Alam niyang hindi ako umiiyak pero ito na ang pangalang pag-iyak ko dahil sa kanya at dahil sa pamilya niya, I can see that he's already drowning but still he's still giving me a worried look.

"Kaya umalis ka na at huwag ka ng mag-pakita sa anak ko! Hindi ko hahayaan na isang kagaya mo ulit ang sisira sa anak ko!" she exclaimed the reason why I wiped the tears going down on my cheeks but fuck, hindi tumitigil ang mga luha ko.

So ito na ba ang huli?

Dahil lang ba sa nakaraan nila ay hindi na kami puwede ni Aly?

My Aly, anong masasabi mo na ate ko ang sumira ng pamilya mo?

Kahit na nanginginig ang mga tuhod ko ay sinubukan ko ang mag-lakad, walang-gana ang aking mga hakbang at ramdam ko ang tingin nila sa akin. Sabi ko na nga ba e' saglitan lang na saya ang mararamdaman ko.

Sabi ko na nga ba ay saglitan lang ang saya at pag-tanggap sa akin kaya bakit pa ba ako umasa?

Lumabas ako ng bahay nila at nakita ko ang malakas na ulan na hindi ko napansin nung nasa loob ako, sumakto ang ulan sa aking nararamdaman ngayon na dahilan para suungin ko nalang ito ng hindi tumitigil sa pag-luha.

Lumabas ako ng bahay ni Aly at ramdam ko ang bigat ng nararamdaman ko, ang hikbi ay naging hagulgol at ramdam ko ang kaunting pag-bitaw ng aking tuhod na para bang ilang lakad pa ay matutumba na ako.

"A-Ate..." ang tawag ko sa kapatid ko ang napa-tingin sa kalangitan na walang ginawa kung hindi ang mag-bagsak ng ulan ngayon, naiyukom ko ang kamao ko habang naka-tingin sa kalangitan at hindi maiwasan ang magalit.

"Bakit mo nagawa 'yun?! Bakit?!"

Hindi ko na maiwasan na sisihin ang nawalang si Ate Marion, isang sikreto nanaman ang lumabas at hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba talaga ang lahat.

Unti-unti na akong nababasa ng ulan pero wala akong pakielam dahil sa punong-puno ako ng sakit at bigat ngayon, bakit nag-krus ang landas namin ni Aly?

Bakit pa kami nag-kita sa club?

Bakit, Aly?

Kilala mo na ba ako simula palang kaya ka andoon sa club?

All of a sudden many questions filled my mind at kasabay nun ay ang malakas na pag-hagulgol habang hinahayaan ko ang sarili ko na malunod sa ulan.

"Sienna!"

Huminto ang aking pag-lakad at ramdam ko ang panginginig ng aking labi dahil sa boses na iyon, kakayanin mo bang humarap sa kanya sa kabila ng ginawa ng ate mo sa pamilya nila?

Nakakahiya ba, Sienna?

Suminghap ako at kahit nanginginig na ang tuhod ko ay unti-unti kong hinarap si Aly na maging siya ay sinuong na rin ang ulan, naiyukom ko ang kamao ko at sa isang iglap ay binalik ko ang sarili ko sa pagiging matapang.

Pigilan mo ang mga luha mo Sienna dahil hindi ka mahina, hindi ka magiging mahina sa nakaraan ng ate mo sa pamilya Monreal.

As I looked to his eyes I can't see nothing anymore, blangko ang kanyang mga tingin na parang animoy sa isang iglap ay nawala na ang pag-mamahal. Is this the end already pero bakit ang bilis naman?

"I don't know--"

"O-Okay...s-sapat na sa akin ang sinabi ng mommy mo, Aly" nauutal kong sabi at ramdam ko ang pananakit ng lalamunan ko dahil sa pinipigilan ko ang mga luhang balak lumabas sa aking mga mata. Pigilan mo Sienna dahil matapang at malakas ka pero bakit sa taong mahal mo ay lubog ka?

I sighed and became firm in front of him "A-Anong dahilan kung bakit nasa club ka?" isang sagot lang ang kailangan ko sa kanya, bigyan niya ako ng rason kung bakit andoon siya sa club dahil nakakaramdam na ako ng kasinungalingan.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Where stories live. Discover now