Third Chapter

114 9 4
                                    

"Shit? You cussin' me?"

Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling umiling. Shocks! Nasabi ko 'yun?! Nadulas ako oh my God!

"H-Hindi po sir! Sheet of paper po ang sasabihin ko sana. Iniisip ko po kasi ang dapat kong gawin after this, eh napagbilinan po ako ng katrabaho ko na kailangan niya ng papel. Tinatanong ko ba sa sarili ko kung ilang sheet of paper ang kukunin ko sa ano, sa, um, sa s-storage. H-Hindi po talaga kita m-minumura."

Hala sige! Kuntodo paliwanag. Kung di ka ba naman kasi isa't kalahati.

Tinitigan niya lang ako na parang nagsasabi na amalayer. Pero umirap na lang siya at sumandal na pabalik sa mga unan.

"Whatever."

Laking hinga ko na Sunglado siya at hindi na pinush ang pagmumura ko.

Jusko, matatanggalan pa ata ako ng trabaho pag nagtagal pa ako dito!

"S-Sige sir. Pahinga na po kayo. Have a good day!"

Mabilisan akong umalis at halos tumakbo ako para hanapin si ma'am at ma-assign na sa lahat, pwera lang diyan sa Spade na 'yan!



♠️♠️♠️



Naging okay naman na ang mga sumunod na araw ko. Naatasan ako para maging nurse ng top VIP namin, which was the girl na sinugod ni Spade dito.

Akala ko nga noong una na masungit din siya at maldita tulad ni Spade, dahil na rin sa mga chika ng mga katrabaho ko na hindi siya inaalagaan at tanging alam lang ay kilala siya at very important patient ni Head Doctor Xander. Pero ng makausap ko siya? 'Ku po! Kabait! At friends na kami ngayon!

Tapos pati ang best friend niyang kalog din ay naging friend ko na din.

"Mukha kang baliw diyan. Nangiti at natawa kang mag-isa."

Nawala ang ngiti ko at suya kong tinignan itong si bakla. "Ano bang problema mo? Paki mo kung mukha akong baliw?"

"Aba, Bru? Malaki ang paki ko! Hospital ito for emergency care and such, hindi mental hospital! Mamaya mag-welga ang mga pasyente, sabihin nasa wrong building sila."

"Harhar. OA mo na Bru. Corny na."

"Hmp."

"Ba't ba ang init ng ulo mo? Gondo-gondo ng ayos mo, pero ang ikinaganda ng ayos at itsura mo ay ikinapanget ng mood mo."

Ngumuso siya. "Kasi naman Bru, simula ng lumabas si fafa Spade, hindi ko na ulit siya nasilayan pa! Miss ko na siya, ahuahuahu!"

"Siya di ka miss."

"Ansaveh?"

"I mean, ba't mo namimiss kung ang dami namang gwapo diyan sa paligid."

Saglit siya nag-isip. "Kung sabagay. Marami ngang fafables na mga bisita si top VIP! Ang tanong eh, sino sa kanila ang single and available? Hmmm."

Umikot ang mga mata ko. "Tama na nga 'yan. Focus sa work, okay?"

"Huwaw teh! Ang gondo mo! Chura nito." Napatingin siya sa labas. "Ay, anek meron? Ba't may siniset-up sila?"

Tumingin tuloy din ako. "Oo nga ano? Ewan ko din. Wala pa namang sinasabi sila ma'am."

" 'Lika! Maki-chika tayo kay ma'am."

"Nurse Kaeren, Nurse Roche —"

"Madam, on-duty akesa. On-duty."

"Ay sorry. Nurse Rochelle."

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now