Chapter 2

793 21 28
                                    


"Move!" Sigaw ng prof namin kasunod ng walang humpay na tunog mula sa bell.


Mabilis akong lumipat sa last station habang tinatandaan yung huling question para mabalikan ko mamaya.


Agad kong tinignan ang maliit na note kung saan nakalagay ang huling mga tanong.


Identify which specimen (A, B, both, or none) has the following:

69. Has two or more layers of cells?

70. Is single a layered cell?


Tinignan ko ang dalawang microsope sa harap ko. Microscope A has a simple cuboidal epithelium cross-section. In contrast, the B microscope has some stratified squamous epithelium cross-section. Nilagay ko ang sagot ko at muling binalikan ang tanong sa kaninang station na may laktaw ako.


Neutrophil, Eosinophil, Monocytes, Lymphocytes. Anong bang wbc yun. Inaral ko 'to ehh, buset talaga.


"30 seconds left," Sabi ng prof habang busy pa rin ako sa pag-alala ng nawawalang wbc.


Basophil shuta! Mabilis kong sinulat ang sagot dahil segundo nalamang ang natitira, wala na akong pake kung panget ang sulat basta walang blanko.


"Stop!" Hudyat ng prof namin habang paulit-ulit pa na pinapatunog yung bell.


"Shuta sizz, nablanko ako kanina sa 5th station ko. May dalawang item ako na blanko sa papel, shuta talaga," Reklamo ni Clara habang papalabas kami ng laboratory.


Katatapos lang ng moving exam namin at nagkalat kaming mga Bio students dito sa hallway.


"Gaga! Mali nga numbering ko doon sa bandang 20-24 ehh. Nasa question 23 palang ako yung answer ko nasa 24 na," Sabi Bless habang may hawak pang reviewer.


"Itago mo na nga yang reviewer, tapos na exam tsaka ka lang magrereview," Saway ni Marion habang pinupunasan ang salamin.


"Yabang mo naman porket petiks lang sa'yo kada station, edi ikaw na matalino," Pagbibiro ni Bless. Pero totoo naman na sa aming apat siya talaga ang pinakamatalino.


"Tahimik natin dzai ahh? Puro blanko rin?" Natatawang tanong ni Bless na inilingan ko na lang. Excuse me! wala kaya akong blanko, 'di nga lang din sigurado.


"O, baka naman 'di mo pa rin malimot si kuya sa Museum?" Pang-aasar ni Clara.


"Oh kay bilis ng iyong pagdating, pag-alis mo'y sadyang kay bilis din~" Kanta pa niya na tinawanan na lang namin.


Isang linggo na nakalipas nang naganap yung sa museum, these girls and even my other blockmates are teasing me about him. Well gusto ko rin naman, lugi pa ba ako?


"Bakit kasi 'di natin hanapin?" Suggest pa ni Bless, dahilan para kumunot ang noo ko.


The Verdict RemedyWhere stories live. Discover now