Chapter 22

286 3 1
                                    

Chapter 22

Truth untold


CAM SOLA

Sinubukan ko munang hindi lumabas-labas ng room baka kasi mamaya makasalubong ko pa ang hayop na babaeng yun. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Baka magawa ko rin yung ginawa niya sa akin.

I realized something...

Wala na akong pakialam kung ibubulgar niya ang sikreto ko. Wala na akong pakialam kung sasabihin niya na ako at si Lois Ender ay iisa. It doesn't matter anymore. And it doesn't matter kung malaman ng lahat na ako ang anak ng mga Sola.

Naglakad na ako sa hallway papuntang cafeteria para kumain kaso ang daming tao sa loob. Ano bang meron? Ang dami kong naririnig na wala naman kakwenta-kwenta.

"You're so beautiful!!!"

"I can't believe na nandito ka na ulit."

"Damn! She's so hot and gorgeous."

"Oh my gosh! You're so pretty talaga!!!!" sigaw nung babae. Sino naman yung pretty? Tss. Wala na akong paki.

Dumiretso na lang ako sa loob at napansin kong tumigil ang ingay sa loob. Silent treatment na naman ang pinapakita nila sa akin. Okay lang, sanay na naman ako sa pagtrato nila sa akin ng ganyan.

Bumili na lang ako ng makakain ko para makaalis na. Sobrang tahimik dito parang morgue sa lamig pa pati.

"Look who's here..." nag-stiff ang katawan ko ng marinig ko ang demonyo niyang boses. Humarap ako sa kanya para ngitian siya at ngumiti rin siya sa akin.

"Hello Princess Sarah King." Pag-uumpisa ko. Napa-gasp yung mga tao sa paligid. Di nila siguro ine-expect na tatawagin ko siya sa pangalan niya. Nagsimula na magbulung-bulungan ang mga tao sa paligid.

"Kapal naman ng mukha niya banggitin ang pangalan ni Princess."


"Close sila?"


"Magkakilala sila?"


"Kilala kasi si Princess kaya feeling close siya."

Di ko na inintindi ang sinabi ng mga tao sa paligid, nakatingin lang ako sa mga mata ni Princess na kung pwede kang mamatay, patay ka na. Sobrang nanlilisik ang mga mata niya sa akin. Ako pa ba magpapatalo ako?

Nakita kong nanginginig na ang mga kamay niya, alam kong gustong-gusto na niya ako sampalin kaso may biglang humila sa akin paalis sa loob ng cafeteria.

Aldrin?

Nakarating kami sa rooftop. Nakita kong nagwawala siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Aldrin?" Nilapitan ko siya at doon lang siya kumalma.

"May masakit ba sayo? Anong ginawa nung babaeng yun?" May ginawa ba sa akin? Tanging titigan lang ginagawa namin kanina.

"Wala. What's wrong with you?"

He sighed. "Nag-aalala lang ako sayo baka kung ano magawa ng pinsan ko sayo." T-teka? Pinsan niya daw? Paano?

"Pinsan mo siya?" gusto ko muna makasigurado baka mamaya joke lang yun. Nag-aabang ako na sasabihin niyang, 'joke lang!' pero wala eh.

"I told you before, kilala na kita simula bata pa. And yes, she is my cousin." Para akong sinaksak ng kutsilyo sa dibdib ko. Di naman sa niloko ako ni Aldrin pero masakit para sa akin na may makasama ako na kamag-anak nung hayop na babaeng yun. Parang paulit-ulit lang bumabalik ang nangyari noon.

DowntimeWhere stories live. Discover now