Fourth Chapter

119 9 4
                                    

"Congratulations Maiah!"

"Thank you, Kaeren! Siya nga pala, punta ka sa second wedding ko ah?"

"Second what? Kakakasal mo palang ah."

Natawa siya. "True, pero may plano kami ni Kieran na magkasal ulit. Kasi ang kasal na nauna ay parang civil lang ba? Civil na medyo extravagant. But anyway, punta ka ha?"

"W-Wow. Ikaw na. Um, ta-try ko ha? Pag umokay si ma'am."

"Sige sige. Kahit sa reception ka na lang pumunta, okay lang, basta makapunta ka. Hindi mo na din kailangan ng invitation dahil wala akong ganung ek-ek na ipapamigay."

Tumango-tango ako. "Siya nga pala... Wag mo sanang masamain, pero may tanong ako."

"Ano yun?"

"Um, okay lang ba siya?"

"Siya? Sino?"

"Yung taong natawag sa'yo ng Sweetheart?"

Kumunot-noo si Maiah. "There's only one person who calls me that, and I think so. Okay naman siya. Bakit mo natanong?"

"Eh kasi di ba? Sweetheart ka niya, jowa ba? Tapos kasal at kinasal ka na sa iba."

"OMG! NO! Hindi kami mag-jowa! Ganun lang talaga niya ako tawagin pero hindi ko siya jowa! My goodness!"



♠️♠️♠️



Napalunok ako habang tinitignan ang pasukan ng reception.

Dito na nga lang ako nakarating kasi kahit na inapprove ni Head Doctor Xander na magtake offs ako, etong si ma'am ay sinimulan ito bukas and the day after that.

Wala din!

Laking pasalamat ko na lang kay Rocher na kinover niya ako today at nakaalis ako ng maaga, kapalit ng baon kong dala.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Malamig man ang mga kamay mo, nanlalambot man ang mga tuhod mo, kaya mo to Kaeren! Just... smile!"

At maghanap ng mga pogi!

"YOU MADE IT!" Bati agad ni Maiah ng kalabitin ko siya.

"I MADE IT!" Bati ko pabalik at nag-akapan pa kami.

Nagchika-chika pa muna kami hanggang sa dumating si Aliyah at nag-volunteer na ililibot ako at sasabihin niya sa'kin kung sino ang mga single!

Grabe! I'm so excited! The AYALA MEN ARE HERE!

Nakakalula talaga kasi ang buong venue ni Maiah. 'Yung mga business people na sa TV at magazines ko lang nakikita, josko, nandidito sila at nagkalat! Mga bigatin talaga!

Did I mention about the papalicious Ayalas?

Magboboy-hunting na sana kami ni Aliyah ng bigla akong may naalala.

"Wait. Teka minute!"

"Oh? Nagbago isip?" Tinignan ko muna si Maiah na nagtanong bago si Aliyah.

"Um... Pwede favor?"

"Anek 'yun? Mukhang malaki-laki ito base sa pagwoworry ng iyong face, Nurse Kaeren."

Napakagat ako sa aking labi. "Hindi naman... Ano lang.. Um.."

Queen of SpadeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant