Kabanata 21- LORO AT ADARNA

1.2K 139 11
                                    

Jake

Puno ng dugo ang balahibo ng ibon. Nawala ito ng malay at agad na nagbukas ng portal si Sidapa upang makabalik kami sa bahay nila Marikit.

Nanginginig ang kamay ko dahil s agalit na nararamdaman para kay Carolina.

"Ibaba mo dito, Jake." Kumuha ng malinis na pamunas si Marikit at sinimulang linisin ang mga balahibo ng Adarna.

"Hindi ba siya marunong lumaban?" tanong ko sa kanila.

Umiling si Sidapa. "Marunong siyang umawit ngunit hindi ang makipaglaban."

Lutang na lutang ang itim na balahibo ng Adarna na nakahalo sa iba nitong kulay.

Nalinis na at lahat si Anya ngunit wala pa ring malay.

"Iwan na natin si Anya, Jake," yaya ni Carol na ikinailing ko.

"Babantayan ko siya. Mauna na kayo," wika ko. Tinapik ako sa balikat ni Z at tinanguan. Nauna na silang umuwi ni Carol.

Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ko. Kanina ay hindi ko namalayang napalabas ko ang ganoong kalaking apoy. Napaslang ko si Carolina. Sabi ni Bunao ay nagsimula ako ng digmaan sa mga engkanto.

"Wala akong pakialam sa kanila," wika ko sa sarili ko habang pinaglalandas ko ang kamay ko sa balahibo ng Adarna. Sinusundan ng daliri ko ang itim na balahibo na kumikinang sa limawanag.

"Susunugin ko ang daigdaig nila kung kinakailangan."

Huminga ng malalim ang Adarna at unti-unting nagmulat ng mata. Hindi ko namalayang nangiti ako sa unang pagkakataon buhat nang mawalan siya ng malay.

Nagliwanag ang ibon ngunit hindi ko binitawan ang kanyang balahibo. Naramdaman ko mula sa akin kamay ang pagbabago niya ng anyo. Agad na nagtakip ng kumot si Anya nang mawala ang liwanag.

"Jake—"

"Okay ka na?"

Alanganin siyang tumango at luminga sa paligid.

"Nasa bahay ka ni Kit," wika ko na ikinatango niyang muli.

"Ano ang nangyari?" tanong niya.

Napabuntong hininga ako at pinilit na ilayo ang paningin kay Anya. Tumayo ako at kinuha ang bathrob na nakasabit sa likod ng pintuan. Inabot ko sa kanya iyon at bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

"Nawalan ka ng malay," sagot ko ng nakapag-ayos na siya ng sarili. Nakasandal na si Anya sa headboard ng kama at sinusuklay ang buhok niya gamit ang kanyang daliri.

Naitikom ko ang kamay ko nang wala sa oras.

"Si Carolina?"

"Patay na," mabilis na sagot ko. "Malaya ka na."

Tumingin si Anya sa braso siya at napabunting hininga nang wala makita doon bukod sa makinis niyang balat.

"Wala na ang marka niya sa akin."

"Ang tanging marka na mayroon ka ay ang marka na galing sa akin." Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang kawalang galang ko. "Magpahinga ka na, Anya."

"Sila Carol at Z?"

"Umuwi na," sagot ko. Inalis ko ang sapatos ko at nahiga sa kama nang walang sabi-sabi. Ramdam kong nakatingin si Anya sa akin.

"Hindi ka pa uuwi?"

"Hindi—"

"Bakit?"

"Pagod ako."

Bumuntong hininga muli si Anya.

"Baka magalit si Kit—"

"Sanay na sila sa amin. Saka Anya, ikaw ang nagsabi na asawa kita. Ano ang masama kung matulog ako dito?"

Napamaang si Anya at namula ang mukha.

"Teka, nagugutom ka ba?" Nakakain na ba siya?

"Hindi naman. Nanlalambot pa ako at—"

"Mahiga ka. Kwentuhan mo ako."

Nakatitig sa akin si Anya bago siya nagbawi ng tingin at humiga sa tabi ko. Bigla kaming natahimik na dalawa. Maririnig sa di kalayuan ang anak ni Bunao at Kit na umiiyak.

Mahinang umawit si Anya na nagpakalma sa bata.

"Huwag mo akong patulugin," babala ko sa kanya na ikinatawa niya ng kaunti.

"Hindi iyon para sa iyo," mahinang sagot niya at nagpatuloy sap ag-awit.

"Pero inaantok maging ako."

Tuluyan nang tumawa si Anya at huminto sa pagkanta.

"Ano ang gusto mong ikwento ko?" tanong ni Anya pagkaraan ng ilang sandali.

"Sino si Juan?"

"Si Juan ay ikaw sa una mong buhay. Bunso ka sa tatlong magkakapatid at ang tanging may mabuting puso. Ikaw ang bukod tanging may busilak na puso na hindi ako nais na saktan."

Nakahiga si Anya at nakatingin sa kisame. Ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa kanyang tiyan. Nakatagilid ako at nakatingin sa kanya habang nagkukwento siya.

"Sa ikalawang buhay mo ay isa kang Sultan. Isa kang makatao at minamahal ng nasasakupan," may ngiting pagpapatuloy ni Anya. "Isa kang taga-lingkod sa ikatlong buhay mo na paborito ng Datu. Sa ikaapat ay isa kang mandirigma. Pumanaw ka nang harangin mo ang sibat na dapat ay para sa akin."

Napangiti ako ng may dumaang lungkot sa mukha ni Anya. Nagpatuloy siya sa pagkukwento kung ano ako sa nagdaang mga buhay ko. Ang dami na palang beses na nabuhay ako.

"At lahat ng iyon ay naroon ka?"

Tumango si Anya. "Nagmamasid sa iyo."

"What changed? Bakit ginusto mo sa buhay na ito ay makilala kita?"

Namula ng kaunti si Anya. "Dahil—" Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Dahil hindi mo na ako tinatawag na Adarna. Dahil sa panahon na ito, isang pangkaraniwang ibon na lang ako. Hindi ka na naniniwala sa akin. Ni hindi mo alam ang tawag sa akin. Noong nakita mo ako sa tapat ng iyong silid sa bahay ng lola mo, tinawag mo akong loro."

Natawa ako ng bahagya at kumunot ang noo ni Anya. Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Hindi iyon nakakatawa. Noon ay kapag nakikita mo ako, tinatawag mo agad akong Adarna."

"Na-trigger ka nang tawagin kitang parrot?"

"Matulog ka na nga," malumanay na wika ni Anya.

"Naalala ko na may nakita akong ibon noon. Hindi pala lahat ng ala-ala ko ay nawala."

Unti-unting ngumiti si Anya.

"Patawad, Adarna at hindi ko alam ang ngalan mo noon. Kung may naidulot mang Mabuti iyon, iyon ay ang nakilala kita."

"Jake—"

"Ipaalala mo sa akin ang lahat, Anya," mahinang wika ko. Unti-unti kong tinawid ang distansya namin ni Anya at hinalikan ko siya.

Ang nalimutan ng isip ko ay unti-unting naalala ng puso ko. 


------

a/n

Kyaahhh, kinilig ako mga bente. 

The Book of MythsWhere stories live. Discover now