Kabanata 13- TALON NG PAGDURUSA

1.2K 120 9
                                    

Jake

"Makakarating ba tayo agad doon?"

"Hindi," maikling sagot ni Tala kay Amihan. "Bakit ka nagmamadali, Amihan? Minarapat mo na lamang sanang magpaiwan kung natatakot ka."

"Hindi ako natatakot," mariing sagot ni Ms. Rose. "Walang hangin dito," aniya. "Wala akong... wala akong kapangyarihan."

"Gumitna ka sa amin ni Jake," wika ni Zandro.

Nauunang maglakad si Sidapa sa amin. Tahimik kaming sumusunod sa kanya.

May mga sa dilim na sumunod sa amin. Lalong napasiksik si Ms. Rose sa tabi ko at kumapit na sa aking braso.

"Ano iyon?" tanong niya.

"Mga aswang, tikbalang..." ani ni Sidapa.

Natawa ako ng bahagya at naalala ang ginawa ko noon na ikinalaki ng mata ni Anya.

"May tikbalang akong napag-tripan dati," simula ko.

"Madi-disappoint ako kung hindi ka nang-trip," mahinang sagot nI Zandro sa akin.

"Ano ang ginawa mo?" tanong ni Ms. Rose.

"No'ng naghiwalay na ang katawan niya, sinilaban ko ang kalahating naiwan sa lupa. Galit na galit ang tikbalang kasi kalahati na lang siya. Tinanong ko pa kung paano na siya tatae no'n."

Hinampas ni Ms. Rose ang braso ko at nagpigil tumawa. Narinig ko ang mahinang paghagikgik ng mga diwata sa likod namin.

"May mga bagay talagang sadyang hindi natin kayang pigilan. Naalala ko noon ng tukain ni Amihan ang kawayan nila Malakas at Maganda," kwento ni Mayari. Napatigil sa paglalakad si Ms. Rose at tumingon sa tatlo.

"Ako?"

"Oo, ikaw," sagot ni Hanan. "Maaring hindi mo lamang natatandaan.

"Naisusulat iyan sa alamat," wika ni Tala.

"Magpatuloy na," putol ni Sidapa sa amin. "Hindi ito ang oras upang magkwentuhan. Nasa pintuan na si Sitan sa mga oras na ito. Magmadali kayo."

"Paano mo—"

"Si Jelie... Kausap ko si Jelie," sagot ni Sidapa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa madilim na daan patungon sa pusod na Kasamaan.

"Okay lang a sila doon?" nag-aalalang tanong ni Zandro.

"Hanggat nakasarado ang pintuan ay hidi makakalabas si Sitan doon. Magmadali na tayo," sagot ni Sidapa.

"Naroon si Bunao. Manalig kayo. Isa siyang hari, hindi niya pababayaan ang nasasakupan niya," pagpapaalala ni Tala sa amin.

Nahinto si Sidapa sa paglalakad kaya huminto rin kami. Ugong ng mga nakakarimarim na sigawan ang umaalingawnga sa harapan namin.

"Ano iyon?" tanong ni Ms. Rose.

Nagpakawala ako ng bolang apoy at inihagis sa harapan.

Nasa harapan na pala kami ng Talon ng Pagdurusa at ang mga sigawan at pagmamakaawa na naririnig namin ay galing sa mga kaluluwang nahuhulog mula sa talon papunta sa walang hanggang kadiliman.

"Nasa ibaba ang ilog ng pagkamuhi," ani ni Sidapa.

"Paano tayong bababa?" tanong ni Ms. Rose. Ang bolang apoy na hinagis ko ay hindi pa tumatawa sa ibaba. Gaano kalalim ang talon na ito?

"Tatalon tayo," sagot ni Sidapa.

"Hindi pa—"

"May naiisip ka bang paraan?" baling ni Sidapa sa pagtanggi ni Ms. Rose.

"Ugh, maglakad pababa?"

"Subukan mong magtawag ng hangin." Natingin si Ms. Rose kay Zandro bago tumango.

"Gamitin mo ang sigaw ng mga nahuhulog na mga kaluluwa," mungkahi ko. "Gusto mo ba magyabang ako para magkahangin?"

Hinampas ako ni Ms. Rose. Si Sidapa naman ay lumingon sa akin na masama ang tingin. Hindi na ma-joke 'to. Mas waley pa nga ang joke ng jowa niya kung minsan eh.

Nagsimulang ikumpas ni Ms. Rose ang mga kamay niya. No'ng una ay walang hangin na lumalapit sa amin. Frustrated siyang umulit sa umpisa. Unti-unti ay may naiipon na hangin sa kamay niya ngunit hindi sapat upang tangayin kami. Hindi sapat upang makababa kami sa talon ng ligtas.

"Hayaan mong tulungan ka namin, Amihan," wika ni Tala.

Binigyan namin ni Zandro ng puwang ang tatlong Diwata.

"Sidapa, maari bang gumawa ka ng isang lagusan?" tanong ni Mayari.

"Baka mayroong—"

"Kami ang magbabantay sa lagusan. Kailangan natin ng hangin at kukuhanin natin iyon sa labas," putol ni Hanan sa pagtanggi ni Sidapa.

Walang nagawa si Sidapa kung hindi sumunod. Gumawa siya ng maliit na lagusan na kasya lamang ang katawan ng poste ng ilaw. Malakas na hangin ang pumasok sa lagusan na may kasamang tubig alat.

"Bilisan mo, Amihan," ani ni Sidapa.

Tumango si Ms. Rose at sa pagkakataong ito, nakakuha siya ng hangin na kailangan niya. Hangin na itinaas kami mula sa kinatatayuan namin.

Ngunit bago maisara ang lagusan ay may isang lamang dapat na tumalon sa papasok sa lagusan. Agad na pinana ito ni Hanan gamit ang palaso ng liwanag na basta na lamang lumitaw sa kanyang kamay.

Unti-unti kaming bumaba sa talon na hindi namin pinapansin ang mga kaluluwa na nagpupumiglas at kumakapit sa amin. Si Sidapa ay pinalibutan kami ng kanyang usok nang hindi na muling lumapit ang mga kaluluwa sa amin.

Walang hanggang kadiliman ang nakikita namin. Minabuti kong magpakawala muli ng bolang apoy at inihagis paibaba upang makita namin ang aming babagsakan.

Hindi lamang balahibo ko sa braso ang tumayo sa akin, maging ang buhok ko sa batok ay tumayo rin ng bumagsak ang bolang apoy sa ilalim at mailawan ang naghihintay sa aming mga kampon ng dilim.

"Humanda kayo," ani ni Sidapa.

"Putang-ina, kinikilabutan ako sa dami nila," bulong ni Zandro sa akin. 

The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon