Twenty-third Chapter

79 7 2
                                    

"Bru ano? May nakita ka ba?" Salubong sa'kin ni Rocher. "Oh noes, you're empty-handed! This kennot be!"

"Meron ako, sila Cheche ba?"

"Meron naman din, pero mas bet ng judges ang otokus nila Babalita and the Aglipays." Bumuntong-hininga siya. "I kennot blame them though. Swak na swak ang mga otokus nila ih!"

"Kaeren, mukhang talo na talaga tayo," wika ni Cheche at nginuso ang mga nagkukumpulan na mga 'yun. "Kita mo ba? Panig talaga sila sa kalaban."

"Bakit? Ano bang nangyari sa mga nakita niyo?"

Bumagsak ang mga balikat ni Cheche. "Eh mga walang abs eh. Toned lang."

"Eh wala din namang mga abs ang mga manok nila ah!" daing ko.

"Bru, may hubog naman. You knows? Like, ilang workout pa, maluluto na ang mga pandesal. Ganern!"

"Tignan mo nga sila Ivy at Weng, di na din mapintura ang mga mukha." Tinignan ko sila at tama nga si Cheche. Lumapit silang dalawa sa'min at hinagod namin ni Rocher ang likod nitong sila Ivy at Weng. "Hays, isang milagro na lang kung may hihigit pa sa mga lalaki nung Ara and friend."

"Oo nga. Kung meron lang talaga sana eh, kaso wala akong nakita," malungkot na sabi ni Weng.

"Kung meron man, sana nakakasilaw ang abs niya na mapapanganga silang lahat!" saad ni Ivy.

"At needsung niyang may jawline!" dagdag ni Rocher. "Tsk, maghanda kayo, parating na ang dinubyong babalu."

Lumapit sa'min sila Ara at nakahalukipkip silang lahat. Tapos nakangisi pa. "So? Nasaan na ang panlaban niyo?" Then a guy held Ara's waist and smirked as well. "Looks like my babe here wins, 'di ba babe?"

Napangiwi ako ng maglampungan sila. Masuka-suka naman si Rocher.

"On the way na 'yun," sagot ko. "And since mukhang ang pinakapanlaban niyo eh 'yang lalaking kalaplapan mo, Ara, ang pinakapanlaban naman namin eh yung manok ko."

Tumaas ang kilay ni Ara at pasimpleng bumulong si Rocher. "Ah, gurl, where na si manok? Until now waley pa ring wafu around!"

"Paparating na 'yun," bulong ko pabalik.

"HAHAHAHA! Talaga lang ah? I'm really impress na nakakapagsabi pa din kayo ng ganyan when in fact, nasa akin ang pinakagwapo, pinakahot at pinakasexy na lalaki dito sa beach!" Kinuha nito ang kamay nung lalaking di maisipan ang mukha at niyakap ang mga ito sa bewang niya.

"Ang pangit naman pala ng taste mo, Ara, hindi ko akalaing sexy na pala para sa'yo ang inverted triangle," wika ko na kinaalis ng ngiti niya.

"Pfft, siyang tunay Bru! Kulang na lang eh black shades.."

"Blonde hair," wika ni Cheche.

"Black shirt," dugtong ni Ivy.

"And jeans," dagdag ni Weng.

"Pwede," I approved. "Isa ka ng—"

Sabay-sabay ang apat. "JOHNNY BRAVO! GET, GET AW!" With matching sayaw pa ang mga 'yan ah. Mas tumaginting tuloy yung ugat ni Ara.

"MGA INGGITERA!" sigaw ng isa.

"ILABAS NIYO NA ANG PAMBATO NIYO! WAG PURO SALITA!" sabi pa ng isa.

"OO NGA! PURO KAYO DADA!" dagdag pa ng pangatlo.

Napailing na lang ang Sexbomb nurses sa mga kampon ni Ara. 

Pero di nga, nasan na si Aerth?

"Wait, wait, sigurado ka bang may pambato ka?" hamon ni Ara sa'kin. "Baka mamaya pari ang nakuha mo. Basbasan mo naman ako madre." Tumawa sila, pati yung mga lalaking nadampot nila sa tabi.

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now