Kabanata 18- MARKA

1.1K 125 12
                                    

Anya

Si Jake ay umalis kasama si Carol at Zandro at naiwan ako sa bahay ng kaibigan niyang si Bunao at Marikit. Si Jelie ay hindi makapaniwala na hindi ako natatandaan ni Jake.

Nakakatuwang pagmasdan si Sidapa na nagpapaliwanag sa kanyang kabiyak ng nangyari sa Kasamaan.

"Tangina, bakla," ani ni Jelie nang matapos ni Sidapa ang ikinukwento. Maging si Marikit ay kakikitaan ng lungkot sa nalaman.

"Umawi na tayo—"

"Kailangan ni Anya ng kasama," mabilis na sagot ni Jelie.

Napabuntng hininga si Sidapa at walang nagawa kung hindi sumunod kay Jelie na maupo sa tabi ko.

"Anya, okay ka lang ba? Pero ang ganda ng buhok mo, by the way."

Natawa ng bahagya si Marikit kay Jelie at si Bunao ay umikot ang mga mata.

Sa ilalim ng itim kong buhok ay ang pitong kulay ng bahag-hari. Sa panahon ngayon ay hindi na ito alintana. May paraan na ang mga tao upang kulayan ng iba't-ibang kulay ang buhok nila.

"Nauunawaan ko si Jake—"

"Ha? Juicekuh, sa akin 'yan, who you na iyan. Thank you, next ka agad," sagot ni Jelie na ikinakunot ng noo ni Sidapa.

"Talaga?" may babalang tanong ni Sidapa sa kabiyak na ikinaikot ng mga mata ni Jelie.

"Subukan mo, bilis," sagot ni Jelie.

"Hindi niya naman gusto na makalimutan ako. Kapalit iyon ng pagliligtas niya sa akin."

Napabuga ng hininga si Jelie at sumadal sa upuan.

"Ang laki naman ng kapalit ng hiningi ng animal na bangkero na iyon. Bakit hindi ka nakipag-bargain?" baling nito kay Sidapa. "Binigyan mo sana kahit tatlong kaluluwa ang animal para tubuan ng kunsensya."

Nangiti ako ng bahagya kay Jelie.

"Dinugo ang ilong ko sa ritwal. Nagka-mens pati ilong ko tapos pagbalik ni Jake, may short term amnesia?"

Natawa ng tuluyan si Marikit kay Jelie.

"Hahanap tayo ng libro na makakapagpabalik ng ala-ala ni Jake," mungkahi ni Marikit.

"I-kiss mo kaya para bumalik ang memories," suhestyon ni Jelie na ikinatawa ni Bunao.

"Iyon ba ang ginawa mo kay Sidapa?" biro ni Bunao kay Jelie.

"Hindi pa s'ya matanda para makalimot," natatawang sagot ni Jelie at bumaling muli kay Sidapa. "Ilang taon ka na nga, dear?"

Natawa kami nang sumimangot si Sidapa.

Mapalad si Sidapa at may nagmahal sa kanya ng buong-buo.


Dahil sa kawalan ko ng gagawin ay nilaro ko ang anak ni Marikit habang ginagawa ni Marikit ang isang lumang libro.

Tumatawa ang bata sa tuwing hinipan ko ang tiyan niya.

"Ano ang pangalan niya, Marikit?"

"Makisig," sagot ni Marikit.

"Kasing kisig ka ba ng mga ninong mo? Ha?"

Tumawa ang bat ana ikinangiti ko rin.

"Madali kang nakagaanan ng loob ni Makisig."

"Mahilig ako sa mga sanggol. Parati ko silang inaawitan para makatulog."

Natawa ng bahagya si Marikit. "Ikaw pala ang kailangan ko kapag ayaw matulog ni Makisig sa gabi."

"Ibigay mo lang sa akin habang nakikituloy ako sa inyo. Maraming salamat nga pala."

"Wala iyon, Anya."

Patuloy si Makisig sa pagtawa hanggang mapagod ito sa kakalaro namin at makatulog sa bisig ko.

"Ibaba mo na siya, Anya baka mangalay ka," wika ni marikit nang makitang tulog na ang anak.

"Ay, hindi na. Mas gusto ko siyang karga."

Dumating ang mga kaibigan nila Bunao at Marikit habang inaawitan ko ng mahina ang bata.

"Baka maging bato 'yan," biro ni Zandro na ikinangiti ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at napako ang mata ko kay Jake na taimtim na nakatingin sa akin.

"Hindi ko naman inawit ang pitong awitin," sagot ko kay Zandro at nag-iwas ng tingin kay Jake.

"Pakarga ako," kinuha ni Carol si Makisig sa akin ngunit umiyak ang bata. Nakasibi si Carol na ibinalik si Makisig na natulog muli sa bisig ko.

"Napadalaw kayo?" tanong ni Marikit sa mga kaibigan niya.

"Hindi ako nakapagpasalamat kay Anya noong isang araw kaya pinuntahan namin siya ngayon," sagot ni Zandro at saka siya lumingon sa akin.

"Salamat Anya sa pagliligtas mo sa akin."

"Hindi ka naman malalagay sa panganib kung hindi ninyo ako pinuntahan doon kaya maraming salamat, Zandro," sagot ko.

"Bakit ka namin niligtas?" tanong ni Jake na ikinatahimik namin pansamantala.

"Bakit namin ilalagay ang buhay namin para sa iyo?"

"Naging kaibigan mo ako, Jake. Ang ala-ala mo sa akin ang naging kapalit ng pagliligtas mo sa akin."

"Bakit? Gaano ka kaimportante sa akin para hilingin ng bangkero ang ala-ala ko na kasama ka?"

Ipaalala mo sa akin na ako ang iyong kabiyak, Anya.

Pumikit ako at sumambit ng dasal kay Bathala na kayanin ko ang magiging reaksyon ni Jake. Tumayo ako at ibinigay si Makisig kay Marikit. Lumakad ako pagkatapos sa harapan ni Jake at tiningnan siya sa kanyang mga mata.

"Carol, maari mo ba akong tulungan?" tanong ko na ikinagulat marahil ni Carol.

"Oo, Anya. Ano ang maitutulong ko?"

"Pakitaas ang damit ko sa likod."

Tumalikod ako kay Jake upang maitaas ni Carol ang damit na suot ko. Narook ang bakas ng pag-iisang dibdib namin. Nakita ko lamang ito sa salamin noong nagbibihis ako.

Sa likod ko ay may marka ng pakpak ng ibon sa magkabilang paypay. Ang isa ay kulay puti at ang isa ay kulay itim.

Napasinghap si Carol kung kaya lumingon ako sa kanila. Nakatitig si Jake sa likuran ko— sa marka sa likuran ko.

"Ako ang kabiyak mo, Jake," mahinang usal ko. 

The Book of MythsWhere stories live. Discover now