Chapter 63

121 3 0
                                    

Chapter 63

Captured


ALDRIN HEUSSO

Di ko mapigilan ang hindi manghina sa nakita ko. Kahit na walang namamagitan sa kanila, masakit pa rin sa part ko na gustong-gusto nila ang isa't isa.

The way he make her smile in a simple way...

Nakakaselos silang dalawa.

Inaamin ko man o hindi, mahal ko pa rin siya. Hindi naman mawawala sa akin kaagad yun ng ganun-ganun lang. Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.

Kaya mas pinili ko na lang na best friend niya ako para kahit papaano ay malapit pa rin siya sa akin at hindi siya maiilang sa akin.

I just secretly loving her.

That's the easiest way to do right now even if it hurts like hell.

Lalapit sana ako nang mapansin ko ang pagtatalo nila pero pinigilan ko ang sarili ko. Usapan nila yun at wala akong karapatan mangialam.

Nakita ko ang pag-alis ni Cam kasabay nun ay ang pagluha ni Luke. Anong nangyari sa kanilang dalawa?

Sinundan ko si Cam sa pinakadulo ng Engineering Building. Di ko alam pero may masamang kutob ako, parang may mali.

Pumasok siya sa CR. Lalapit na sana ako para puntahan siya nang may nauna sa aking lalaki sa labas.

"Who are you?" Malamig at malalim na sambit ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya ngunit nagpumiglas kaagad siya.

"I'm Ashton. I'm a friend of her kuya Michael. I think she need a friend." Mahinahong sabi niya. Ramdam ko ang sensiridad niya sa kanyang sinasabi kaya napagbuntong hininga ako.

"She needs a best friend and that's me." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang kaba sa akin. Di ko alam kung anong meron.

Napansin ko ang pagtingin niya sa likod ko at bago pa lang ako lumingon, may humampas na sa akin ng isang matigas na bagay.

"Pakilamero." Sabi ni Ashton habang papalapit sa akin. Hindi ko alam pero may kinalaman siya dito. Siya ang dahilan ng kutob at kaba ko.

Bago ako mawalan ng malay, hinampas niya ulit ako ng matigas na bagay.

Then, it turned black.

THIRD PERSON

Nang mapansin nang walang malay si Aldrin, agad lumapit ang isang lalaki sa kanya at agad siyang hinila sa isang kwarto kung saan nagtatago ang iba.

May mga ibang lalaking tumingin sa lahat ng paligid upang masigurado na walang makakakita sa kanila o kung may sumunod man kay Cam.

Nang makapasok na si Ashton sa CR, muling nakakuha ang mga lalaki ng isang lalaki na walang malay na din... si Randel.

"Dalhin niyo na yan sa basement. Wag niyong gagalawin si Aldrin." Maotoridad na sambit ng isang matandang lalaki habang pinagmamasdan ang mission ni Ashton.

Agad sinunod ang utos ng matanda at agad silang nag-alisan. Ngunit may mga natira pa rin para magbantay.

---

Nang masigurado nang walay si Cam. Agad nilang binuhat ito at dinala sa isang sasakyan kung saan dumaan sila sa isang shortcut.

Lingid sa kaalaman nila, nakikita na pala si Luke na kasalukuyang naghahanap ng mapaglalabasan ng sama ng loob.

Nagtataka siya kung bakit nandyan ang matanda at kasama nito si Ashton na buhat-buhat ang isang babae na di niya makilala.

Agad siyang napatakbo at hinabol sila. Naging mabilis ang lahat at nakatutok na sa kanya lahat ng baril.

DowntimeWhere stories live. Discover now