First Chapter

190 9 9
                                    

According to Google, the role of the Nurse daw ay to tend patients and help them with their physical needs, illness, health conditions. Alagain din ng Nurse ang mga sugat ng mga may sugat, syempre, pati ang pag-check sa kanila kung magkataon na naka-confine sila.

In other words, mag-alaga o mag-aruga ng mga nasaktan, nasasaktan, masasaktan.

And man, I love my job!

Sure, nakaka-stress to the point na nakakawindang at nakakaiyak, pero it's all worth it lalo na't nakikita kong gumagaling at umaayos ang mga pasyente ko.

"Bru! BRU!"

"ANO?!" Asar kong tanong sa kanya sabay tanggal ng earphones ko. "Kitang nanonood ako ng K-drama eh! Geez, anong klaseng break ito kung iistorbohin mo lang ako?"

Inirapan ako ng hindot na baklang ito! "Don't me with your attitudeness, Bru!" Pinaglakihan pa ako ng mata. "May emergency! Nagkakagulo sa labas!"

"Kailan ba hindi? Lagi naman tayong may emergency. Sa hospital tayo nagwo-work." Urat talaga ako dahil naistorbo ang break ko. Eh kakaupo ko palang at kakaumpisa manood ng K-drama, tapos, tapos na agad?

Aba naman!

"Gaga! This is not any normal emergency!" Natakbo na kami papunta sa entrance. At malayo palang, kita ko na nga ang mga kumpulan ng sandamakmak na nurses and doctors sa kinukumpulan nila. Ang ingay-ingay nila, sabay-sabay na nagsasalita at nagsisigawan.

"Ano bang meron at bakit lahat ng tauhan ng hospital na ito ay nagkakagulo?"

"Kasi ang nag-sugod dito ay wafu!"

"Bruhilda!"

"Sorna, trulity naman kasi! Pero nagwawarla siya! Ayusin daw ang kanyang sinugod na gi —JUICE COLORED! OH MAHABAGING LORD!"

Napa-stop kami ng mga few feet before ng mga nagkukumpulan at sinundan ko ang tinitignan nitong si bakla.

"Dear Lord!" Ramdam ko ang paglamig ng aking mga kamay at napahawak ako sa braso ni Rocher.

"AYIII! Bru ano ba?! Ang lamig ng kamay mo!"

"Bru! S-S-Si H-Head Doctor Xander!"

"I know! I told you hindi normal ang emergency! Kita mo pati may-ari ng hospital natakbo papunta sa pinagkakaguluhan!"

"Where's your head doctor? Fvck! XANDER! HELP ME! You gotta fvcking help me!"

Ay, the who ang sumigaw?

Hindi ko alam why pero kumirot ang puso ko ng marinig ko ang pag-piyok niya. Ramdam ko ang halo-halong sakit, hinagpis, panic, at takot na nararamdaman niya dahil lang dun. Halatang importante sa kanya ang taong kasama.

"Kuya." Rinig ko ang tili ni bakla sa boses ni Head Doctor Xander. "I'll take over. But please, let my nurses treat your wounds. Your forehead is even bleeding."

May sugat din si kuya? Hala!

"P-Please Xander." Anla sya! Kumirot na naman ang puso ko sa kanyang boses. "Save her. Iligtas mo si Adria. P-Please Xander, please..."

Kawawa naman si kuya. Siguro na-aksidente silang dalawa nung Adria?

"I will." Tugon ni Head Doctor sabay sigaw. "MOVE!"

At ayun, tila parang Moses ang one-word ni Head Doctor, at nagpart ways lahat. Buti na lang talaga at hindi kami gaano lumapit ni Rocher, kundi, magsisik-sikan lang kami.

Agad na sumunod ang mga doctors at ilang nurses sa kanila.

"Don't fvckin' touch me."

Bumaling ang atensyon ko dun kay kuya.

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now