Thirteenth Chapter

83 7 2
                                    

"Anak? Ayos ka lang ba?"

"Po? Ay, gising na pala kayo Inang. Magandang umaga din po."

"Dalaga ko, tinanong kita kung ayos ka lang." Tinignan ako ni Inang habang nagtitimpla siya ng kape.

"Opo..?"

"O ba't hindi ka sure?"

"H-Ha? Sure! Sure po akong okay ako Inang!"

"Suuus!" Umupo siya sa harapan ko at kumuha ng pandesal. "Hulaan ko, may nanggugulo sa isip mo 'no?" Iiling sana ako pero nagtuloy-tuloy lang siya. "At dahil dito, hindi ka nakakatulog ng maayos sa gabi. Tapos hanggang mag-umaga, iniisip mo pa rin siya."

Nanlalaki ang mga mata ko sa tinuran ni Inang. "Paanong—"

"Ren, nanay mo ako. Nararamdaman kong may dinadamdam ka. At hindi ito ang unang beses na ginulo ng gumugulo 'yang magulo mo ng utak."

"Mas naguluhan ako sa sinabi mo Inang." Tatawa-tawa ko

"Edi ngumiti ka din!" Ngumiti siya sa'kin. " 'Nak, kung tungkol ito kay Enricke, alam naman namin ng Amang mo na ayaw mo sa kanya. Sadyang ang cute mo lang tuksuin. Hihihi!"

"Inang naman.."

"Eh ano ba? Totoo naman! Kaya nga kung si Enricke man ang gumugulo sa utak mo, tanggalin mo na ito okay? Pero, mukhang hindi naman siya ano? Sino ba ang nagpapalaki ng eyebags ng dalaga ko at ng mapasalamatan—"

"Inang!"

"Inang-inang ka diyan? Nang dahil sa eyebags mo, nagmumukha kang matanda, at ako naman ay bata! So, keep it up, Ren!"

Tignan mo itong nanay ko.

Napahigop ako ng kape na maligamgam na. "Inang, anong gagawin ko pag gusto pero ayaw ko yung gagawin or posibleng mangyari?"

"Hmm, ano ba ang inaayawan mo?"

Umiling ako at yumuko. "Hindi ko po alam."

Kumuha ulit ng pandesal si Inang at kinagatan ito bago sumagot. "Baka kaya ayaw mo lang ay dahil hindi mo ngayon makita ang posibleng mangyari?" Angat agad ang ulo ko at tinignan siya. "Dati kasi, kung si Enricke ang ihahalimbawa natin, alam mo noon na aalagaan ka niya at iingatan, mahal mo siya at mahal ka niya. May kasiguraduhan baga.Pero dahil hindi mo nakita, o inexpect, na iiwan ka niya, natrauma ka na pagdating sa bagay ng pagtatry."

"Pagtatry po?"

Inubos na niya ang tinapay. "Risk, Kaeren. Mukhang natatakot ka ng mag-take ng risk."

"Hindi po! Kaya ko ngang mag-commute mag-isa eh!"

"Ibang risk naman 'yun. Ang risk na sinasabi ko eh risk sa pagtitiwala sa ibang tao, o di kaya nama'y risk na magiging masaya ka at hindi ka na ulit maiiwanang mag-isa. Iyong bang itatry mo ulit sumabak ng walang kasiguraduhan kung ano ang kakalabasan, basta ang mahalaga eh masaya ka sa kasalukuyan."

Napatingin ako gilid kong. 

"Matanong kita, 'nak. Ano ba ang una mong naisip na sagot o gawin? Gusto o ayaw?"

"G-Gusto po . . . pero naisip ko—"

"Ah-ah-ah! Kaya ka naguguluhan eh. Hindi lahat ng tao eh nandyan para pasiyahin ka sa una at paiyakin ka sa huli. Walang masama kung pagbibigyan mo ang sarili mong lumigaya. Ang mahalaga, hindi ka magsisisi sa huli dahil hindi mo ginawa. Hindi ka magkakaroon ng pagtatanong kung ano ang mangyayari kung ginawa mo ang gusto mong gawin kahit na masama ang pwedeng kalabasan."

"Eh paano po pag may bad feeling yung sinasabi ng guts ko?"

"Malaki ka na. At alam kong hindi mo ilalagay sa panganib 'yang sarili mo. Kung may masama kang kutob, pero gusto mo pa rin? Edi magsimula kayo as friends. Wala naman masama doon 'di ba? Hihihi!"

Queen of SpadeOnde histórias criam vida. Descubra agora