Chapter 59

161 4 0
                                    

Chapter 59

Punished by Cam's secrets


LOIS ENDER

Maaga akong umalis sa ospital dahil ayoko na munang bantayan ang iyakin kong kaibigan. Sino ba naman ang hindi maiinis, iyak ng iyak sa panaginip niya?

Sirang-sira ang rest ko. Buti na lang ang beauty katuwang ko lang palagi.

At hindi ko maintindihan kung bakit sa may benches lang natulog ang impaktang Tiffany. Like hello? Pwede naman siyang pumasok sa room ni Harold at dun mag-stay for awhile.

Kaso martir, sa bench natulog. And take note... nakanganga, tulo-laway at ang lakas humilik matulog. Babae ba talaga 'to? Kadugyot e.

Balak ko sanang pumunta sa studio para sa isang photoshoot at interview kaso nakakatamad at wala naman akong mapapala dun dahil wala ang manager ko dun.

So naisipan kong pumunta sa kompanya nila Aldrin na bakasakaling nandito siya o kaya ang peste niyang magulang.

"Is Aldrin Heusso here?" Bored kong tanong sa receptionist na parang nanigas nung makita ako. Inaano ko ba siya?

"A-Aldrin Heusso po?" Nauutal niyang sambit pero agad siyang naalarma nung taasan ko siya ng kilay dahilan para maaligaga siya sa pagpindot sa computer. "R-Room 9, 5th floor."

Napatungo siya sa sinabi niya. Bakit kaya? "Good morning, Mrs. Heusso." Nung una akala ko ako tinutukoy niya pero nagawa kong lumingon at nakita ang peste niyang ina.

"I'm not aware that you're a friend of my son?" Masungit na tanong nito sa akin. Napagdaanan ko na yang pagsusungit na yan, Lois ako kaya di uubra pagsusungit mo.

"Is that important to you, Madam? Besides, you're too old to be my friend so I'll get along with your son." Pabalang na sagot ko na ikinagulat niya. Serves you right.

"Feisty. I don't care who you are but you're interesting, Ms. Lois Ender." Ngumiti siya sa akin na malademonyo. So anong balak niya? Gusto na niya ako sa anak niya?

"If you have anything important to say, please call my manager and schedule a meeting." Nakita ko ang gulat sa mukha niya napa-smirk na lang ako sa kanya.

Agad kong tinungo ang elevator at sa kasamaang palad naabutan ko ang mommy ni Aldrin habang binigyan ako ng malademonyong ngisi.

Nice try pero di ako masisindak sayo.

Buong biyahe sa elevator, kami lang dalawa ang nakasakay. At maswerte ako dahil wala siyang kibo o anong kakaibang kilos niya pero nakakapagtaka ang mga tingin niya. Parang may kinikilatis siya.

Di na ako kumatok sa kwarto ni Aldrin at agad na pumasok. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko siyang nagbibihis sa isang harang.

"Lindsey, sabi kong magbibihis lang ako! Bakit puma--" di na niya natapos ang sasabihin niya nung makita niya ako.

Wow! Talk about six pack abs.

Nanlaki ang mga mata niya at agad tinakpan ang dapat takpan. Haha! OA naman niya, naka-boxers naman siya. Nag-iinarte pa.

"L-Lois, anong ginagawa mo dito?" Nauutal na niyang sambit. Nakakatawa talaga mukha niya.

"Nothing. Just visiting an old friend." Ngiting sabi ko habang napaupo sa isang swivel chair na malapit sa mirror desk.

Kita ko ang pagsuot niya ng damit at agad lumapit sa akin para yakapin ako mula sa likod.

"I miss you damn much. You miss me that's why you're here." Pilyong sabi nito at agad akong kumawala sa kanya. Kahit kailan, malisyoso 'to.

DowntimeWhere stories live. Discover now