Nineteenth Chapter

67 7 4
                                    

And I take back what I just thought.

Hindi na kailangang kumindat o ngumiti o kung anuman ni Spade. The moment na pumasok siya sa bahay at nasilayan siya ng aking mga magulang ay halos lumuwa ang kanilang mga mata sa gulat.

At ngayon ay sobrang pagkakataranta para lang masiguradong okay lang siya!

"Ah.. Inang—"

"Naku, okay ka lang ba sa inuupuan mo hijo? Mainit ba?" Panay ang paypay ni Inang sa kanya. "JUUUU! ANG ELECTRIC FAN!"

"Amang—"

"Eto na, eto na! Saglit lang ha? Isasaksak ko na—Kaeren! Anong tinatayo-tayo mo diyan? Hainan mo na ang ating bisita! Dalian mo!" Bumaling agad si Amang kay Spade kaya di niya nakita ang pagkanganga ko. "Pasensyahan mo na ha? Medyo loading talaga minsan itong dalagita namin eh. PST! Kaeren!" Nilakihan pa niya ako ng mata.

Pumikit ako at huminga ng malalim. "Nakakain na po kami, Inang, Amang. Busog pa po kami."

Sabay-sabay silang tumigil at tumingin sa'kin, tapos bumaling kay Spade. 

"Kumain na daw kayo? Nagluto pa naman ako.." Malungkot na sabi ni Inang.

"Busog ka na daw? Kakain sana tayo ng sabay-sabay.." Malungkot din si Amang.

Yung totoo, anong meron sa mga magulang ko?

Tipid na ngumiti si Spade. "Hindi naman po ako nabusog masyado sa kinainan namin. Pwede ko pa pong matikman ang niluto niyo," tumingin siya kay Inang, "at kumain tayo ng sabay-sabay," tumingin siya kay Amang. "Iyon ay kung pwede sa inyo?"

Napaface palm ako.

"YES NA YES HIJO!"

"APRUB NA APRUB!"

Anong gayuma ang binuhos ng lalaking ito sa mga magulang ko?



♠️♠️♠️



Nasa harap na kami ng hapag-kainan at talagang asikasong-asikaso pa din nila si Spade.

"Ah, Inang? Amang? Anak niyo ko. A-Ako po ang anak niyo?" Hindi nila ako narinig. Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nagpipigil ng ngiti dahil enjoy na enjoy sa pagkakaburaot ko.

Kinuha ko ang tinidor at nagmistulang tutusukin ko siya. Hindi naman kasi sa'kin nakatingin ang mga magulang ko kaya di nila makikita.

Nanggigigil na ko sa'yo ah!

I bit my lip in irritation and stabbed my fork in air. He was going to laugh but he covered it with a cough.

"Kaeren ano ba yang ginagawa mo? Walang pagkain sa hangin, nasa plato ang pagkain." Pailing-iling si Inang.

"Oo nga naman, nakakahiya sa bisita natin ang kilos mo," dagdag pa ni Amang tapos bumaling ulit sa bwisita. "Pag pasensyahan mo na ang aming dalaga ha? Minsan loading corrupted 'yan eh, kaya hindi agad nakikita ang pagkain."

"Enough!" I slammed my hands down on the table. "Ano bang meron dyan sa lalaking 'yan at kuntodo asikaso kayo sa kanya ha? Sino ba siya ha?"

Kunot-noo akong tinignan ni Amang. " 'Di ba kayo ang magkasama? Ba't kami ang tatanungin mo Ren?"

"Tama ang Amang mo, dapat kilala mo na siya di ba?"

"Ugghh! Opo, kilala ko siya pero pakipaliwanag nga po sa'kin kung bakit ganyan ang trato niyo sa kanya?"

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now