Twenty-seventh Chapter

82 6 0
                                    

KAEREN'S POV

Alam niyo ba 'yung feeling na may nagmamasid sa inyo pero pagka-lingon niyo, wala pala? Hanggang sa makatulog ako kaninang madaling-araw, ayan ang iniisip ko.

Nang makalabas kasi ako ng ospital, I felt like I was being watched. Pero wala naman akong makita, at tsaka, mukhang may tuliling na ata ako dahil instead na matakot, para pa akong kinilig. Ewan ko ba, feeling ko nasa tabi lang kasi si Spade, kaya medyo nangingiti ako hanggang sa pagtulog.

Baka nga naloloka na ako.

I sighed. 

Ako ang nagsabi kay Spade na huwag dumamubs hangga't maari, flirting-flirting lang, landian lang hanggang dun lang ang sinabi kong mabibigay ko kahit na alam at ramdam ko naman na may gusto siya sa'kin. Tapos ngayon na nasaktan ko siya, at mukhang matutuluyan na ang kagusutuhan ko, ngangawa-ngawa naman ako dahil hindi na ako pinansin dahil sa kagagahan ko?

Tinampal-tampal ko ang aking pisngi gamit ang isang kamay dahil ang kabila ay may hawak ng ice cream.

Aarrgh! Bakit ko pa ba kasi siya pinigilan?! Bakit ba kasi nag-inarte pa ako?! Edi sana, pwedeng-pwede kong gawing rason na ayusin namin ito dahil GIRLFRIEND niya ako—kaso wala. Hindi pwede. Bakit? Kasi walang kami. Pssh—

"Salamat at pumayag kang makipag-meet up sa'kin Kaeren." Dumating si Enricke na siyang kinaputol ng pagsesermon ko sa'king sarili. Tinuloy ko na lang ulit ang pagkain ng Double Dutch ice cream in a cone. Umupo siya sa tabi ko.

Serious mode muna, Kaeren. One problem to solve at a time.  I cleared my throat. "It's time for us to talk, Enricke." 

Sa totoo lang kasi, panay na ang message niya sa'kin after takutin siya ni Spade nun. Ngayon lang ako pumayag sa kagustuhan niyang makipagkita dahil sa paguusap namin ni Maiah noong isang araw.

Kailangan ko na talagang harapin ang mga tinatakbuhan ko, at ito ang isa sa kanila.

"Sa tingin ko nga.." mahina siyang tumawa. "At mukhang maayos na closure na ito."

Teka.. parang may mali.

Tinignan ko siya. "May sapi ka ba? Ano't okay ka ng magsalita? Sino ka?"

Natawa na siya ng tuluyan. "Ako pa din ito, Kae. Haha, trying hard lang talaga ako noon. I really like you come back to me that's why me did those."

Medyo sablay lang ng unti sa English pero okay na siyang magsalita. "Why? After what you did? After how you treated me? Bakit gusto mong makipagbalikan pa?"

Bumuntong-hininga siya. "Believe it or not, Kae, minahal talaga kita. Sobra. Kailangan kita noong saktan para hindi mo ako sundan dahil kilala kita, kapag nanatiling tayo, pipiliin mong makasama ako at sumama sa'kin. O di kaya'y susundan mo ako. At ayokong gawin mo iyon dahil mawawala ang sarili mo pag nangyari 'yun."

I continued to lick my ice cream. Tama siya, ganun nga ang balak ko noon.

"Ngayong nagbalik ako, I tried na magpa-impress dahil gusto pa din kita. Alam ko kasi kung gaano ka kain-love dun sa mga K-dramas na pinapanuod mo, kaya sinubukan kong gawin 'yung ginagawa nila."

"Ah, Enricke, hindi ko alam kung anong K-dramas ang pinanuuod mo, pero wala akong napanuod na katulad ng ginawa mo."

"Ganun ba? Baka nabasa ko ata 'yun? Haha, limot ko na. Basta 'yun. Hehe, akala ko kaya ko pang makabawi sa'yo, na kaya pa kitang bawiin. Mahal pa din naman kita, Kae, pero mukhang hindi na kita pwedeng mabawi kahit gaano pa kita kamahal. Naka-move on ka na eh. Hindi rin naman kita masisi."

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now