Twenty-second Chapter

75 8 2
                                    

Tama nga sila Cheche, lantaran sa katarayan ang mga babaeng nilalandi ang aming nurse boys! Pati nga si Terence na kakadating kasama namin ay bigla agad hinila at nilakaran ng daliri ang dibdib.

Geez.

"In fairness, kahit walang ganda ang mga babaitang kasama nila, bawing-bawi naman sa nag-gagwapuhang lalaki." Saad ng parang leader nila at mas nilapit ang dibdib nito kay Terence. Napangiwi ako.

Ang sagwa teh. Trying hard kayo. Gosh.

"Sabi sa inyo eh. Mga impaktita sila!" Gigil ni Cheche.

"Ah, salamat sa paghatid dito kay..." Binalingan niya si T. "Anong pangalan mo Mr. Handsome?"

"T-Terence.."

"Ooh, how sexy." Kumagat-labi pa ang babaeng blonde dyed ang hair. "My name is Ara." Mas dinikit pa niya ang kanyang sarili dito. "Nice to meet you."

Ugh.

"Dito na lang kami boys huh?" Palambing ek-ek ng isa pang kasamahan ni Ara. "We will keep you company."

"At tiyak naming mas maeenjoy niyo kami kaysa sa kanilang mga panget," dagdag ng isa pa.

Tumawa ang mga kasamahan nilang babae. "Don't worry, we'll take good care of you. Basta.. libre niyo kami sa pagkain ha? Kahit 'yun lang."

Ay anak ka ng—mga adik pala ang mga ito eh!

"Excuse me mga aglipay, kung kagandahan at kaseksihan lang ang usapan, eh di hamak namang mas lamang kami dahil kami ay fresh habang kayo ay lantutay na nga, gamit na gamit pa!" Mataray na sabi ni Rocher. "And I'm pretty sure, lahat ng parte ng katawan niyo ay lamog na."

"Oo nga! Kaya umalis na lang kayo dito! Mga itribida!" dagdag pa ng isa naming kasamahan, si Ivy.

"Inggit lang kayo dahil mas magaganda at mas masesexy kami sa inyo! At kahit sinong lalaki dito, kami ang pipiliin kaysa sa mga gurang na katulad niyo!"

"That is so true sissy! Papangit na nila, ang lalakas pa ng loob tumabi sa mga katulad nating mga dyosa!"

"HOY!" Pumamewang na si Rocher at tsaka sila sabay-sabay na nagsasalita. Sinubukan ng mga lalaki ng umawat kaso ang cat fight ay cat fight. Hindi pwedeng sumawsaw ang isang dog dito.

"Tignan niyo nga 'yang isang kasamahan niyo! Balot na balot! Ano 'yan nagseseminaryo sa beach? Madre na nagsuswimming! So ugly and EWW!"

Aba't—

"Alam mo Miss, wala namang nagsasabing hindi ka—kayo—maganda at sexy, hindi niyo na kailangang umupo sa kandungan ng mga lalaki namin, o lampungin sila, o ikiskis ang mga dede niyo sa kanila. Ano ba, kating-kati ba talaga at walang pumapatol na kamutin kayo?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsalita na ako na kinatahimik nila. "Kaya kung sino na lang ang makita niyo, susunggaban niyo para makamot 'yang kakatihan niyo?"

Halos umusok ang ilong ni Ara. "Anong sabi mo?!"

"Oh, you heard me. Ano 'yan, maganda ka nga pero bingi ka naman?"

"You bitch!" Tinangka niyang lumapit sa'kin pero humarang si Rocher.

"Try to get in touch with her, and girl, Imma let the dogs out!"

Nakatayo na yung anim na babae sa tapat namin.

"Why don't we have a competition?" Ngumisi si Ara.

"Sige! Kahit anong competition 'yan, for sure na mananalo kami!" sagot ni Weng, isa pang nurse namin.

"Hahaha! Tignan natin. Simple lang. Kung sino ang makakakuha ng pinakamaraming lalaki sa side nila, sila ang panalo." Kompyansang sabi ni Ara.

Queen of SpadeWhere stories live. Discover now