Kabanata 25- PAGLISAN

1.3K 131 12
                                    

Jake

Naghihintay si Tala, Mayari at Hanan sa amin nang lumabas kami mula sa portal ni Sidapa. Sa isang clearing kami naroon. May malalaking bato akong naansin. Dalawa sa ito ay parang haligi ng isang pintuan at sa itaas ng dalawang bato ay may nakapatong pa na isang flat at nagmukha itong lagusan. Ito marahil ang tarangkahan na sinasabi nila papasok ng Biringan.

"Ikinalulungkot namin ang nangyari sa iyong abuela, Jake," wika ni Tala sa akin. Isang tango lamang ang naisagot ko sa kawalan ng sasabihin.

"Nasaan si Anya?" tanong ni Mayari.

"Naiwan kasama ni Marikit at Carol," sagot ni Z.

"Bakit ninyo kami pinapunta dito?" Nagsimula agad si Sidapa na ikinapanatag ko ng kaunti.

"Hindi kami ang humiling ng pagpupulong na ito kung hindi ang bagong pinuno ng Biringan," paliwanag ni Hanan.

"Kami ay tagapaghatid lamang ng mensahe," dagdag ni Mayari.

"Bakit parang hindi masaya si Tala," sabat ni Jelie.

Nag-alis ng bara ng lalamunan si Ms. Rose at binulungan si Jelie na manahimik. Si Tala ay hindi na muling kumibo lalo nan ang magliwanag ang tarangkahan at lumabas ang dalawang engkanto na may matulis na tainga. Agad na pumuwesto ang mga ito sa magkabilang gilid ng tarangkahan. Hindi nagtagal ay may lumabas muling isang engkanto. Gaya ng dalawa ay Matulis rin ang tainga nito ngunit may mga ginto na kwintas at bracelet. Marahil ito ang bagong pinuno.

"Magandang araw," bati niya sa amin at saka ngumiti.

"Haaayyy," wika ni Jelie na parang nahumaling agad sa engkanto na ikinainis ni Sidapa.

"Alisin mo ang balatkayo o susunod ka kay Carolina?" babala ni Sidapa habang hawak-hawak sa balikat ang asawa at pinipigilang lumapit sa pinuno.

Natawa ng bahagya ang engkanto at s aisang iglap, ang makinis nitong mukha ay nagkaroon ng isang pilat na naghahati mula sa kilay nito papunta sa baba. Ang maamong mukha ay naging matapang na ngayon at mukha ng isang mandirigma.

"Sidapa, sa iyo ba ako dapat na magpasalamat sa pagkakapaslang kay Carolina?" tanong nito.

"Sa akin," sagot ko. "Not that it is necessary."

"Anak ni Sitan—"

"Jake," pagtatama ko agad.

Tumango siya sa akin at pumormal ang mukha.

"Sa mga hindi pa nakakakila sa akin, ako si Soliman, ang bagong pinuno ng Biringa. Ikinagagalak ko ang inyong pagparito."

"Ano ang kailangan mo?" tanong ni Bunao.

"Ang taga-bantay," wika ni Soliman at naghalo ang balat sa tinalupan. Napalibutan agad kami ng maitim na usok dahil sa galit ni Sidapa.

"Teka, nagkakamali ka ng iniisip, Sidapa. Kailangan naming sanayin ang huling taga-bantay ng tarangkahan. Mukhang hindi siya sinanay ng kanyang mga ninuno."

"Para saan ang pagsasanay, Soliman?" tanong ni Sidapa.

"Ah, Dodong. Baka kailangan—"

"Manahimik!" sigaw ni Sidapa na ikinatalon ng kaunti ni Jelie.

"Upang bumalik sa dati ang lahat, Sidapa."

"Hindi na kailangan. May mas malaki kaming susuungin na pagsubok maliban kung aayon kayo sa amin."

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Sidapa.

"Tungkol sa pagsubok na iyan kaya nais naming turuan ang taga-bantay ng tarangka. Siya ang kailangan ninyo upang mabuksan ang kulungan ni Malakas," pagpapatuloy ni Soliman.

The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon