Second Chapter

128 7 5
                                    

"Oh? Ba't mukha kang lalaki ngayon Rochelle? On-duty ka pa ah! Di pa time para maging Rocher ka. Anyare sa'yo?"

Sinamaan niya ako ng tingin bago bumuntong-hininga. "Pano ba naman, nung gagamutin ko na si Fafa Wafu, pinaalis ako! 'Yung kaibigan niyang wafu din ang nag-gamot sa kanya. Asaaaar talaga! Di ko nachansingan — arouch! Ba't ka ba diyan nambabatok?!"

"Ayan kasi ang dahilan kung bakit pinagtabuyan ka! Bruhilda ka, puro chansing ang nasa isip mo!"

"HOY! For your infor-mindness, chansing ang nasa isip ko but only for wafu papables! Sa mga frogilets? Kiber ko sa kanila, hmp!"

Ano daw?

"Information, Bru." Napailing na lang ako. "Mag-trabaho na lang tayo okay? Ay wait, uuwi na pala ako! Harharhar!" Tawa ko sabay clock out. "Oh sya, vavoo — aray! Ba't ka ba nananambunot diyan?!"

"Bakla ka! Ulyanin ka! Parehas tayong out na!"

"Ay, oo nga pala ano? Sarreh!"

Sabay na kaming sumakay ng Jeep nitong si Rocher, at syempre siya unang bababa like usual.

"Oy Bru, mag-ingat ka ah? Mag-aalas tres na ng madaling-araw. Wag kang mag-K-drama moment sa daan."

Dumila ako sa kanya. "Wag kang inggit!"

Inirapan niya lang ako. "Vavoo!"

"Vavoo!" At ayun, pumara na siya at bumaba. Maya-maya pa'y dumating na ang Jeep sa pangatlong kanto at bumaba na din ako.

Wala naman ng tambay ngayon dito dahil sa utos ng Presidente ng bansa pero ingat-ingat pa din. Kaya alerto pa rin ako sa kapaligiran.

Agad akong nagpunas ng katawan at naghugas ng mukha pagkadating ko sa bahay. Tulog pa din sila Inang at Amang pero tiyak ko matutuwa sila dahil binilhan ko sila ng fresh Pandesal.

At sa sobrang pagod ko, knock-out agad ako pagkahiga.



♠️♠️♠️



"Nak? Nagluto ako ng kalabasa para pambaon mo ha?"

"Nnn."

"Aalis muna kami ng iyong Amang at susulitin ang off namin. Hihihi! Di-ditdit muna kami ha?"

"Nnn."

"Ingat ka mamaya papasok."

"Nnnn."



♠️♠️♠️



Agad kong nginuya ang pinasok na tinapay ni Rocher sa aking bibig.

"Alam mo ikaw? Kababae mong tao, kung humikab ka, akala mo walang tao sa paligid! Hikab kung hikab, nganga kung nganga!"

"Awam mwo wikaw?"

"Ha?"

"Bwiwisan mwo kwaya sa pwagawa ng kapwe ko!" Lumunok ako. "Tsaka, anong pake ko sa mga tao sa paligid? Eh sa gusto kong humikab."

Umikot na naman ang kanyang mga mata bago hinalo at inabot sa'kin ang kape. "Ang puti-puti mo nga, gondo-gondo ng ilong, tangos eh! Kaso mukha ka na ngang mataray, tapos bansot ka pa, tapos wala pang manners?! Juice colored!"

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now