Kabanata 4- IKA-WALONG KULAY

1.4K 130 5
                                    

Anya

[PAST]

Hindi ko na nakikita si Carol na nakatira lang malapit sa UST. Zandro didn't look fine although physically he is. He smiles, and laugh but his spirit is shattered.

Nagbreak kaya sila ni Carol?

Nakatulala ako sa kawalan nang may kumuha ng sketch book ko sa akin.

"Hi, Anya," bati ni Jake. Napabuga ako ng hininga. Naupo si Jake sa tabi ko habang tinitingnan ang sketchbook.

"Hindi yata ibon ang dino-drawing mo ngayon," wika niya. Inabot niya ang sketchbook sa akin. Nahihiya akong itinago iyon sa bag ko.

"Mag-isa ka yata," puna ko at para maiba na rin ang usapan.

"May sumpong si Z."

"Nagkagalit kayo?"

"Hindi," maikling sagot niya. "Nabubwisit ako, hindi niya maalala si Carol."

"May amnesia si Zandro?"

Huminga ng malalim si Jake at saka umiling. "Parang gano'n na nga," sagot niya. "Bakit mag-isa ka?"

Napatingin ako kay Jake. "What do you mean?"

"Bakit lagi kang mag-isa?" paglilinaw niya.

"Ah... lagi naman talaga akong mag-isa," mahinang sagot ko.

"Dito ka ba laging tumatambay?"

"Yup," I replied.

"Bakit parang hindi ka natatandaan ni Ma'am Mel kapag tinatanong kita kung nagpunta ka dito sa library?"

Dahil gano'n talaga.

"Busy lagi si Ma'am Mel," paliwanag ko. "Maalala rin ni Zandro si Carol."

"Kailan pa? Umalis na si Carol."

"You are really a good friend, Jake."

Isang buntong hininga muli ang isinagot niya sa akin.


[PRESENT]

Huminto na ang magkapatid sa panggugulo sa akin at nakatulog na sa wakas. Alam kaya ni Jake na buhay pa ang mga ito? Sana, mahanap siya ng mga kaibigan niya. Magiging ligtas siya kasama ang mga ito.

He must be angry with me.

"Bakit ka biglang Nawala sa UST?"

Natatakot akong magsalita. Natatakot sa lahat ngunit hindi kay Jake.

"Answer me!"

"I was taken," sagot ko.

"Sino?"

Umiling ako at tumingin sa paligid.

"Baka hinahanap ka na—"

"Si... Sitan ba?"

Umiling muli ako.

"Sino, Anya?"

Lumapit si Jake at hinawakan ako sa balikat. Bumabaon ang mga kamay niya sa balat ko at hindi ko napigilan ang impit na pag-iyak. Parang binuhusan si Jake ng yelo at binitawan ako bigla.

'I'm sorry."

Mukhang nalilito si Jake sa nangyayari.

"Umalis ka na dito, Jake."

Naka-ilang hinga ng malalim si Jake bago ako kinibong muli.

"Bakit hindi ka dumating noong graduation?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Anya—"

"Naroon ako. Hindi mo lang nakita."

"Bakit hindi ka nagpakita? May usapan tayo. Bigla kang nawala!"

"Hoy, gusto ko pang matulog, kumanta ka."

Isang bato ang muling tumama sa akin.

"Teka, Diego, parang nag-iiba ang kulay ng..."

"Hayaan mong maging itim na siya," sagot ni Diego.

Nakita na nila... Nakita na nila ang ika-walong kulay ko.

"Tutal gusto niyang maging ibon habang buhay, hayaan mong maging uwak. Kumanta ka, tampalasang ibon. Gusto ko pang matulog!" Pinagkakalampag ni Diego ang kulungan ko. Wala akong nagawa kung hindi ibalanse ang katawan sa sanga na dinadapuan ko.

"Hindi ba maapektuhan ang kapangyarihan niya ngayong nag-iiba ang kulay niya?" tanong ni Pedro sa kapatid. Napaisip si Diego at tumayo sa kinauupuan. Lumapit siya sa akin. Nakatingin siya sa mga mata ko.

"At ano ang binabalak mo, Adarna? Hindi nga ba pito lamang ang kulay mo?"

"Baka may ginawa si Juan," ani ni Pedro. Napaisip muli si Diego.

"Huwag siyang papahuli kay Ama," sagot ni Diego at saka tumawa.

"Tama. Ang mahalaga ay nasa atin ang Adarna ano man ang kulay na lumabas sa mga balahibo niya," sang-ayon ni Pedro.

"Kailangan bang malaman ni ama ang ika-walong kulay?"

"Ipagbigay alam mo," utos ni Pedro sa kapatid.

Naiwan si Pedro na nagmamasid sa akin.

"Hindi ka babalikan ni Juan. Ni hindi nga niya alam kung saan ka hahanapin. Ang inutil na nilalang, sinalakay ang Biringan."

Pumikit ako upang hindi makita ang mukha ni Pedro. Ayan ko ng makinig ngunit hindi ito titigil. Hindi sila titigil na magkapatid. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako buhay. Bakit pa nila ako binubuhay gayong nais naman nila akong makitang namamatay unti-unti?

"Kasama ang kasing inutil niyang mga kaibigan."

Tama na!

"Bakit, Adarna? Bakit ka may ikawalong kulay?"

Biglang may umagos na sakit sa aking likuran nang hilahin ni Pedro ang kulay itim na balahibo.

"Enough!" sigaw ko sa isip.

Bumukas ng kusa ang aking mga pakpak at nanlisik ang aking mga mata. Isang malakas na hangin galing sa aking mga pakpak ang humampas kay Pedro na ikinabigla nito. Tinangay siya ng hangin ilang metro mula sa akin.

Naririnig ko ang sarili kong gumagawa ng huni...ingay... na hindi ko alam na kaya kong gawin.

Tiningnan ko ang gawi ng kinuhanan ni Pedro ng balahibo. Nawala ang itim na balahibo doon ngunit unti-unting tumutubo ito... higit na itim kaysa sa nauna.

"Si Juan ba ang nagbigay sa iyo ng ikawalong kulay?" may galit na tanong ni Pedro nang makabawi ito mula sa pagkakabigla. Ang hawak niyang balahibo ay unti-unting naging abo. Ang alipato na dinala ng kakaunting hangin ay parang maliliit na asido na sumunog sa kanyang mukha nang dumikit sa kanya ang mga ito. Sumigaw sa sakit si Pedro. Nagsisigaw siya dahil unti-unting nalalapnos ang mukha niya dahil sa abo.

"Magbabayad ka, Adarna," sabi nito. 

The Book of MythsWhere stories live. Discover now