Chapter 40

506 21 40
                                    


Nang makarating kami sa Emergency ay tanaw ko ang pamilyar na mukha ng dalaga sa gilid na tila tulala sa mga nangyayari. I followed where her eyes are set and from there I saw her mom being taken care of by some nurses as they fixes the ambubag.


Lumapit ako sa kinalalagyan nila para tanungin ang vitals, the lady is having trouble in breathing nang pumunta sila rito. They intubate her kaya naman ngayon ay mas umaayos na ang kulay niya.


I ask them to take her tests. Lumapit ako roon sa pamilya niya para sabihing 'wag na sila mag-alala pa. But as soon as I walk near them, the daughter who was with her during the check-up runs towards me, and her arms wrap around my waist as she hides her face on my shoulder.


Saglit akong nagulat sa ginawa niya but then, a pinch of memory reminds me of her. I was once in that situation. Seeing the person you love suffer is hard, and you can't do anything to help.


"Hush, everything's going to be alright," I comfort as I lightly tap her head and let her cry on my shoulder.


***

Yesterday Mrs. Capili was rushed here to the hospital, and as I promised, I will take her case and shoulder her expenses.


Narito ako ngayon sa private ward niya at pinapaliwanag ang sitwasyon ng kondisyon niya. She's not in good shape but it was a good thing that she was rushed here immediately.


"Wala naman na kayong iba pang nararamdaman?" Tanong ko na inilingan niya. I nod my head and gave the chart to Simeon na siyang kasama ko ngayon sa pag-rounds.


"Doc, mga ilang araw pa kaya ako rito? Baka masyado nang mataas—" Tanong niya na agad kong pinutol


"I already told you na ako na pong bahala roon, tulungan niyo na lang po sarili niyong magpagaling," Sagot ko at tinanguan na sila.


"Salamat po talaga, Doc!" Sabi nung dalaga niyang anak na nagsisimula na namang magluha. I chuckled at her reaction and messed her hair bago kami nagpatuloy sa pag-labas ni Simeon para magrounds sa ibang pasyente.


Nang matapos sa rounds ay bumalik na ako sa office para sandaling makapagpahinga bago mag-opera. Pinayagan na akong muli ni Dr. Cabrera na mag-opera pero hindi pa rin ang paghandle ng VIP.


Pero feeling ko naman konti na lang at magagawa ko nang mabalik ang mga privileges ko, kailangan ko na lang ng konti pang pakikisama. Pero sana talaga magawa nang ibalik saakin yung sarili kong pwesto.


Habang patungo sa office ay dama ko na ang pangangalam ng sikmura ko. 5pm na at 10:30am pa nung huli akong kumain. Gustuhin ko mang bumaba para kumuha ng pagkain pero mas pipiliin kong makapagpahinga dahil ilang oras na naman akong nakatayo sa operating room.


Inilapag ko ang coat ko sa upuan at ang chart sa mesa, agad na nakuha ng mata ko ang isang paper bag na nakalagay sa mesa ko. I looked around pero ako lang ang narito ngayon. Binuksan ko ito at agad na sumalubong saakin ang masarap na amoy ng pagkain. Baka bigay ni Clara.

The Verdict RemedyWhere stories live. Discover now