Chapter 21

359 13 3
                                    


"Anong mukha yan? Extended na nga reporting mukha ka pa ring Biyernes Santo," Puna ng katabi kong si Kane habang nililigpit ang mga ballpen sa desk.


"Problema mo pa rin ba yung kagrupo mo?" Tanong niyang muli.


"O baka kung saan kukuha ng mga lab result ng patient?" Tanong naman ni Maru at lumingon dahil nakaupo sila sa harapan namin.


I just looked away and put my head on the desk. Wala akong gana para makipag-asaran.


***

"Tara, kain tayo!" Pag-anyaya ni Bless na inilingan ko rin.


"Uwi na muna ako sa dorm para ayusin gamit ko," Sagot ko at nagsimula nang tumayo sa kinauupuan.


Nasabi ko na kila Mama kahapon na lilipat ako sa condo nina Bless. Doon narin ako kanina tumuloy dala yung mga uniform at damit ko na pinalabahan. Ngayon babalik ako sa dorm para kunin ang ilang mga naiwang gamit.


I was in the middle of packing my things up when the door opened. It was Julliana.


"Di ka umuwi kahapon, ate?" Tanong niya habang may dala pang cardboard sa kamay.


"Sa condo ako ng kaibigan ko tumuloy," I answered and gave a subtle smile.


I continued packing my things when Julliana sat beside me and asked, "Lilipat ka ba ate?"


I looked at her, who looked at me with so much confusion. I slowly nod my head.


"Dahil ba saakin? Sorry talaga ate kung inaabot ako ng madaling araw sa plates. Sa susunod maglalamp shade na lang ako, wag ka na umalis," She said then grab my hand.


"Ahh, hindi dahil sa'yo," Alanganin na sagot ko.


"So it's not me, it's you?" Pag-uulit niya dahilan para matawa ako ng bahagya.


"Nah, it's their curfew," I answered.


"Di ko alam na may curfew pala, madalas pa naman halos magdamagan rin kami sa school, minsan may group meetings and errands pa," Pagpapaliwanag ko.


"Pero may iba sa'yo ehh," Sabi niya at tinignan pa ulit ako habang nakakunot ang noo. I just gave her an assuring smile that I'm fine, though I really feel so drained.


She then nod and help me with my things. Mamaya ay tutulungan naman ako nila Marion na ilipat ito sa condo nila.


After packing things up I thanked Julliana and decided to give some of my clothes. 'Di ko naman nasusuot lahat, bukod pa roon, marami pa akong naiwan sa bahay.


Nang makalabas ng dorm building ay roon ko lang narealize na, 'di ko alam kung nasaan sila, ayoko namang mauna sa room dahil baka mag-isa lang ako.

The Verdict RemedyWhere stories live. Discover now