Chapter 16

296 4 0
                                    

Chapter 16

Forbear


LOIS ENDER

Second day of Foundation Week

Kasama ko ngayon sila Bobbi, Sadie at Halle sa isang coffee shop dito sa loob ng school. Kasama kasi ni Abril yung babe number 2 niya sa Ferris wheel. Alam niyo na ang nangyayari dun? Kailangan pa bang sabihin?

Di uso kay Abril ang hiya.

Anyway, second day of foundation week. Sobrang boring naman nilang kasama. Wala bang fun-fun man lang dito?

Etong mga kasama ko, kung hindi may bagong lalaki, may bagong chismis, o kaya iinom lang ng black coffee. Kaurat silang kasama.

Nasaan ang mga boys?

Nasaan ang fun?

"So, any plans today?" Sabi ni Bobbi without looking at us. Nagtinginan kaming tatlo, di namin alam kung sino mauuna sa amin.

Sumenyas ako kay Sadie na sumagot, "Hmmm... siguro sakay tayong rides?" Pambihira! Seryoso ba siya?

"Nah! Anything else?" Wow lang uh! So kami pa mag-iisip kung anong gagawin namin?

"Lois, seriously? Kating-kati ka na naman sa bar?" Sabi ni Halle na nakataas ang kilay. Tss.

"Bitch! Paki mo ba?" Inirapan ko lang siya, ganun din ginawa niya. Tinaasan pa ako ng kilay.

"Save it later! Dadating din tayo dyan mamaya. What I mean, ngayon? Tutunganga lang ba tayo sa coffee shop na 'to?" Iritang sabi niya. Kanina pa pala siya naiinis dito, di pa naisipang yayain kaming umalis. Bobbi-ta talaga.

"Whatever, man-hater!" Napatingin ako kay Bobbi na nakakunot ang noo at inirapan lang ako. Mind reading again...

Ako na unang nagpresentang tumayo at tumayo na din sila.

Saan nga ba pwedeng pumunta?

Nilibot ng paningin ko ang buong paligid at saktong natapat sa tatlong horror house na nakatayo. Seryoso ba 'tong iniisip ko?

"I think meron na tayong pupuntahan." Tumingin ako kay Saddie na ngiting-ngiti. Tsk! Mukhang aso.

"Ayoko." Diretsong sabi sa amin ni Halle at akmang aalis na.

I forgot! Takot pala 'to sa mga multo.

Naglalakad na paalis si Halle nang tumingin ako dun sa dalawa? Nagtitigan kami at mukhang naintindihan na nila ang ibig kong sabihin. It's time to party baby!! Boohoo!

"What the fuck?!" Nagpupumiglas si Halle sa amin pero di namin siya pinansin.

KJ talaga nitong babaeng 'to. Minsan lang 'to kaya lubusin na namin!

"Bitiwan niyo ako! I don't want to go there." Di pa rin siya makawala. Hawak ba naman namin ni Bobbi ang magkabilang braso niya at si Saddie naman sa bandang leeg niya.

"You'll going to come with us whether you like it or we like it!" Natatawang sabi ni Saddie sa likod ni Halle.

Nakarating kaagad kami sa entrance nung unang haunted house. Kitang-kita ko ang panginginig ni Halle.

Hahahaha! Nasa entrance pa nga lang kami, kinikilabutan na.

What more kung nasa loob na kami?

Nung nakapasok kami, nagulat kami kasi may apat na daan. Huh? Saan kami dadaan dito? Syempre painosente kami kunwari.

"Boo!" Napatili ang iba dahil sa nagsalita sa speaker. "There are four entrances there, pick the right one if you don't want to be scared. The wrong ones will lead you to the next haunted house. Remember, there's no turning back! Good luck!" Sabi pa nung nasa speaker.

DowntimeWhere stories live. Discover now