Wakas

2K 155 34
                                    

Tala

Sa hinahaba-haba ng tiniis ng Adarna, sa wakas, heto na siya... naglalakad papunta sa kanyang habang-buhay.

"Sweet," bulong ni Hanan. Nahawa na talaga sa makabagong mundo ang pananalita niya.

"Hindi ba kay kisig ni Soliman?" tanong ni Mayari kay Hanan. Nanlalaki ang butas ng ilong ko sa dalawang kapatid ko na ito. "Bagay sa kanya ang pagiging pinuno."

"Matangkad, maganda ang pangangatawan, maraming marka na kay sarap sundan." Nagtawanan ang dalawa sa sinabi ni Hanan.

"Kulay pulot ang mga mata, matangos ang ilong—"

"Matulis ang tainga, walang tiwala sa iba... pagtuunan natin ang mga hindi magagandang bagay."

Mas lalong natawa ang dalawa kong kapatid.

"May engkanto bang hindi pointy ears?" nag-aasar na tanong ni Hanan sa akin.

Hindi ko na pinansin ang dalawa at itinuon ko ang aking paningin kay Jake at Anya. Pagkatapos ng kanilang kasal ay magsisimula kaming magsanay.

Naiiling ako habang nakatingin kay Jelie. Paano namin siya sasanayin sa mga bagay na dapat ay alam niya? Paano namin isasaksak sa makakalimutin niyang utak ang mahabang panahong pagsasanay na ginawa namin?

Kaawaan kami sa gagawin namin.

"Sa tingin mo, buhay pa si Ama?" biglang naging seryoso si Mayari.

"Umaasa pa rin ako."

Bumuntong hininga si Hanan. "Nasaan si Apolaki?"

"Walang nakakaalam. May nakakita ba sa iba buhat nang huling digmaan? Kung si Ama ay nawala, paano pa ang iba?"

"Sa kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ng kalikasan, kayo ay pinag-iisa ko na hindi mapapaghiwalay nino man." Nagpalakpakan ang lahat nang sambitin ni Soliman ang huling ritwal ng pag-iisang dibdib.

Nakipalakpak kaming tatlo na magkakapatid.

"Ngumiti ka naman, Tala. Kasal ito hindi libing," bulong ni Mayari sa akin.

Nagkaroon ng malaking salo-salo sa pag-iisang dibdib ni Jake at Anya. Lahat ay masaya at parang fiesta. Ang mga bahay ay bukas para sa lahat. May nagkakantahan at bumabaha ng alak.

Ang mga engkanto, hindi gaya naming mga diyos at diyosa ay hindi na kailangan ng panalangin mula sa mga tao. Hindi sila doon kumukuha ng lakas.

Sa aming tatlong magkakapatid, ako ang natitirang naalala ng mga tao. Sa tuwing binibigkas ang ngalan ko ay para akong nabibigyan ng kakaibang lakas.

"Tala... tala... tala."

Napatingin ako sa umaawit at napailing na lang ako kay Jelie.

"Tala, tala, tala... Ohhh yeahhh!"

"Mas mainam naman iyan kaysa sa awitin na para sa buwan." Doon ako natawa sa sinabi ni Mayari.

"Galit ka pa rin?" biro ko.

Umismid si Mayari at humalukipkip.

Maya-maya ay kinalabit ako ni Hanan at tinuro si Jelie na... sumasayaw. Tinuturuan niya si Soliman na sumayaw.

"Mukhang mapapadalas ang pagtawag ni Soliman sa ngalan mo." Tumawa na naman ang dalawang kapatid ko.

"Tala, tala, tala...

Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa'yong mga mata

Tala, tala, tala...

Ang ningning ng yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala"

May ningning ang mga mata ni Soliman nang tumingin sa akin.

-Wakas

---------

A/N (Bahala kayong hindi nagbabasa ng Author's Note. )

Hanggang dito na muna ang kwento ni Jake at ng Adarna. Sana ay naaliw kayo.
Tandaan na ang mga sinsulat ko ay hindi ang orihinal na kwento ng mga diyos at diyosa natin.
Ito ay may kasamang kathang-isip. Suriing mabuti ang mga bagay-bagay na nababasa.

Tala... Tala... yes, susunod na ang pahapyaw na kwento ng magkakapatid.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Book of MythsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon