Chapter 58

186 3 0
                                    

Chapter 58

Scared and lost


LOIS ENDER

Ilang oras na akong nakatulala sa sinag ng kabilugang buwan. Mas pinili ko na lamang na bantayan si Harold kaysa sa ibang bagay.

Napakatahimik. Buhay na ginusto ko noon nung iwan ako ng mga magulang ko dahil sa negosyo.

Naupo ako malapit sa bintana at sinubukan nang matulog dahil di na naman ako sanay sa puyatan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

Napalingon ako sa direksyon ng pinto at nakita ko ang anino ng isang babae.

Di ko na lang siya pinansin dahil baka isa sa mga nurse ito ng ospital kaso nagtaka ako nung humikbi ito.

Anong drama niya? Sino ba siya? Ang pagkakaalam ko, tapos na ang visiting hours para sa mga pasyente.

"Who are you?" Takang tanong ko. Napansin ko na napalingon siya sa akin at bahagyang nagpunas ng luha.

"Ikaw pala, Lois. It's nice to see you here." Mahinang sabi niya. Ano bang pinagsasabi nito? Ni hindi ko pa nga siya nakikita tapos 'it's nice to see you'?

"Whoever you are, leave now. It's resting hours, for Pete's sake!" Inis na sabi ko at pinikit ko na lang mata ko.

"It's Tiffany, can we talk?" Di ko alam pero ang bilis ng response ng sistema ko na tumayo nung marinig ko pangalan niya.

Hindi na niya ako hinintay na sumagot, instead lumabas na siya at dali-dali ko siyang sinundan.

BOBBI WRIGHT

Marahan kong pinagmamasdan ang mga larawan naming magbabarkada.

It's really been a long time since nakita ko silang lahat. Mga may sarili nang problema na kinahaharap at mga kasiyahang dinadanas.

Pinagmamasdan ko lang ang malawak na karagatan. Mas naisipan ko munang dito mag-stay para naman wala akong problema.

Init ng sikat ng araw na dumadampi sa aking balat at lamig ng tubig na humahampas sa aking mga paa.

Ang sarap ng simoy ng hangin.

"Bobbi, may naghahanap po sa inyo." Napasulyap ako kay manang na kasalukuyang lumalapit sa akin. Naghahanap? Sino naman?

"Sino daw siya?" Tanong ko pero nagkibit-balikat lang siya sa akin. Sino kaya yung naghahanap sa akin?

Nagtungo ako sa sala kung saan naroroon daw ang naghahanap sa akin.

Magsasalita na sana ako nung makarinig ako sa dalawang boses na nagsasalita, isang lalaki at babae.

Nakaramdam na ako ng kaba kung sino sila. Kilalang-kilala ko ang boses na yun.

Boses ng taong nagbigay ng sobrang kasiyahan sa akin at sobra din akong sinaktan.

"What are you doing here?" Malamig kong sabi. Ayoko na lang muna ipahalata na sobra akong nasasaktan lalo na't kita ko ang paghawak nila ng kamay.

Napatayo silang dalawa at nagkatinginan sa isa't isa. Para bang may gusto silang sabihin kaso di nila alam kung sino unang magsasalita.

"If you're not going to say anything important, leave now." Sabi kong muli pero nakita kong tinaas ni Halle ang kamay niya na pinipigilan ako.

The girl I trusted in my half life that betrayed me because of a guy.

"Bobbi, nandito ako para makipag-ayos." Sabi niya sa akin. For the first time, siya ang unang lumapit at siya ang unang gustong makipag-ayos.

DowntimeWhere stories live. Discover now