Kabanata 3- ADARNA

1.4K 140 14
                                    

Jake

[PAST]

"Bakit nag-iisa ka?"

Napatingin ako tingala ako sa babaeng nagsalita.

"Teka, alam ko ang name mo... wait lang. Ariane, no hindi. Ann... basta starts with letter A."

"Anya."

"Right, Anya. 'Yong magaling magdrawing. Kumusta na?"

I'm tired... really tired of what happened these past few days.

"Okay naman ako. Ikaw, okay ka lang?" balik na tanong ni Anya.

"Yes...No. Yes— God..." Napatingin ako sa kisame ng library at hinila ang upuan sa tabi ko. "Upo ka, Anya. I'm not okay, but I need company."

Kumunot ang noo ni Anya at lumingon sa paligid bago nahihiyang umupo sa upuan sa tabi ko.

"Nasaan si Zandro?"

Natawa ako ng bahagya. "Isa ka bas a mga—"

Mabilis na umiling si Anya upang tumanggi. "Napansin ko lang na nag-iisa ka. Usually kasi kayong dalawa ang magkasama."

"Nasa hospital siya."

"Oh dear. Okay lang ba siya?"

Nabuntong hininga ako. "Yeah, he is out of danger."

"Good to hear that." Anya exhaled a little to loud on her normal silent breathing.

"Hindi yata kita nakikita these past few days," pag-iiba ko sa usapan.

Ngumiti ng bahagya si Anya at saka umiling. "Nakakasalubong ko kayo. Ikaw, si Zandro at 'yong girlfriend niya."

"Si Carol," I murmured.

"Ah, that's her name pala."

She already left... God, nalulungkot ako, umalis siya. She's part of our pack.

Natahimik kami ni Anya. Binabalikan ko ang mga nangyari. Carol saved Zandro but he forgot her. Lahat naman ay naalala ni Z. Bakit si Carol hindi? Is this part of the mystery that we got involve ourselves into?

"Para sa iyo ng apala, Jake."

Naputol ang daloy ng isipan ko nang magsalita si Anya. On her hand is a colored book.

ANG ALAMAT NG IBONG ADARNA

Nakangiti akong tinanggap.

"Paborito mo talaga," wika ko.

"Iyan kasi ang unang librong ginuhit ko."

Binuksan ko ang cover at hinanap ang pangalan niya.

Illustrated by: Adarna

Nagtataka akong tumingin kay Anya. Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.

"Pen name ko," she murmured. "Ayaw ko kasing malaman ng iba na ako ang illustrator."

"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit ng balikat si Anya.

"Babasahin ko mamaya sa bahay. Thanks, Anya."

Isang ngiti ang isinagot ni Anya sa akin bago siya nahihiyang nagpaalam. Iniwan niya akong mag-isa sa library at nalunod muli ang isip sa mga nangyari.


[PRESENT]

"Paano tayo pupunta sa Kasamaan nang hindi napapahamak?" tanong ni Marikit nang makauwi na kami sa kanilang tahanan.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Carol nang natahimik kaming lahat.

"Nasa Kasamaan daw si Anya," nanlalambot na sagot ko.

"Saan iyon? Sa impyerno?"

Tumango ako kay Carol. "Hindi ako maaring bumalik doon pagkatapos ng ginawa ko sa dalawa kong kapatid."

"May kapatid ka?" balik na tanong ni Zandro sa akin.

"Si Diego at Pedro. Pawang anak ni Sitan sa ibang diyos sa ilalim."

"May paraan ba para makuha si Anya nang hindi ka kasama?" tanong ni Marikit.

"Kailangan kasama ninyo ako. Hindi siya sasama sa inyo kung hindi ako kasama," mariing sagot ko.

"Magdadala kami ng picture mo na kasama ka namin," suggestion ni Jelie. Napatingin lahat sa kanya. "Ay mali ba ang suggestion ko? Grabe kayong makatingin."

"Natatandaan mo ba si Anya, Z?"

Kumunot ang noo ni Zandro at umiling. "Bakit walang nakakatanda sa inyo? Ikaw Carol?"

"Hindi," maikling sagot niya. "Pinakilala mo ba siya?"

"Hindi pero parati nating nakakasalubong sa UST." Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha out of frustration. Why Anya seems like invisible to everyone?

Namayani ang katahimikan sa loob ngbahay nila Bunao.

"May paraan," saad ni Mayari pagkatapos ng ilang sandali. "Ngunit hindi magiging madali."

"Paano?" nagsusumamo na tanong ko.

"Kailangan natin ng magbabalat kayo na maging ikaw upang maramdaman ng iyong ama na nasa pintuan ka ng Kasamaan. Sa ganoong paraan, ang kanyang atensyon ay nasa pintuan at wala sa iyo na maglalakbay pababa."

Tumango si Tala at Hanan sa sinabi ng kanilang kapatid.

"Maaring si Bunao ang maiwan dito at magpanggap na ikaw," saad ni Sidapa. Tumango muli ang mga Diwata.

"Ngunit..." putol ni Sidapa. "Kailangan ng kapiraso ng iyong kaluluwa at ilagay kay Bunao."

"Paano gagawin iyon?" kinakabahang tanong ni Kit. "May nakagawa na ba?"

"Ang tanong ay kung handa na ba ang gagawa noon," saad ni Sidapa at tumingin kay Jelie.

"Ako?" gulat na tanong ni Jelie. "Bakit ako?"

"Dahil ikaw ay galing sa angkan ng mga mangkukulam na hindi nila nagawang patayin," sagot ni Sidapa sa asawa. "Kaya ka may bertud, Jelie. Iyon ang kapangyarihan mo—tagabantay ng tarangka."

"Akala ko ay sa Biringan lang?" nahihintakutan na tanong nito.

"Lahat ng tarangka, Jelie," sagot ni Tala.

"Saka hindi ko alam kung paano— Jake... hindi ko alam." Napaiyak si Jelie na agad inalo ni Sidapa.

Nag-iwas ako ng tingin... naiisip ko si Anya.

Ililigtas kita... magpakatatag ka.

"Nasaan ang libro mo, Jelie? Kailangan nating basahin iyon. Kailangan mahanap natin kung paano? Kailangan na nating magsimula, ngayon na." Tumayo si Carol at lumapit kay Jelie.

"Jake... mayroon ka bang hindi sinasabi?"

Napatingin ako sa tatlong Diwata.

"Hindi ito ang tamang panahon na maglihim ko kung nais mong masagip ang kabiyak mo," wika ni Hanan.

"Nangako ako sa kanya na hindi ko sasabihin kung sino siya."

"Isaalang-alang mo rin ang kapakanan ng mga taong sasama sa iyo sa pagliligtas sa kanya. Sino si Anya?" pamimilit ni Hanan.

Napabuga ako ng hininga at pumikit.

"Ang ibong Adarna." 

The Book of MythsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang