Kabanata 17- PITONG AWIT

1.1K 116 12
                                    

Jake

Pagkawala ng nakakabulag na liwanag ay nasa harapan ko si Pedro at Diego. Nasa Baguio kami na ikinapagtataka ko ngunit alam kong kailangan kong tapusin ang nasimulan. Iyon nga lamang ay hindi ko alam kung saan nagsimula ito.

Pinagkatiwalaan ko ang pakiramdam ko at ang mga kaibigan ko na nakapalibot na sa aking mga kapatid. Si Sidapa ay kinakikitaan na ng kanyang tunay na anyo— bagay na nakapangingilabot.

"Wala kang kwentang kapatid, Juan," ani ni Pedro.

Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ko ngunit nauna akong nagpakawala ng apoy na sinundan ng mga kasama ko.

Ang tatlong Diwata ay iginapos ang dalawa sa lubid na gawa sa liwanag. Si Sidapa ay nagpakawala ng usok na itim na pumalibot sa amin. Si Bunao ay nagpalabas ng ugat ng mga puno na nagsilbing kweba na bumalot sa aking mga kapatid kasabay niyon ay ang ipo-ipong apoy na nagngangalit na tinupok ang mga ugat ng kahoy ni Bunao.

"Jake—" tawag ng isang tinig.

"Sino ka?" Napatingin ako sa paligid ngunit wala akong makitang ibang tao maliban sa mga kasama ko.

"Patawad," wika muli ng tinig.

Nakarinig ako ng malamlam na awit.

"Hindi—" sigaw ng dalawa kong kapatid. Kung dahil sa ginagawa namin ay hindi ko alam ngunit patuloy sila sa pagsigaw. Patuloy ang tinig sa pag-awit.

Nanlulumo si Bunao na napaupo sa sahig. Nawala ang mga ugat na kanina lamang ay nagliliyab. Hawak-hawak ni Bunao ay kanyang ulo.

"Ang Adarna," nahihirapang wika niya.

"Patigilan ninyo siya," sigaw ni Pedro.

Lalong lumalakas ang awitin at isa-isang nabuhal ang tatlong Diwata. May narinig akong nalaglag na bagay—bakal— kaya napalingon ako sa gawi kung nasaan ang fountain. Nakahiga sa lupa si Ms. Rose at sa tabi niya ay isang hawla na nakabukas. Nakadapo roon ang isang ibon na iba't-iba ang kulay. Di kalayuan sa kanila ay nakahandusay rin si Jelie at si Z at ang angkan ni Ms. Rose.

Lalong lumakas ang awitin at napaluhod maging si Sidapa.

"Jake— kailangan mo kaming sugatan. Alalahanin mo ang itinuro ni Bunao," nahihirapang wika ni Sidapa.

"Jelie—" sigaw nito nang makita ang asawa na walang malay.

"Jake—" sigaw ni Bunao sa akin. Pilit nitong gumapang papunta sa akin.

Bakit ako lamang ang hindi apektado sa nangyayari?

"Jake— sugatan mo ang kaluluwa namin... gamitin mo ang apoy."

Ang tatlong Diwata ay tuluyan nang nawalan ng malay.

"Wala ng oras," wika ni Sidapa.

Naguguluhan akong tumingin sa paligid. Lahat ay nakahandusay o walang malay. Si Pedro ay nagsisimula ng maging bato.

"Ano ang gagawin ko?"

"Isang patak ng apoy." Nakanganga si Bunao na parang kinakapos ng hininga. "Isang patak Jake..." Tuluyan nang nawalan ng malay si Bunao.

Una kong nilapitan si Sidapa dahil siya na lamang ang may malay sa lahat bukod sa akin. Sinubukan kong gumawa ng apoy ngunit magyadong malaki ito. Umiilign si Sidapa nang makita ang apoy hanggang sa lumiit ito nang lumiit ay umiiling siya. Ang apoy ay naging kasing laki ng munggo bago ngumanga si Sidapa.

"Kakainin ninyo?" nagtatakang tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Dahan-dahan kong binigay kay Sidapa ang maliit na apoy. Nagsimula siyang magsisigaw at itinaboy ako papunta sa iba. Gaya ng ginawa ko kay Sidapa ay binigyan ko ng gabutil na apoy ang lahat maliban kay Pedro at Diego.

Natakot ako para sa lahat dahil nangingisay sila at sumisigaw. Parang ang apoy na kanilang kinain ay sinusunog ang kanilang kaluluwa. Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung nakakatulong ang ginawa ko.

Nang si Zandro ang lapitan ko ay biglang nagsalita ang ibon.

"Huwag, ginagamot ko siya," wika nito.

Bigla ay lumabas ang apoy sa kamay ko at humarang ako sa pagitan ng ibon at ni Jake.

"Huwag—" sigaw ni Jelie sa likuran ko at hinawakan niya ang paa ko. "Huwag mong silaban, tanga."

"Jake, hindi siya kalaban," ani ni Tala.

Isa-isa na silang tumayo mula sa pagkakalumo nila. Si Pedro at Diego ay tuluyan ng naging bato. Si Sidapa ay agad na dinaluhan ang asawa. Patuloy sa pag-awit ang ibon. Hindi ko na siya pinansin pang muli at nilapitan ang aking kaibigan.

Maputla si Z ngunit mukhang nawawala na ang lason sa kanyang binti na nangingitim kanina. Nakikita kong unti-unting lumalabas sa kanyang katawan ang itim na dugo.

Nang matapos umawit ang ibon ay napaupo kaming lahat sa labag. Lahat ay hinihingal at mukhang pagod na pagod.

"Ano ang nangyari?" tanong ko.

Nagtatakang tumingin sa akin si Jelie. "Anong ano ang nangyari? Niligtas natin si Anya mo."

"Sino 'yon?"

Nagkatinginan sila at ang ibon na kanina lang ay umaawit ay biglang lumiwanag. Naging tao ito sa isang iglap. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Bunao at Sidapa dito dahil wala itong damit. Ang tatlong Diwata ay agad siyang binigyan ng balabal na magtatakip sa katawan niya.

"Ako," sagot ng ibon. "Ako si Anya."

Bakit parang narinig ko na ang boses niya? Malungkot na ngumiti ang babae na may iba't-ibang kulay ang buhok sa harapan ko.

"Ngunit hindi mo ako natatandaan."

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jelie.

"Dahil iyon ang naging kapalit ng lahat," makahulugang sagot ni Anya.

"Ikukwento ko sa iyo mamaya. Halina, kailangan nating bumalik sa bahay nila Bunao," yaya ni Sidapa.

"Paano ang dalawa?" tanong ni Ms. Rose at tinuro ang dalawa kong kapatid na naging bato.

"Hindi iyan aalis dito," sagot ni Bunao.

Gumawa ng portal si Sidapa papunta sa bahay ni Bunao. Hindi na sumama ang tatlong Diwata sa amin.

Wala pa ring malay si Z nang buhatin ko siya at ibaba sa sofa nila Bunao. Lubog ang pag-aalala ni Carol nang makita ang asawa.

"Huwag kang mag-alala, nagpapahinga lamang siya," wika ni Anya kay Carol.

"Ikaw si Anya?" may luha sa mat ana tanong ni Carol dito.

"Ako nga," sagot ni Anya.

"Maraming ikinukwento si Jake tungkol sa iyo. Bakit hindi ka namin nakilala noon?"

"Hindi ko siya kilala, Carol," sabat ko na ikinabigla ni Carol. Si Anya ay nag-iwas ng tingin sa akin ngunit nakita ko ang luha niya sa mata bago niya pinunasan iyon at nalungkot na ngumiti.

The Book of MythsWhere stories live. Discover now