Kabanata 2- INVISIBLE

1.6K 135 3
                                    

Anya

[PAST]

I was invisible to everyone. Pumapasok ako sa school at umuuwi ng bahay nang hindi napapansin nino man. I am invisible even to my Prof.

"Sir, I was absent yesterday. Here's my medical slip and my homework."

"Absent ka pala. Ano nga ang pangalan mo?"

I don't know why I am invisible. Am I too plain? Too boring, maybe. Hindi gaya ng mga sikat sa school. Lalo na si Zandro at Jake.

I watch him... si Jake. Masyado nang maraming nakatingin kay Zandro— ang tahimik na si Zandro, while Jake is the happy one. Masaya na ako kapag nakikita ko siyang tumatawa. Parang kahit papaano nakukulayan ng dilaw ang black and white na buhay ko.

I was invisible to everyone... then he asked for a help. He asked for my pen. Then he started to talk to me.

Nakabukas ang sketch book ko at nakatunghay sa akin ang hindi pa tapos na ibon. This time, she's colored in yellow and orange.

I am fascinated with this myth. Adarna... Kaya iyon ang unang children's book na pinasa ko sa publishing. From that time, naging illustrator ako sa mga children's book. But nobody knew who draw those books. Everyone was focused on the writer; they forgot the illustrator.

When Jake asked me if I knew the Myth of Adarna, I instantly smile.

"Oo, alam ko."

"Hindi ko kasi matandaan," sagot niya.

I requested a copy of my book from the publishing house. I wanted to give it to Jake. Pero isang linggo ko ng hindi nakikita si Jake—or rather nakakausap. Nakikita ko siya, sometimes kausap ang isang babae pero parang naging invisible ulit ako. Kaya ang Myth of Adarna ay nasa bag ko lang hanggang ngayon.


[PRESENT]

"Jake," bulong ko puso ko.

Madilim ang paligid at hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Nakakulong ako sa isang hawla na kahit gawa sa ginto.

"Kumanta ka," wika ni Pedro sa akin. "Pakalmahin mo ako."

Naramdaman ko ang maliliit na bato sa akin likuran at ang nang-uuyam na pagtawa ng kapatid ni Pedro na si Diego.

"Walang Juan na maglilitas sa iyo ngayon, kaya sumunod ka."

Jake.

Saang impyerno nila ako dinala? Bakit ang daming sumisigaw? Ang daming nagagalit? Ang daming namumuhi sa paligid?

Pumikit ako at inalala si Jake. Inalala ko ang araw na muli kaming nagkita.

"May bagong dating," wika ng mga tauhan ng kasamaan. Nariinig ko sila ngunit hindi ako nagpahalatang gising.

"Anak ni Sitan," wika ng iba.

"Ang pinakabata sa magkakapatid."

Nadagdagan pa pala ang anak niya, sa isip ko.

"Lumuhod kayo sa bago ninyong prinsipe," ani ni Sitan. Kinikilabutan akong sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

"Pagpupugay mahal na prinsipe," wika ng mga alagad ni Sitan.

Nagkaroon ng kasiyahan sa impyerno at ang kasiyahan dito ay hindi gaya sa lupa. Naririnig ko ang mga boses ng mga pinapahirapan, mga boses ng nagmamakawa.

Itinago ko ang mga luha ko sa piraso ng tela na ginawang kapa ko. Sa gitna ang kadiliman, pinasuot nila ako ng telang kulay ginto. Isang panunuya nila sa akin.

Sa hindi kalayuan sa akin ay naririnig ko ang magkapatid na napupuno ng pagkamuhi sa bagong dating.

"Anak ni ama sa mortal," wika ng panganay.

"May pusong mortal. Kung ako kay ama ay hindi ko pagkakatiwalaan."

"Tahimik siya... hanggang saan ang kakayanin niya, kapatid?"

"Iiyak iyan at babalik sa lupa, makikita mo."

"Gumising ka riyan, babae."

Isang malaking bato ang tumama sa aking ulunan. Luminga ako sa magkapatid at nanunuya silang tumawa.

"Umawit ka," singhal ni Diego. "Umawit ka, walang silbi."

"Masama ang tingin. Mukhang lalaban. Sige, lumaban ka. Ipakita mo ang iyong kapangyarihan," naghahamong wika ni Pedro.

Hindi ako susunod sa inyo.

Pumikit ako at muling tumalikod sa kanila.

Jake. Iligtas mo ako, Jake.

Natapos ang kasiyahan pagkalipas ng mahabang oras. Naging tahimik ang lahat... kung tahimik ng ana matatawag ang pangkaraniwang ugong ng alulong ng aso, huni ng mga impakto, mga lamang lupa na nasa paligid at pawing gusting makatikim ng dugo ko.

"Sino ka? Bakit ka nakagapos?" tanong ng bagong tinig. "Alam kong gising ka."

"Kung gayon ay iwanan mo ako."

"Ako ng apala si Jake. Ano ang pangalan mo?"

Jake?

Bigla akong napatingin sa may-ari ng tinig. Bumakas ang pagkabigla sa mukha niya.

"Anya?" bulong nito.

"Jake?" nagtatakang tanong ko. "Anak ka niya?"

Naguguluhang kumunot ang noo ni Jake at tiningnan ang ayos ko. Mula sa damit na suot ko hanggang sa tanikala sa paa ko. Napatiim bagang siya at nag-apoy ang kamay.

"Ano ang ginagawa mo dito?"

"Kilala mo ako?"

"Tinatanong kita, Anya. Ano ang ginagawa mo rito?" pag-uulit na tanong niya.

"Bihag naming, mahal na kapatid," sagot ni Pedro. Napatingin si Jake sa bagong dating. "Ah, gising ka na pala. Si Juan nga pala, ang nawawalang kapatid namin."

"Jake, hindi Juan. Pakawalan mo siya," utos ni Jake. Tumawa si Pedro at naging pula ang mata.

"Hindi pa tayo nagkakapalagayan ng loob para sundin kita," sagot ni Pedro.

Lalong lumaki ang apoy sa kamay ni Jake. Si Pedro naman ay humaba ang mga pangil. Isang palakpak ang nagputol sa namumuong alitan ng magkapatid. Lumapit si Sitan sa amin.

"Huwag mong sasaktan si Juan," ani ni Sitan kay Pedro.

"Jake—" pagtatama ni Jake sa pangalan.

"At ikaw... simula noon ay wala kang dalang mabuti ngunit hindi mapigilan ng mga anak ko na maglaban para sa iyo."

"Pakawalan ninyo si Anya, kaibigan ko siya," utos ni Jake.

"Magpahinga ka muna Jake," sagot ni Sitan. "At ikaw rin, Pedro."

Umalis si Sitan at iniwan kami.

"Binabantayan kita, Juan," wika ni Pedro bago umalis.

"Jake— alin ang hindi mo maintindihan sa pangalan ko?" pahabol ni Jake sa kapatid.

"Ano ang nangyari, Anya?" may galit na tanong ni Jake sa akin. 

The Book of MythsWhere stories live. Discover now