Kabanata 9- DILAW NA BALAHIBO

1.3K 127 11
                                    

Jake

"Ano ang sadya ninyo dito?" mahinahong tanong ni Ms. Rose sa amin nang maisarado niya ang pintuan ng opisina niya.

Huminga ng malalim si Carol at ipinabasa ang nakita niya sa libro ng mahika.

"Ang buong angkan?" Ms. Rose confirmed. "Nahahati kami—"

"Kahit siguro magstart tayo sa lima?" suggestion ni Carol.

"Sige, kailan?" nakakaunawang tanong ni Ms. Rose.

"Ngayon," sagot ko.

Napahinga ng malalim si Ms. Rose.

"Sandali, hintayin ninyo ako."

Hindi ako mapakali habang hinihintay si Ms. Rose na bumalik. Naupo ako sa tabi ni Carol. Wala si Z; kinailangan siya sa opisina. Pinakabilin sa akin si Carol na huwag papabayaan.

"Carol, alam mo ang nangyari sa kwento ng Adarna?"

"Hindi masyado," sagot ni Carol. English Lit ang pinag-aralan ko, Jake.

"Ano ang gusto mong malaman sa Adarna? Baka natatandaan ko pa. Pinag-aralan namin no'ng highschool iyan," ani ni Jelie.

"Ano ang Adarna?"

"Isang mahiwagang ibon," sagot ni Jelie. "Sabi sa alamat ay nakakapagpagaling ito ng may sakit pero nakakapagpatulog din. Kapag nataihan ka sa ulo, magiging bato ka."

"May tatlong prinsipe sa kwento, hindi ba?"

Tumango si Jelie sa akin. "Si Don Pedro, Don Diego at Don Juan."

"Tinatawag nila akong Juan," buntong hininga ko.

"Ikaw si Don Juan?" manghang tanong ni Jelie. "Ikaw ang nakakuha ng Adarna— well, ikaw nga ang nakakuha."

"Sino ang nakatuluyan ni Juan sa kwento?"

"Isang babae galing sa ibang kaharian," sagot muli ni Jelie.

"Hindi ang Adarna?"

"Ibon 'yong Adarna. Hindi siya tao."

"Hindi siya naging tao?"

Umiling si Jelie bilang sagot.

Kaya ba hiniling niyang maging tao?

Laging niyang hinihintay si Juan na dumating e. Hinintay niya si Juan bago siya kumanta at mapagaling ang hari. Basta, lagi siyang naghihintay. Malaki ang paniniwala niya na laging babalik si Juan.

"May mga pinanggalingan ang alamat kaya naisulat," wika ni Sidapa. "Noon ay malapit pa ang mga tao sa mga diyos at diyosa. Noon ay isang karangalan sa isang tao na maisulat ang bawat kwento namin."

"Jake, hindi ba tao si Anya?" tanong ni Carol.

"Tao... humiling siya sa engkanto. Kapalit ng tatlong hiling ay ang kalayaan niya." Huminga ako ng malalim. "Nais niya akong makausap— mapalapit kaya ginawa niya iyon."

"Hindi ko pa narinig na naging tao ang Adarna," wika ni Bunao.

"Mahal ka niya," ani ni Jelie.

"Kailangan ko siyang iligtas," bulong ko.

Hinawakan ni Carol ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakangiti siyang pinahiran ang luha ko. "Ililigtas natin siya."

"Binigay siya ng mga engkanto kay Sitan," mahinang wika ko.

"Babawiin natin siya," matatag na wika ni Carol.

"Sino ang master niya na engkanto?" naitanong ni Jelie.

"Si Carolina... ang hayop na si Carolina."

Napasinghap si Jelie. "Bakit parati siyang nasa picture?" naiiritang tanong nito. "Ano ba namin impakta 'yan? Ex mo ba 'yon?" baling ni Jelie sa nananahimik na si Sidapa.

