Malaya ko namang tinitingnan ang likod at postura ni Aly na ngayon ay nasa harapan ko, pakiradam ko ay isang buong araw ko na siyang kasama at sa tingin ko ay hindi ako magiging immune sa ganong concept.

Mas mabuti ng gumawa ako ng linya sa aming dalawa, hindi ko kukunsintihin ang pagiging isang spoiled ni Aly. I'm not like that, excuse me!

Pinag-buksan niya ako ng pinto at walang-gana naman akong pumasok sa loob, kahit na madaling araw na ay nag-lalaro pa rin sa ilong ko ang amoy ng kotse niya tapos sasama pa siya. Ako lang ba yung nakakaranas na nakaka-turn on sa lalaki ang mabango at malinis?

Pinanood ko si Aly na umikot sa harapan ng kotse hanggang sa maka-upo na siya sa driver's seat "May curfew ba sa inyo?" he asked the reason why I chuckled, mukhang nasa isip niya pa rin ang pag-tulog ko sa bahay niya kapag sarado na ang gate namin.

"Yeah at kahit nakasarado na ang gate ay aakyatin ko nalang 'yun basta maka-uwi ako" pag-bibiro ko at narinig ko naman ang mahina niyang tawa. I don't know pero kahit madaling araw na ay nakakaramdam ako ng saya na nasa tabi ko si Aly.

Pakiramdam ko ay safe at komportable ako kapag kasama siya although may times rin na hindi dahil sa alam ko naman na palakain siya sa sex but now, dahil sa pagod na rin naman ako ay hinahayaan ko nalang ang sarili ko na makasama siya.

Pinaandar niya na ang kotse at walang halos tugtog sa loob ng kotse niya, bigla tuloy sumagi sa isipan ko ang mga sinabi niya kanina nung nag-kita kami sa club. He sounded like a normal person to me when he talked about me being a sex worker.

Ang sabi niya ay hindi lang pantanggal buryo ang ginawa namin pero ano pa? Bakit ba nabubuo nanaman ang mga tanong sa isipan ko na alam kong hindi ko naman masasagot?

Why are making me confused, Aly?

Kung ano-ano na ang nararamdaman ko sa'yo at sa tingin ko ay hindi 'yun healthy para sa akin. Mas mabuti atang dumistansya ako sa'yo habang fini-figure out ko kung ano ba itong nararamdaman ko para sa'yo.

"Ang lalim ng iniisip mo, is it about me?" ang matapang niyang tanong na dahilan para saglitan na sumulyap ang mga mata ko sa kanya, pinatanong ko ang braso ko sa gilid ng bintana para alalayan nito ang ulo ko.

"Kahit ba naman madaling araw ay malakas pa rin ang amats mo, Hindi ba puwedeng nag-iisip lang ako kung paano ako makakapasok sa village namin?" pag-papalusot ko.

Yeah, I'm thinking about you Architect Aly and fuck! I don't know what I'm feeling anymore, pakiramdam ko ay sasabog nalang ako dahil sa hindi ko malaman kung ano ba itong pinaparamdam mo sa akin.

Isa lang ba ako sa mga babaeng napa-ikot o pampalipas oras mo lang? Bakit ba ako nasasaktan e' hindi naman tayo malapit sa isa't-isa.

"Kung sarado na ang village mo ay welcome naman ang bahay ko para doon ka matulog"

"Ipipilit mo talaga ang gusto mo no..." ramdam ko ang pag-kairita dahil sa ang akala ko ay tapos na kami sa usapan na hindi ako matutulog sa bahay niya, aakyat nalang ako ng gate namin kaysa naman matulog ako sa bahay niya.

"At least I'm being thoughtful, ako pa naman ang boss mo" pag-bibiro niya na dahilan para umikot ang mga mata ko, heto nanaman ang puso ko na para bang hindi alam kung saan tutungo.

Hindi nag-tagal ay nakarating na kami sa harap ng village ay tama nga ang kutob ko na wala ng bantay at sarado na ang gate. So aakyat talaga ako ng gate para lang maka-uwi ako sa bahay?

"Yeah, you're unlucky because the gate is already closed" nakuha pang mang-asar ni Aly e' kasalanan naman ng bulok niyang elevator kung bakit hindi ako naka-uwi.

Ruling The Senator's Son (High Class Issue Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin