Chapter 34

186 4 0
                                    

Chapter 34

Memory from the past


LOIS ENDER

Mabilis na lumipas ang nangyari sa open fields. Hindi na naman dinamdam ng mga estudyante ang nangyari at naintindihan nila ang mali nila.

Good to know from them but it doesn't mean, magtitiwala na ako.

I heard everything they said while I'm outside waiting for a cue to open the door.

Anyway, wala na akong pakialam.

Sunod-sunod ang line up para sa akin sa mga bagong projects.

Di niya alam kung sino ang uunahin niya dahil lahat ng ito ay international projects at marami siya pang ibang local na di tapos.

"Miss Lois Ender, your coffee." Nilapag ng isang babae ang coffee ko habang nagtitingin ako ng pwede kong i-accept.

"Thanks." Kahit na bitch ako, nagpasalamat na din ako sa kanya kasi kahit na stress ako dito at nasigawan ko na ang iba niyang katrabaho, siya pa rin malakas ang loob ang lumapit.

What to choose? What to choose?

Napansin ko ang tatlong project na nagpatigil sa akin kung ia-aacept ko.

A photoshoot with Aldrin Heusso -New Times Magazine

An interview with Aldrin Heusso -LA Network

A role from "A Day Without You" starring Aldrin Heusso, Jeniffer Beckins & Alfred Sinel -LA Network

At ano namang pakulo nila? Bakit naman sa dinami-dami ng gusto nilang ipa-project ay kasama ko pa ang dating kong best friend?

Galit pa rin ako at masyadong sariwa ang lahat ng nangyari sa amin noon at hindi lang trust nasira sa akin, halos buong pagkatao ni Cam, buong pagkatao ko.

Biglang may umupo sa katapat ko. And by the looks of him, isa siyang artista. Naka-disguise kaya siya at malapad ang ngiti.

Ngiti na parang aso.

"What do you want?" I just scan what will be my new projects.

"If I answer 'I want you', will you come with me?" Lakas din ng topak nitong lalaking 'to.

"Luke, I'm busy." Di ako tumingin sa kanya pero sa tono pa lang ng boses ko, gusto ko na siyang umalis.

"I miss you. Ngayon lang ulit tayo makakapag-bonding." This time, napatingin ako sa kanya at kita ko ang lapad ng ngiti niya.

"Bonding is far from making out." Tinaasan ko siya ng kilay at mukhang di siya natinag kasi nakangiti pa rin siya kaso mas malapad na ngayon.

"Naughty girl, di ba sabi ko pat--"

"As if naman na hihintayin kita. Kawalan ka ba sa akin?"

"So pinipilit mo na ako sa gusto mo na ayaw ko? Edi pagbibigyan na lang kita." Ngumiti ito ulit sa akin na nagbigay ng matinding kilabot sa akin.

"Di ako papatol sa katulad mo. Kadiri, overused ka na. Mahiya ka nga!"

Tumayo na ako dahil di ko siya masikmura dahil na rin siguro sa galit ko din sa kanya katulad ng kay Aldrin.

Paano kung ituloy ko na ang pagganti ko sa lalaking 'to at pagkakataon ko na rin para gantihan si Aldrin.

Di naman sa gusto kong gumanti sa kanila, gusto ko lang ipakita sa kanila kung ano ang sinira nila.

DowntimeWhere stories live. Discover now