Saved by the keepers si Sidapa nang dumating si Ms. Rose kasama ang ilan sa kanilang angkan. Pumasok ang mga ito sa meeting room at umupo sa mga bakanteng upuan na natitira.

"Ano ang gagawin namin?" tanong ni Ms. Rose kay Carol.

"Kailangan ninyong hawakan si Jelie— hawakan at nang hindi tangayin ng kapangyarihan," paliwanag ni Carol. Tumayo si Carol hawak ang libro ng mahika at ipinakita sa limang taga-bantay ang kanilang gagawin.

"Ano ang kulay ng kaluluwa mo?" tanong ni Jelie kay Bunao. "Ay baka brown, kulay lupa, gano'n."

"Bughaw," naiiritang sagot ni Bunao sa kanya.

Kung minsan ay napapangiti ako nitong si Jelie. Kung hindi siguro ako problemado ay baka kasama niya akong nakikipaglokohan sa mga ito. I missed my old self, 'yong carefree lang.

"Jake, tumayo ka dito. Jelie, ikaw naman dito." Tinuro ni Carol ang pwesto namin. Nakapaikot ang limang book keeper kay Jelie habang nire-recite niya ang chant niya kanina.

I feel it... lalo nan ang sumabay ang limang tagabantay kay Jelie. Muli ay naging pula ang mga mata ni Jelie at unti-unti silang lumapit sa akin. Dahan-dahan sila at maingat na lumakad upang hindi maputol ang bilog na nagkukulong kay Jelie.

Itinaas muli ni Jelie ang kamay at naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking kaluluwa... Nang hawakan niya ito— narinig ko si Anya... sumisigaw.

"Anya!" tawag ko. Nilukob ako ng galit at nagsimulang mag-apoy ang kamay ko. Narinig kong napasigaw ni Jelie. Nawala ang kamay niya sa kaluluwa ko... Nawala rin ang boses ni Anya.

Si Sidapa ay biglang lumitaw sa harapan ko hawak ang leeg ko. Tuluyan akong nailayo sa mga tagabantay.

Nawala ang connection ko kay Anya. Nanlalaki ang mata ko nang matauhan ako. Nababalok na ako ng itim na aura—kaming dalawa ni Sidapa.

"Jake... Dodong..."

"Okay na ako, Sidapa," ani ko. Hindi ako binitawan ni Sidapa. Nakukulong pa rin kami sa usok na itim.

"May nasaktan ba ako?"

"Pasalamat ka at wala," sagot niya. Binitawan niya ako kasabay ng unti-unting pagkawala ng usok. Takot ang nakita ko sa mga mata ng mga taga-bantay. Nasa likod sila ni Bunao at Ms. Rose. Yakap-yakap ni Carol ang libro ngunit hindi ko siya kinakikitaan ng takot.

"Ano ang nangyari?" tanong ni Carol.

"Nakita ko si Anya nang hawakan ni Jelie ang kaluluwa ko."

"At?" tanong ni Bunao.

Isang mahinang pagtawa ang narinig namin at muli ay lumabas ang usok n amula kay Sidapa. Tumabi siya kay Jelie at iniwan ako. Nakagitna ako sa buong grupo at kay Diego na lumitaw galing sa kung saan.

"Juan," bati nito. "May pasalubong ako sa iyo," tumatawang wika nito. Isang balahibo ang inilabas niya mula sa suot na polo. Kung gaano siya kabilis lumitaw ay siyang bilis niyang Nawala. Tanging alingawngaw ng tawa niya ang naiwan at ang balahibo na unti-unting dinuduyan ng hangin pababa. Bigla akong nilukuban ng takot nang nasapo ko ang balahibo— dilaw na balahibo.

"Sa Adarna 'yan," bulong ni Sidapa.

Muling napasiksik sa pader ang mga taga-bantay nang lumingon ako kay Sidapa na may panibagong galit na nararamdaman.

"Sigurado ka?"

Tumango si Sidapa. "Tingnan mo at may hibla ng ginto."

Papatayin kita, Diego. 

The Book of MythsWhere stories live. Discover now