Chapter 39

208 3 0
                                    

Chapter 39

Play's over


ABRIL THOMAS

Simula nung mangyari ang ginawa ni Lois sa aming munting eskwelahan, di na namin siya nakausap pa.

Sino ba naman ang makakaistorbo dun? Eh busy masyado yun sa mga upcoming projects niya.

Pahanggang ngayon, walang show ang bruha sa amin even sa mga press dahil sa ginawa niyang pag-walkout sa ginagawa niyang movie.

Anyway, hayaan na natin siya. Malaki na yun at alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya.

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama si Babe 5.

Para di kayo magulo, may Babe ako... 10 nga lang. I love having fun with boys especially yung mga playboy. Sarap nilang turuan ng leksyon.

Di naman sa nasaktan na ako noon, ayoko lang na mangyari sa akin ang nangyari sa family ko nun. Naghiwalay si mommy at daddy dahil sa pagiging playboy ni daddy. Buti nga patay na si daddy at tahimik na buhay namin ni mommy.

Okay, alam kong masyadong madrama ang buhay namin pero tapos na naman yun. Napatawad ko na si daddy sa ginawa niya, dahil sa kanya natuto akong lumaban kahit gaano pa sila kalakas.

Natuto akong wag munang magloko sa mundo ng pag-ibig.

Alam ko naman na darating yung tamang panahon para sa akin para sa love na yan pero mukhang mapaglaro ang tadhana.

May minamahal na ako... at sa isang playboy pa.

"Hey Abril." sabi sa akin ni Babe 5. Ano na naman bang problema niya?

"Ano?" Tumingin ako ng masama sa kanya at tumawa lang ang loko.

"If you're not gonna say something important, just shut the fuck up! And your laugh is giving me shits." Umirap ako at pinagpatuloy ang pagkain ko.

Napansin kong di siya nagpapatuloy sa pagkain niya kaya napatingin ako sa kanya. He is giving me a serious look. Feeling mo madadaan mo ako sa ganyan? Hell no!

"Staring is rude." Tanging sabi ko at parang di siya natinag kasi tumayo siya habang pinagsak ang dalawang kamay niya sa mesa.

Now he is giving people a show.

Alam naman niyang di ako magpapatalo sa mga ganyang bagay.

"Ano bang problema mo?!" How pathetic. Ako ang nahihiya dahil wala siyang table manners eh.

"Huh? Kailan pa naging problema ang pagkain sa mesa?" Kalmang sabi ko. Inaasar ko lang naman siya, nagtitimpi lang akong magalit.

Kahit papaano may hiya sa katawan ko no.

Haha! Namumula na siya sa galit. Pero halatang nagpipigil siya ng galit. Bobo ka eh! Ang laking pagkukulang nito sa knowledge about anger management mo eh.

"Come here, bit--" Bago niya pa matapos ang sasabihin niya, sinampal ko na siya ng sobrang lakas.

Sa sobrang lakas, napaupo siya sa upuan niya. Siguro sobrang lakas nga nung pagkakasampal ko.

"No one calls me a bitch. And how dare you?! Are you doing this to break up with me?" Napatingin siya sa akin at halata mong nagulat siya sa sinabi ko.

"Anong pinagsasabi mo?!" Tumayo siya ulit at sumigaw. Umakto ako na natatakot ako.

"You hurt me... If that's what you want, I'm breaking up with you even though it hurts me." Di mawawala sa aking acting skills ang pag-iyak no. Haha!

DowntimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora