Kabanata 11- BUKANA

1.3K 122 14
                                    

Jake

"Handa na ba ang lahat?" tanong ni Bunao nang makalabas sa lagusan si Sidapa. Tumango kami bilang sagot.

Madilim sa Diplomat at nararamdaman ko ang mga multo na nakamasid sa amin. Sumunod kami kay Sidapa pababa ng hotel, patungo sa fountain na napaglipasan na ng panahon.

"Jake—" tawag sa akin ni Bunao. Naroon siya sa my fountain habang ang mga taga-bantay at si Jelie ay pumaikot sa amin.

"Handa ka na?" malumanay na tanong ni Sidipa kay Jelie. Marahang tumango si Jelie bilang sagot.

"Sa pagpasok natin sa Kasamaan, ang ating layunin ay kuhanin ang Adarna. Sa makakaramdam ng antok kapag nakarinig ng awitin ay magsabi sa amin. Huwag pumikit dahil magiging bato kayo at iyon ang magiging katapusan. Si Jake ang magbibigay ng apoy na kailangan nating tiisin; apoy na gigising sa loob natin. Ngayon pa lamang ay sinasabi ko na, na hindi magiging madali ang gagawin natin. Kung sino man ang may alinlangan ay magtaas ng kamay."

Wala ni isang sumagot at nagtaas ng kamay sa sinabi ni Sidapa.

"Oras na, mahal," ani ni Sidapa kay Jelie.

Huminga ng malalim si Jelie at humawak sa naghihintay na mga palad ng taga-bantay.

"Espirito ng kaluwalhatian, buhay ng bawat nilalang. Halika at magpakita ka, sa lahi ng isang mangkukulam. Espirito ng kaluwalhatian na nagbibigay buhay, dinggin ang bulong ng tagabantay... buksan ang sarili sa akin at taglayin ang hiling. Magpakita ka sa akin."

Nararamdaman ko ang pagguhit ng apoy sa aking mga ugat.

"Espitiro na nahahati sa dalawa, ipagkatiwala sa akin ang iyong itsura. Manatili ka... manatili ka hanggang sa madama kita. Ang layunin ko ay hindi mo ikakapahamak... manatili, espirito ng kaluwalhatian."

Lumapit sa akin si Jelie ng unti-unti. Hinawakan siya ng mga taga-bantay sa balikat habang inuulit ang mga sinasabi niya kanina.

Nabibingi ako... nabibingi ako sa paulit-ulit na pagbigkas nila ng panalangin. Nabibingi ako kahit bulong lamang ang mga iyon.

Lumapit si Jelie at itinaas ang kanyang kamay sa aking ulo. Naramdaman ko ang pagpunit— parang may gumuhit na kidlat sa akin buto, nanunuloy ang sakit sa akin kalamnan.

"Arggg..."

Inalalayan ako ni Bunao na huwag mapaluhod.

Masakit... masakit na parang kakapusin ako ng hininga. Nakakapanlambot ang sakit.

"Magpakatatag ka," wika ni Bunao.

Huminga ako ng malalim... hanggang sa maging normal muli ang paghinga ko.

"Espirito ng kaluwalhatian na nagbibigay ng pahintulot na aming masaksihan. Makiki-bahay pansamanta ang iyong bahagi sa katauhan ng manggagaway. Manatili ka hanggang sa kami ay magbalik. Manatili ka hanggang sa ikaw ay maging buo muli. Manatili ka... espirito ng kaluwalhatian."

Ibinaba ni Jelie ang kanyang kamay sa ulo ni Bunao. Nanigas si Bunao sa kinatatayuan at kinapos ng hininga...

"Hayaan nyo siya," babala ni Sidapa sa mga nagtangkang tumulong kay Bunao.

Napakapit si Bunao sa fountain at ang kanyang kamay at braso ay unti-unting nagkaroon ng marka kagaya ng marka sa akin.

Patuloy sa paghinga ng malalim si Bunao hanggang sa nakayanan na niyang tumayo.

Lumayo ang mga taga-bantay sa fountain nang lumakad si Sidapa roon. Itinapat niya ang hawak na karit at ang fountain ay unti-unting hinigop ng lupa hanggang sa lumitaw ang isang daan na mukhang tunnel paibaba.

"Bunao, isarado mo agad ang pintuan," bilin ni Sidapa.

"Nauunawaan ko," sagot ni Bunao.

"Tayo na," baling ni Sidapa sa amin. Nauna siyang maglakad pababa sa tunnel na nababalutan ng dilim. Sumunod ako kay Sidapa. Sumunod sa akin si Zandro, si Ms. Rose at ang tatlong Diwata. Sa pagtapak ng paa ni Hanan sa tunnel ay unti-unting naglaho ang kakaunting liwanag na nanggagaling sa buwan sa labas. Nagsarado ang pintuan sa aming likuran. Wala ng atrasan ito. Nasa loob na kami ng Kasamaan.

"Wala akong makita," bulong ni Ms. Rose.

Gumawa ako ng apoy na nagsilbing ilaw namin pababa sa tunnel. Napahawak si Ms. Rose sa isang braso ko nang may narinig kaming umiiyak... nagmamakaawa.

"Mga kaluluwa," ani ni Sidapa.

"Ganito pala sa impyerno," wika ni Ms. Rose.

"Wala pa tayo sa impyerno," sagot ni Tala. "Nasa bukana pa lamang tayo, Amihan."

"Kumapit ka lamang Ms. Rose," mukahi ni Zandro.

Naglakad kami pababa hanggang ang hangin ay naging mahirap na sa paghinga. Malamig ang paligid ngunit nagsisimula na kaming pawisan. Lumalakas ang mga hinaing at pagmamakaawa sa paligid. Ang daan na tinatahak naming ay mabato at hindi patag. Isang dipa lamang ang lapad at sa magkabilang panig ng daan ay may ilog na itim ang tubig na dumadaloy na parang langis.

Inaanod dito ang mga kaluluwa na hinihigop ng agos.

"Tulong..."

"Parang awa niyo na..."

"Ayaw ko na..."

"Huwag kang titingin sa ilog, Ms. Rose," ani ni Z.

"Bakit?" tanong niya.

Nilamlaman ko ang apoy upang hindi maging maliwanag ang ilog sa paningin ni Ms. Rose.

"Makikita mo ang iyong mga kinatatakutan sa ilog ng karimlan," paliwanag ni Mayari. "Marapat na huwag mo na lamang tingnan. Sa harap lang ang tingin."

Naglalaro sa ilog ang mukha ni Anya. Pinipilit ko itong baliwalain ngunit sa gilid ng mga mata ko ay nakikita ko siya— malang malay, malang buhay.

Anya.

"Jake?"

Napatigil ako sa paglalakad na ikinahinto rin ng mga kasama ko.

"Jake? Bakit?" tanong ni Zandro.

"Wala. Tayo na."

"Jake? Nandito ka bas a Kasamaan?"

"Hintayin mo ako," sagot ng isip ko.

"Parati kitang hinihintay," sagot ni Anya. "Mag-iingat ka."

"Malapit na ba tayo?" tanong ni Ms. Rose.

"Malayo pa," sagot ni Sidapa. "Nasa bungad pa lamang tayo, Amihan."

Parating na kami, Anya. 

The Book of MythsWhere stories live. Discover now