~♥~ Flashbacks (1) ~♥~

Beginne am Anfang
                                        

" Crouded hallways are the loneliest places
For outcasts and rebels
And ayone who just dares to be different." Pagkanta ko.

Ako lang 'yung nakaka alam ng garden na'to pati si Mother Lucia. Si Mother Lucia ang nag-alaga ng garden na'to at tinutulungan ko sya sa pag didilig. Sabi nya sa akin ay dito raw nya ibinubuhos ang oras nya kapag wala syang ginagawa sa orphanage. Ako naman ay tumutulong dito sa Orphanage lalo na sa paglilinis. Dyan kolang rin binubuhos ang oras ko at sa pag-aaliw rin sa mga bata.

Nandito na ako sa orphanage simula nung bata pa ako. Si Mother Lucia na yung naging nanay ko dito dahil ni pangalan ng mga magulang ko, hindi ko alam. Sabi ni Mother Lucia ay ipina-ampon ako ng isang babae rito pagkatapos ay umalis na. Hindi rin daw ito nagpakilala at hindi sinabi ang dahilan kung bakit ako iniwan dito.

'Naiisip ko lang sa edad kong 'to, hindi bako mahal ng mga magulang ko? Bakit nila ako pina ampon? Hindi ba nya kaya yung mga gastusin? Nasan yung tatay ko? Bakit hanggang ngayon hindi nya'ko binabalikan? Haha! Mag-aanak sila tapus hindi nila kayang panindigan. Binuhay nila ko dito sa mundo na nag-iisa. Mahirap, masakit, lalo na kapag nakakakita ka ng buo at masayang pamilya. Sana hindi nalang sya nag-anak kung iiwan rin lang naman nya. Kasi ako! Ako yung nangungulila.'

" And you've been trying for so long
To find out where your place is
But in their narrow minds
There's no room for anyone who dared to do
Something different
Oh, but listen for a minute." Pagpapatuloy ko sa kinakanta ko.

Napatingin ako sa mga bulaklak na narito. Napakaganda. Mana pa 'yung mga bulaklak inaalagaan ng mga nangangalaga sa kanila. Hindi sila pinapabayaan at dinidiligan lalo na kapag nalalanta. Samantalang 'yung mga magulang ko ni kaonting pag mamahal nila hindi ko naramdaman. Ni kaonting pag-aalaga nila hindi ko rin naramdaman. Wala nga sila nung mga oras na kailangan ko sila, eh.

" Trust the one
Who's been where you are wishing all it was
Was sticks and stones
Those words cut deep but they don't mean
You're all alone."

Mana pa 'yung mga bulaklak napaka kulay, punong puno ng saya. Masaya rin naman ako dahil kasama ko rito si Mother Lucia pero may kulang. Kahit anong saya ko dito sa piling ni Mother Lucia iba parin siguro 'yung saya kapag kasama ko'yung mga magulang ko, 'noh? Wala eh iniwan ako, nakaka gago lang.

" And you're not invisible
Hear me out,
There's so much more to life than what
Your feeling now
Someday you'll look back on all these days
And all this pain is gonna be invisible
Oh, invisible."

" Durst anak, nasira kasi 'yung electric pan sa kwarto ko, pwede bang maayos mo anak?" T
anong sakin ni Mother Lucia.

'Nasa likod kona pala sya ni hindi koman lang naramdaman 'yung presensya nya sa dami siguro ng iniisip at pagkanta ko.'

p>_<q

" Sege po, nay." Maikling sabi ko sakanya.

'Sakto nangangati na yung mga kamay ko.'

Mahilig akong mangalikot ng mga wires at mag gawa ng kung ano-ano kaya maalam ako sa ganyang bagay. Dumaan na kami sa Secret Door para makapasok na kami ulit sa loob orphanage.

" Nga pala anak, may magaganap na Charity sa isang Linggo. 'Yung Charity event na'yun ay donasyon ng mga taong business man na mayroong mga kaya sa buhay at nagpadala ng nga donasyon para sa mga pangangailangan natin." Nakangiting sabi sa'kin ni Mother Lucia pagkapasok namin sa loob ng orphanage.

p‹•.•›q

Ganito kami sa orphanage kinaaawaan.

'Totoo naman hindi ba?'

'Til The Perfect DayWo Geschichten leben. Entdecke jetzt