here. Can he come in?" Kinapkapan siya ng isang lalaki para masigurong wala siyang dalang panganib.

"Come in..." malaking boses ang tanging narinig ng lahat bago siya pagbuksan ng pinto.

Napatingin siya sa lalaking labis niyang kinamumuhian pero ni hindi niya magawang gumawa ng hakbang para mapatay ito, masyadong malakas para sa kanya ang 'master' na tinatawag nila.

"What brought you here, son?" Inis siya sa sinabi nung master pero iniwasan niyang ipakita yun dahil takot siyang may gawin sa pamilya niya.

"Update about my mother." Yumuko siya habang sinasabi ang mga salitang yun.

"I already sent the money for her operation next week." he sighed after he heard the news but he stiffened when master continued, "And what about your mission?"

"W-well, I'm still on it. Gladly she became attached in a short period of time but there is someone wants to block my way." Di niya maiwasang di mainis dahil may sagabal sa inuutos sa kanya pero mali dahil mali naman talaga ginagawa niya.

Masama bang gumawa ng bagay na mali kahit na alam mo para sa ikabubuti ng pamilya mo yun? Ayan ang tanging sinasabi ng kanyang isip.

"I see. It always has been, A the Great is always there to protect that girl." Kitang-kita niya ang galit sa mga mata nung master nila habang sinasabi yun.

"Don't focus on him, focus on the girl. But if he interrupts you... kill him with no mercy." Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nung master nila.

Sa isip niya, lahat pwede niyang gawin para sa pamilya pero ang pumatay ng isang taong gusto lang protektahan ang mahal niya ay isang malaking hindi sa kanya.

Ayaw niyang makita mamatay ang ina niya kaya siya kumapit sa gusto ng master niya pero ang pumatay gamit ang sarili niyang kamay ay mas ayaw niya.

"You can do it, son? I know you can. Now, you may go." Confident niyang sabi bago tahakin ang isang pinto na nasa gilid lamang ng inuupuan niya kanina.

Bago niya tuluyang lisanin ang kwarto ay pinagmasdan muna niya ang isang picture frame kung saan may litrato ng master na kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki.

At nabaling ang atensyon niya sa isang picture frame kung saan may isang litrato ng batang lalaki, 'ito siguro ang panganay ni master' sabi niya sa kanyang isip.

DowntimeWhere stories live. Discover now