Chapter 21 : Troubled

Mulai dari awal
                                        

" Halika nga dito. " tila nagulat pa sya ng bigla akong tumuwid ng upo at hinila ko sya para umupo rin. Sa kandungan nya pa din ako nakaupo. I wrapped my other arm around his neck and I cupped his right cheek with my hand.

"You can tell me anything. I'm here for you. I can be a friend that can listen to all your rants." I even smiled a little for him to feel at ease.

" Oh no babe, you can never be a friend to me." tila nahihirapan nya g sagot saken. Napakunot naman ang noo ko.

" Because none of my friends can make my buddy down there feel really hard. And you can easily do it big time." Namilog ang mata ko as I realized what doez he mean! Hinampas ko nga ng hinampas. Napakamanyak kase!

I was about to get off when he encircled his arms on my waist. That made me closer to him. Here comes this feeling again. Fast and loud heartbeats. Nervousness at its peak.

" I want to kiss you." derechahan nyang sabi habang matiim na nakatitig sa mga mata ko. Hindi ko mahanap yung sagot na dapat kong sabihin. Nananatili lang akong nakatingin sa kanya. What should I do? Aaminin ko a part of me wanted it too. But I just cant simply give in. Another part of me is saying that this is not right.

Napasinghap ako ng mas kinabig nya pa ako palapit. This time Im sure that he will really kiss me. Napapikit nalang ako at naghintay sa kung anong mangyayari dahil mukha namang wala na akong kawala nang biglang umalingawngaw na boses sa gilid namin.

" OMG! Casssssssy! Anong kaharutan to?!" mabilis pa sa kidlat na naghiwalay kami ni Renz dahil sa gulat sa boses ni Dette. OMG si Dette nga! At di lang sya nag iisa dahil kasama nya si Brix na matiim na nakatitig saken mula sa likuran nya. Nakamask pa sya para siguro di sya makilala.

" W-What are you t-two doing here?! " I asked pagkatapos kong makabawi sa pagkabigla. Shocks! Nakakahiya yung naabutan nila samen. Di pa nagsasalita si Brix. Pakiramdam ko papagalitan nya ako mamaya. Huhu.

" Hoy Cassidy Victoria, wag mokong sasagutin ng tanong din ah. Kayo nga tong may ginagawa netong si Fafa Renz mo. Ikaw ah, may tinatago ka palang kaharutan sa katawan mo ah! " sinusundot sundot pako ni Dette sa gilid ko habang inaasar ako. Baliw talaga tong babaeng to.

They explained to us over lunch sa isang sikat na restau dito sa Tagaytay kung bakit sila nandito at magkasama pa. Meron daw silang tinapos na project ni Brix dahil sila nga ang partner. Bigla ko naman naalala na may nabanggit ngang ganun si Brix dati saken. Na kaya nga daw sila medyo madalas magkasama eh dahil partner sila sa isang project.

Naisipan daw syang yayain ni Brix na daanan ako tutal andito na din naman sila Tagaytay at parehas namang tapos na ang commitments namin : sila sa project nila and ako naman sa shoot ko. Buti nalang si Brix na ang gumawa ng lusot kay Dette kung bakit kame magksama ni Renz dito. Binaliktad nalang nya sitwasyon, kunwari si Renz ang may photoshoot. Tutal alam naman nyang modelo talaga si Renz. Yun nga lang meju epic fail dahil ang sagwa ng nadatnan nila samin. For sure di ako tatantanan ni Dette pag kami nalang dalawa. Di masyado nagsasalita si Brix at Renz. Si Renz mukhang badtrip kanina pa simula ng dumating yung dalawa at si Brix naman di ko pa alam dahilan pero alam kong wala din sya sa mood.

Speaking of Dette. Kanina ko pa napapansin na di sila nag uusap ni Brix eh mukhang kanina pa sila magkasama. Hmmm. I smell something fishy.
______________________________________

Dette's POV :

Alam ko medyo OA ang pagkadaldal ko ngayon kay Cassidy sa lunch naming ito. What can I do? This is the only way para di ko na gaano maisip ang presence ng mayabang na feeling superstar na Brix na to. Kaninang umaga pako nyan binabadtrip sa totoo lang. Buti nga natapos pa namin project namin ng matiwasay kahit na parang aso't pusa kame. Naalala ko na naman tuloy kung panong nagsimula ng di maganda ang araw ko dahil sa kanya.

I'm A Nerd AND I'm Famous!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang