Chapter 17

416 14 10
                                    


"Isang picture lang bilis," Utos ni Mama habang nagsusuot ako ng sapatos. Pumwesto na lang ako malapit sa hagdan at ngumiti ng pilit.


"Kayong dalawa sumama kayo," Utos naman niya sa dalawa pang nakatayo sa likuran niya. Pumwesto na lang si Bless at Marion sa tabi ko at ngumiti rin nang maka-alis na.


Today is our first day in Med school kaya naman 'di na naman magkanda ugaga si Mama sa pagkuha saamin ng picture


Sa sobrang dami naming inasikaso para sa med school 'di na namin halos na enjoy yung bakasyon, apply rito, apply roon, interview rito, interview roon, meron pang iba na may MCAT.


We didn't settle for one option, pasa lang nang pasa so that we could have more options, nakapasa rin kami sa ibang med school but Thank God! The three of us passed in our dream med school.


Isa kami sa 120 students na nakapasa sa requirements, standard, and interview ng school. Ito talaga first choice namin dahil kilala ang school sa pagpoproduce ng competitve and innovative students kaya sobrang attractive lang din sa credentials once we start applying and working in the field.


"Bilisan mo na kung ayaw mong sa unahan umupo," Sabi ni Marion habang naglalakad kami papunta sa first subject namin.


Advantage rin saamin na rito nagpre-med, alam na namin pasikot-sikot ng mga buildings pati kung saan yung mga rooms na nakalagay sa sched.


Buti na lang talaga mag kaka-blockmate kaming tatlo at least may kasama akong magbreakdown pagdating ng araw.


Sayang lang wala si Clara, panigurado pag by pair magsasama 'tong dalawa, kailangan kong makahanap ng makakapares tuwing by pair, may anaphy and phlebotomy pa naman.


Nang makapasok kami sa room ay halos occupied na yung seats, marami sa harap pero ayaw namin, dahil once na umupo kami dyan sa first day we will just find ourselves sitting on that same place for the rest of the semester and we don't like that. Paano na lang kami matutulog kung ganun?


"Doon na lang," Sabi ni Bless at itinuro ang upuang nasa bandang likod, tatlo yun, yung dalawa magkatabi at yung isa ay nasa harap nung dalawang bakante.


"Wala na bang magkakatabi?" Tanong ko dahil dama ko na. Ako mahihiwalay rito.


"Wala na, yan na lang sa likod, bilisan niyo na at may papasok na, maagaw pa yan sa harap talaga tayo," Sabi ni Marion at tuluyan nang lumakad sa bakanteng upuan.


"Is this seat taken?" Tanong ko sa lalaking naka hoodie na nakadukmo sa mesa.


"Ano sa tingin mo?" Sagot niya at umayos sa pagkakahalumbaba sa desk. As soon as I saw his familiar face parang automatic narin nag-iinit dugo ko.


"Ohh, it's you, pinanindigan mo talaga pagiging slowpoke ahh," Pang-aasar niya habang pilyong nakangiti at tumawa.


The Verdict RemedyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