Fifth Chapter

113 7 5
                                    

"Anak? Okay ka lang ba? Ba't mukha ka diyang pagod na pagod at nasisilakihan ang mga eyebags mo?" Nagtataka akong tinignan ni Inang. "Hindi ka naman ganyan kahit nagsimula ka sa pagtatrabaho ah! Anong problema?"

Umiling ako. "Wala po Inang. Sadyang di lang po talaga ako makatulog."

"Ilang araw ka ng ganyan ah?"

Simula ng akitin ako ng isang poging pashneya.

"W-Wala po talaga ito Inang. Insomia lang talaga."

Bwiset talaga ang gwapong Sunglado na 'yun! Ng dahil sa pag-aakit niya, hindi ako mapakali at makatulog kakaisip du—

"Tss. Sino bang nagsabing isipin mo?" Argh! "At sinong nagsabing magpa-akit ka?"

"Ano 'yun dalaga ko?"

"Nakanta lang po, Inang."

"Ganun ba? Wala ka sa tono. Flat ka."

"Inang naman!"

"Nagsasabi ako sa'yo ng totoo, anak. Flat ka nga!"

Napakamot ako ng ulo.

"Magandang umaga sa mga babaeng mahal na mahal ko!" Bungad ni Amang saka kami niyakap ni Inang. Nagdouble take siya sa'kin. "Anong nangyari sa'yo 'nak? Mukha kang eh—"

"Amang!"

"Hehe, peace tayo 'nak."

Ngumuso ako. "Kumain na nga kayo ng agahan. Malelate pa kayo sa trabaho niyo."

"Sa daan na lang kami kakain ng iyong Amang. Nakabalot naman na ako ng pandesal. Trapik pa sa Edsa." Niyakap muna ako ni Inang. "Oh paano? Tama na hithit at baka tamaan ka sa'kin."

"Hindi nga Inang! Oh my gosh!"

"Oh my gosh ka diyan! Matulog ka ngayon! Wala kang pasok kaya matulog ka kundi itatali kita sa kama mo."

"Amang o, si Inang nagbabanta pa."

"Hehe, kilala mo ang Inang mo, Ren, hindi 'yan banta. Sabi yan ng tunay niyang gagawin."

"Wow Amang, instead na pagtanggol niyo ko." Napailing na lang ako at nag-peace sign ulit si Amang. "Alis na nga! Malelate na talaga kayo!"

"Oo na, wag kang atat Kaeren."

"Hehe, labyu Inang!"

"O!" Nilapag ni Amang ang baso ng kape sa mesa na tinungga niya tsaka lumunok bago nagsalita. "Bago ko pala makalimutan! Bumalik na si Enricke!"

Nabilaukan ako bigla sa iniinom kong tubig. Pinunasan ko muna ang bibig ko gamit ang likod ng aking kamay.

"Ano kamo?!"

"Si Enricke kamo! Bumalik na. At hinahanap ka niya!" Tumaas-taas ang kilay nitong ama ko.

"Pwes ako nakaalis at hindi siya hanap."

"Ay bitter?" tukso ni Inang. "Di ka pa ba nakamub on 'nak?"

Umirap ako. "Di ako bitter, Inang. At lalong nakamove on na ako."

"Eh ba't di ka mukhang eksayted?"

"Amang, bakit ako magiging excited? Hindi siya worth ng pagiging excited ko."

"WEEH!" At nagsabay pa ang magulang ko!

"Akala ko ba nag-sorry na? Hihi!"

"Akala ko ba aalis na kayo, Inang?"

"Akala ko ba okay na kayo? Meron na ulit? Ayii!"

"Akala ko ba malelate na kayo, Amang?"

"Akala ko ba—"

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now